SAVIEL,
Naaalala mo pa ba?
Naalala mo pa ba nung unang beses tayong magkita? Ako kasi natatandaan ko pa, nag-iihaw ako ng mga binebenta kong ihaw-ihaw, sobrang tindi nga ng sikat ng araw noon, tapos lahat yata ng usok ay dumikit na sa balat ko, kaya't paniguradong amoy araw at usok ako ng mga oras na 'yon. Nakakahiya nga kasi bumaba ka ng tricycle noon, tapos lahat ng tambay na bumibili sa ihaw-ihaw ko napalingon agad sa'yo. Paano ba naman kasi sobrang puti at sobrang kinis mo, ang layo ko sa'yo pero naaamoy ko na agad 'yung scent mo, tapos ako, nakatulala lang sa'yo habang patuloy pa rin sa pag paypay ng iniihaw ko habang lumalapit ka sa akin, kaya kahit kinausap mo ako para itanong kung tama ba ang lugar na binabaan mo ay hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko maalis 'yung tingin ko sa mukha mo.
Tang ina, simula noon hanggang ngayon, ang ganda mo.
Madami namang magandang babae sa baryo namin, hindi ko maitatanggi 'yon, pero hindi ko alam, SAV. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba sa ganda mo. Lahat ng tao, matanda, bata, alpha,beta, at kahit omega man ay ikaw ang usap-usapan simula nung lumipat ka sa baryo para sumama sa pack namin.
May ilang usap-usapan na galing ka daw sa mayamang pamilya, na anak ka daw ng isang pack leader pero napalayas ka dahil ayaw daw nila magka-anak ng isang omega(gay), may ilan pang nagsasabi na baka asawa ka ng isang mayamang alpha, tapos tumakas ka daw kasi inaabuso ka, may narinig pa nga akong kabit ka daw ng isang sikat na alpha kaya itinatago ka sa probinsya namin para hindi malaman ng tunay nitong asawa, lahat ng 'yon ay nabuo nila dahil lang mayaman ka kahit wala kang trabaho. Sobrang daming gawa-gawang kwento na wala namang basehan. Hindi ako naniniwala dahil alam kong mabait kang tao.
Sobrang misteryoso mo daw kasi, mailap ka sa mga tao, kahit noong fiesta ay hindi ka lumabas ng bahay, eh may 'pag ka-chismoso talaga mga tao dito sa pack natin, alam mo naman 'yan.
Kumalat din kasi ang balita na may kumuha daw ng litrato mo noong bagong dating ka pa lang dito, mukhang may gusto yata sa'yo 'yung lalaki kaya't kinuhanan ka ng larawan nito, pero pinuntahan mo daw ang alpha na gumawa noon at ipinabura mo ang larawan mo. Hindi ka na ulit nakita ng mga tao sa labas ng bahay mo pagkatapos ng araw na 'yon.
Kaya noong nabalitaan ko kay maloi na lumabas ka raw ng mating season ay nailabas ko rin bigla 'yung polo na sinuot ko noong graduation ko sa high school. Ewan ko nga ba't bigla kong nakita 'yon, eh tatlong taon nang nawawala 'yon. Kitang kita ko nga rin 'yung gulat sa mukha nila Nanang at Tatang noong nakita nila akong nagbibihis para umattend ng moon festival, ilang beses na rin kasi nila akong kinukulit na um-attend sa mga ganyang ganap para makahanap na rin ako ng mate ko, ayaw ko lang talaga kasi parang ang bata ko pa.
Hindi na pala ako bata. haha
Alam mo kung sino ang bata ng mga panahon na 'yon? Si maloi, bwisit na bata 'yon, nanghihingi lang ako ng polbo ayaw pa akong bigyan, edi namamawis na tuloy ako bago ako nakapaglagay ng polbo sa mukha. Namuo sa noo ko 'yung polbo, hindi ko alam kung papaano ko aalisin, pero mag-aalas sais na ng gabi, nagsisimula na 'yung kasiyahan noon, kaya kahit hindi pantay nagmamadali akong lumabas ng bahay.
Late na kasi ako, tapos dadaan pa ako sa bahay nila Aling Myrna para bumili ng bulaklak. Iyong tatlong buwan kong ipon ay nagastos ko sa isang iglap, pero wala akong halong panghihinayang noong binili ko 'yon kasi alam ko naman kung kanino mapupunta, alam kong sulit 'yung pagod ko sa pagbebenta ng ihaw-ihaw dahil sa'yo naman mapupunta 'yung bulaklak na binili ko.
Tuloy ko paba?? La nakong maisip bai😭
