Ako Nalang Sana

139 4 12
                                    

dedicated to mics_emotions

~°~°~°~°

"tol kantahan mo nga ako"

"ano ba gusto mo?"

"kung ano gusto edi yun..ano nga ba?"

"ikaw.."

"ano?!"

"a-ano sabi k-ko way b-back into love!! ayun! naku! ang binge mo!" kabado kong paliwanag

"kala ko naman.."

"na ano? na isa ako sa nagkakagusto sayong babae?A-S-A!" liar.

"tch. kanta ka na dali!!"

"sige wait.."

sinimulan ko nang tugtugin ung gitara ko

I've been living with a shadows overhead ~
I've been sleeping with a cloud above my bed~
I've been lonely for so long~
Trapped in the past i just cant seem to move on

tinignan ko si adrian at nakapikit siya..

I've been hiding all my hopes and dreams away~
Just in case i never need'em again someday~
I've been setting aside time~
To clear a little space on the corners of my mind~

i look at him and now hes looking at me

All I wanna do is find a way back into love~
I can make it through without a way back into love~~

ohh~~

nagulat ako ng bigla siyang sumabay saakin

"maganda naman pala boses mo eh"

"anong maganda?! panget kaya!"

"buti alam mo! hahahahaha!!"

"sama mo talaga tol!"

"toh naman 'd mabiro pero nag improve ka ah!!"

"ewan..nga pala ciella bakit hanggang ngaun wala ka pang boypren?" tanong ni adrian

"ah..yun ba? la lang 'd ko lang feel tska may gusto akong tao"

"kaw ah!! sino yon?!" sabay sundot sa tagiliran ko

"teka!!" hinawakan ko yung kamay niya "malalaman mo rin balang araw"

"ang daya! sino nga kasi!?" sinundot niya nanaman uli tagiliran ko..pero iba ngaun nangingiliti na siya

"hahahaha! t-teka! tama na hahahahahaha!!" agad ko naman kinuha kamay niya at tinignan sa mata. "Pano pag sinabi kong ikaw?"

natigilan naman siya..

"Joke lang to naman..eh ikaw adrian sino crush mo?"

"wala"

"weh?! ang dami-dami mong fans diyan tapos wala?!"

"eh sa wala akong gusto sa kanila eh" sabay kuha ng gitara ko

"wala? baka si aira maganda din naman un eh..tska si hmm..ah! si camille kaso maldita" sabay kuha ng chichirya na nasa tabi ni adrian

"wala nga eh kulit mo" nilapag naman niya ung gitara ko

"adrian pano kapag nalaman mong gus--"

"OMG!! Fafa adrian pa picture!"

"Pa Hug Fafa adrian!" at yinakap siya

"Fafa adrian I Love You!!" sigaw nung isang babaeng nasa likod ko at namula pa!

Ako Nalang Sana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon