“Anong kulay yung gagawin natin? Di ba required ng model?” tanong ko sa kaniya.
“Yeah but model is not the problem, you can wear our design.” sagot niya naman sa akin. Napamaang ako, why me?
“Bakit ako? Makakahanap din tayo.” sabi ko kasi parang ayuko naman isuot yung kauna-unahang maging in person gown design namin.
“Its hassle since we have to pay for our model and the fact that it will costs time. You don't want?” tanong nito sa akin.
“Okay naman sakin pero nakakahiya.” sagot ko.
“Nah, you don't have to be so shy since we make sure that our design will fit on you perfectly.” sagot niya at nagpatuloy sa pagdraw ng sketch.
Salitan kami sa pagsketch hanggang sa napagod na kamay namin. Matagal pa matapos pero gutom na kami kaya nag-unat na ako ng katawan.
“Tama na muna to siguro, pagod na ako.” sabi ko sa kaniya.
“Yah, I'm tired too and I'm hungry.” prangka nyang sabi.
“Finally, naisipan nyong tumayo na jan. Di nyo iniisip ang reyna na katulad kong bawal magutom.” nakisali na din samin si Fern kaya natawa kami pareho ni Jarren.
“Koko, you can clean our mess. I'll fetch our materials too.” napasimangot ako sa kaniya dahil sa utos niya. Ang bossy naman ha.
Hindi na ako nagreklamo at sinunod ko nalang ang sinabi niya. May mga nagkalat kasing mga materials na errors namin kaya kailangan linisin.
After naming maayos lahat ay umalis na kaming tatlo para kumain. Hindi kami kanina nakapag break time kaya deretso lunch nalang.
Nadaanan namin ang building nina Kiven pero hindi na ako nagpatinag ng makita ko siya. I won't let anyone hurt me dahil mas daming dapat unahin kaysa sa masaktan.
Inakbayan ako ni Jarren ng dumaan kami sa building nila. Kita ko naman ang matalim na tingin nito kay Jarren na nakaakbay sa akin.
“Smile Kolette, don't let that jerk think that you're still bothered. ” sabi niya kaya tumingin ako sa kaniya.
“Anong bothered ka dyan? Sya dapat ma bothered dahil makapal ang mukha niya.” I don't care if tunog toxic ako sa sinabi niya kasi ako ang nasaktan and I won't let him shattered me into a pieces.
“That's my girl. ” kinurot niya pisngi ko kaya hinampas ko kamay niya.
“Aba kayong dalawa anong kalandian yan? ” tanong ni Fern.
“Malay ko sa trip ng lalaking ito, may paakbay pang nalalaman. ” sabay turo sa kaniya.
“I'm just saving you sa gago mong ex boyfriend. ” natawa kami pareho ni Fern sa pagmumura ni Jarren.
“Ang unfair. Kapag ako nagmura parang masamang tao, kapag siya expensive. ” natatawang sabi ni Fern.
“Balagbag to nagtagalog. Unang salitang tagalog na lumabas sa bibig ay mura pa,” sabi ko naman kaya napasimangot si Jarren.
Nang makarating na kami sa tambayan ay inalis na niya ang pagkaakbay niya sa akin at nilapag ang dala naming pagkain.
“I brought my own lunch and snacks and I make sure na madami.” natutuwa talaga kami kapag magtagalog to. Medyo slang na expensive.
“San ka natuto magtagalog ha? ” tanong ni Fern sa kaniya.
“I listened to a conversation a lot so I learned too. ” sagot niya naman.
Nag-ayos na kami ng pagkain at kumain na rin.
“By the way, punta kayo sa birthday ko next week ha. Ikaw Nyckolette kapag di ka pumunta talagang kaladkarin kita papunta samin. ” sabi ni Fern kaya tumango nalang ako. “Ikaw londoy boy, daanan mo itong si Kolette para malaman mo bahay ko total makikita mo naman bahay nila dahil dadaanan mo siya para sa gagawin nyong projects diba? ” tumango naman si Jarren.
“Okay, I'll go to your party. When that again? ” tanong niya.
“Next week, Wednesday. ” sagot ni Fern.
Kumain nalang kami habang nagkwentuhan.
***
Hindi ko alam pero ambilis ng oras. Uwian na. Nagvolunteer si Jarren na ihahatid ako para na rin malaman niya yung bahay ko.
“You can message me if what time I'll fetch you. ” sabi niya at binigay ang number niya.
“Sige, kailangan natin kasi matapos para maumpisahan na ang pagtatahi.” sagot ko naman sa kaniya.
Nasa byahe kami ngayon at dala niya ang sasakyan niya kaya mabilis lang ang byahe.
Pagdating ko ay pinagbuksan niya ako kaya bumaba na din ako.
“Gusto mo pumasok? ” tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya.
“Next time. My brother messaged me to come home early because we have family dinner. ” tumango naman ako sa sagot niya.
“Thank you sa paghatid, Jarren. Ingat ka. ” kumaway ako sa kaniya.
Binaba niya ang bintana niya at dumungaw.
“Kolette?” tawag niya kaya lumingon ako.
“Bakit?” tanong ko naman.
“Stop crying over spilled milk. You deserve someone better than that jerk. Bye” tinaas na niya ang bintana at umalis.
Napamaang naman ako sa sinabi niya. He thinks na naiisip ko si Kiven?
Well, masakit naman talaga pero hinding-hindi ko e ririsk yung peace of mind ko sa ganung lalaki.
Pumasok nalang ako at tumulong sa gawaing bahay bago nagpahinga.
Wala namang pasok bukas dahil holiday kaya gagawin namin yung project na dapat tapusin.
Broken kana nga dami pang homeworks. Umay.
YOU ARE READING
THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)
RomanceIf you have to choose between love and career, what would you choose and why? Sobrang lawak ng mundo pero naniniwala ako na kapag para sayo, mawala man ito ay babalik at babalik pa ito sayo. I was once believed that when it is for you, hindi iyon ma...
