"Let me get this straight. Sinabi mo na nagkipag-deal ka sa EX-BOYFRIEND mo?"

Namumula na ang mukha ni kuya. Kung kanina nasa-gorilla mode sya, ngayon, INCREDIBLE HULK MODE NA! Naku! baka mamaya maging green na sya! Oh my gosh! Anong sasabihin ng mga fans nya?!

"Kuya, puso mo. Baka atakihin ka. Tubig gusto mo?"

"AYOKO NG TUBIG!"

"Ok fine. Sige mamaya, ililibre na lang kita ng frappe."

"Audrey! Can't you see that I'm serious here?! "

"Bakit kuya, serious din naman ako a. " Pinanliitan nya ako ng mata.

"Bakit wala man lang akong nabalitaan na nagka-boyfriend ka? When did that happen? How? Bantay sarado ako sa 'yo. Kahit cellphone mo minomonitor ko..."

Teka.. Anong sinabi nya? MINOMINITOR NYA ANG CELLPHONE KO?! Kumunot ang noo ko.

"What?! Why would you do that!? Ano ako? Suspect na under surveillance ng NBI? HOW COULD YOU!?"

"At bakit hindi? Bantay sarado na nga ako nakalusot pa 'yung surot na 'yon!"

"Kuya, katulad nga ng sinabi ko sa 'yo. It was all for show. For status purposes. As in wala lang."

Sa dulo ng mata ko ay nakita ko si Austine na umiiling-iling. Preteng-prente syang nakaupo sa salas habang kami naman ni kuya ay nagkakataasan na ng boses.

"Magkakaroon ka ng relasyon for status puroposes? That is sick! Hindi ko alam kung anong pumasok dyan sa kukote mo at nilalaro mo lang ang ganyang mga bagay. You are popular enough as you are. Bakit kailangan mo pang humanap ng  taong mas maipapaangat ka pa?"

Nakasimangot ako, pero tama naman sya. Pinagsisisihan ko na kung bakit pa ako nakipag boy-friend don sa hinayupak na yon. Eto tuloy, napapahamak ako. Ayokong isipin na kinakarma ako. those things  are just myths. But then again, why is everything getting out of perspective?

Saka ko na i-fi-figure out 'yon. I have to set aside my pride. I need my brother's help desperately. Kailangan kong maibalik sa akin yung good favor nya.  Kung babae lang ang ita-trasform ko, hindi ko na sya kailangan pang abalahin. E lalake ito? Malay ko ba kung anong pwede kong gawin sa kanya. Alangan naman make-upan ko sya!

"Oo na! Oo na! Sige na! Ako na ang mali! " GEEEZZZ! Naman! Lunok pride! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako  nagsabi na ako ang mali at sa harapan pa ng ibang tao! Ewan ko ba, there's something about Austine's disapproving look that makes me feel so guilty. Nakakapagtaka nga dahil kahit kelan, hindi pa ako naguiltihan sa mga kalokohan ko.

"Malay ko ba na mag-b-back fire sa 'kin 'yon. Hindi ko naman alam na pwede pala akong lokohin ng baliw na 'yon. At kaya din pala akong traidorin ng 'kaibigan' ko!"

"But you should have thought about the consequence." Sabat ni Austine at sabay naman kaming napatingin ni Kuya sa kanya. Nakalimutan siguro ni kuya na may iba pala kaming kasama.

"E malay ko ba! Alam mo yon, that when you're mad as hell, you you tend to think irrationally."  I said with so much sarcasm.

"Well, ang gusto ko lang naman sabihin na sana kung may gusto kang ipagawa sa ibang tao, siguraduhin mo din na kaya mo itong gawin. "Sabi ni Austine.

Sasabat pa sana ako pero naunahan ako ni kuya.

"I second the motion. Sana naman ay magtanda ka na."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay kuya at kay Austine. Disbelief is written all over my face.

Aba! Nag-tag-team sila? At ako ang pinagkakaisahan?!

The Heartthrob ProjectDove le storie prendono vita. Scoprilo ora