≈◊≈

Pagpasok namin ng hambog dito sa hide-out ay kumpleto ang Xbang. Ano kayang meron? Para silang may lakad. Lahat sila ay mga bihis na bihis. All black attire. May pinaglalamayan ba ang mga lalaking ‘to? Ngayon ko lang din napansin na naka-coat na black na ang hambog pagbaba ng kotse kanina. Saan ang tungo?

“Sasama ka, Jilliane?” tanong ni Seth.

“Saa—“

“No.” Sagot agad ng hambog.

Sinamaan ko siya ng tingin. Blanko lamang ang tingin niya sa’kin na agad rin niyang inalis. Inaano ko ba siya? Hindi ko na nga siya pinapansin. Psh. Pa-pampam! Tumingin ulit ako kay Seth saka ngumiti.
“Ahm, saan ba kayo pupunta, SETH?” diniinan ko na talaga ang pangalan ni Seth. Baka kasi makisawsaw na naman ang hambog eh. ‘Di naman kasi siya ang kausap.

Alanganing ngumiti si Seth. “May laban kami ngayon.”

“Laban? Saan? Sa basketball? May liga ba?”

“Pffftt..”

Nagtawanan sina Seth pati sina Zaine. Bakit ba nila ako tinatawanan? Nagtatanong ng maaayos eh.

“Jilliane naman, mukha ba kaming magba-basketball?” tanong ni Kieffer.

Tiningnan ko silang lahat, naka-pants na black. Mga naka-rubber shoes din na black. At black shirts, ang ilan sa kanila ay may black coat. Ayos na ayos pa ang mga buhok.naks! Ga-gwapong niallang. Ah, alam ko na.

“Sasali kayo sa Kispinoy sa channel 5? Yung mga KPOP gano’n.”

Lahat sila ay nag-pokerface sa’kin. What? I was just asking.

“The fuck! Hindi kami KPOP. Tch, gangster kami. GANGSTER.” Masungit na sabi ni Ace. Sungit talaga ng isang ‘to.

“Whatever. So saan nga kayo lalaban?” tanong ko. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig sa’kin si Shawn kaya tumingin ako sa kanya pero agad siayng nag-iwas ng tingin. Weird.

“Bugbugan. Patayan.”sagot ni Zaine.

Nanlaki ang mga mata ko. “Seryoso ba kayo?”

“Tch. Stop answering her. Sasakit lang ang ulo niyo. Let’s go.” Sabi ng hambog.

Wow ha? Sasakit ang ulo kapag sinagot ako ng sinagot? SIya nga ‘tong ang sakit sxa ulo ng pag-fuck, fuck niya. “Fuck-in ko mukha niya eh.” Bulong ko.

“Are you saying something?” tanong ng hambog.

Numiti ako ng pagkatamis-tamis. “Wala po, sabi ko, fight fight!” may pagtaas pa ako ng kamay ko na parang nagtsi-cheer.

“Uy, ayos pala ‘tong cheerer eh. Isama na antin siya Xking. Para may taga-cheer tayo. Tulad ng ginawa ni LPG kay Jung last time.”

LPG daw? Gasul? May dala silang gasul akpag lumalaban?

“Tch. H’wag gano’n brad, brokenhearted na nga, pinapaalala pa.”sabi ni Kieffer.

Si Ace ba ‘yung brokenhearted? Ay oo, parang nabanggit last time ni Seth noong magpunta kami sa bar niya.

“Fuck you.” Sabi ni Ace saka nauna ng lumabas ng hide-out.

“Gago ka talaga, Seth. Pinaalala mo pa. Alam mo namang mahal na mahal ni Jung si LPG.”

Kumunot ang nook o. Oh my God! Nagmahal ng gasul si Ace? Naku ang weird naman niya. Paano kaya niya iyon nakakausap? Wala namang bibig iyon. Napailing nalang ako. May weird personalities pala talaga ‘tong Xbang.

“Stop it. Let’s go.” Singit na naman ng hambog saka lumabas na rin.

Seriously, iiwan nila ako ditong mag-isa? Hindi ba talaga ako isasama ng hambog?

XBANG: Xking SalvadorWhere stories live. Discover now