MEA

“Twaylem..” pinindot ko yung mukha niya, natutulog kase ito ng mga oras na ‘to. Napagod daw ito sa date nila ni Tao kahapon. Isusumbong ko kasi si Darth.

“Twaylem.. gising!” bahagya niyang iminulat ang mga mata nito, at pasimpleng nag punas ng laway. Yuck lang, ang gandang nilalang tas tulo laway? Grossssssssss.

''ano?!'' kumuha ako ng bangko, at tumabi sakanya. At sinumulang alug-alugin yung katawan niya.

''Magkaibigan tayo diba??'' kumunot ang noo nito at napakamot ito sa ulo.

''Sinong nag sabe??''

''Tayo.'' sabay turo ko kina Donald at sa iba pa.

''HAH?! May sinabi ba kaming ganun??'' at nakakainis lang, dahil LAHAT SILA nag ilingan.

''O! narinig mo. Wala kaming sinabing kaibigan ka namin, kaya mawalang galang na at lumayas layas ka sa harapan ko! Shuuuu!!'' sabay taboy niya sa akin. Naman e!!

''Twaylem naman, siryoso ako e.'' inangat niya ng bahagya yung mukha niya, at pagkatapos nun isinubsob niya yung mukha niya sa loob ng bag niya.

''Siryoso din ako Mea, huwag mo muna akong guluhin. Inaantok ako, Ayan! Si Donald yung kulitin mo, huwag ako.'' lalapit pa lang ako kay Donald, pero nakataas na yung kilay niya.

Sa totoo lang natatakot ako kay Donald. Ewan ko ba, perong tuwing lalapit ako sakanya, parang sinasaniban siya ng masamang demonyo. Naninirik lagi yung mata tas naka pilintik yung mga daliri sa kamay at sa PAA.

''Twaylem....'' sa takot kong masabunutan kay Donald, kumapit na ako sa braso ni Twaylem.

''Tulungan mo na kase ako, promise! Pag natulungan mo ako, kahit anong hilingin mo susundin ko.'' matagal ko na kasi itong kinukulit tungkol kay Darth. Dahil sanggang dikit sila, kaya lang sabi niya pilitin ko daw muna siya.

''Talaga???'' inangat niya na yung ulo niya at tumingin na sa akin. Nag unat-unat na ito. At pagkatapos nun sinabi niya sa akin yung pabor niya.

''Kahit papakainin kita ng baga ng uling na nagbabaga gagawin mo?? Kahit pakainin kita ng blade at tinik ng pating gagawin mo?'' ngumisi si Twaylem yung ngising may ibig sabihin.

''Oh-o!'' nanlamig bigla yung mga kamay ko.

*gulp*

At pasimple akong nangu-ngurus.

''Kahit ipahalik ko si Donald sayo gagawin mo??''

''HOY! HOY! HOY! Bat ako nasali sa usapang yan?? Pwede ba! Huwag niyo akong isali. Babae sa babae, that's a major NO-NO! Si Fifi lang ang pwedeng humalik sa akin!'' ngumiti ako kay Twaylem at umiling ako..

''Gagawin mo lahat ng sinabi ko diba??'' tumango nalang ako..

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon