CHAPTER 90 - LAST SCHOLASTIC COMPETITION

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagdating sa function hall, puno ng mga estudyante from different schools para suportahan ang mga participants nila at syempre may supporters din kami, sino pa nga ba? Edi sina Jessica, Cherry, Dustin at ang aming number 1 fan, Fierce Gangsters.

"Kinakabahan ka ba sushi girl?" biglang akbay sa akin nitong si Yvo

Tinignan ko naman siya, ngumiti ako at umiling bilang sagot. Hindi na ako kinakabahan sa ganito dahil 1st year highschool palang naman, laging kami na ang pambato ng Empire.

*chup* >//////////<

Bigla naman akong napahawak sa right cheek ko na bigla nalang hinalikan nitong sushi boy ko. Tinignan ko siya at heto pangiti-ngiti lang.

"Para saan yun?"

"Hmmm, goodluck kiss." lalong sumisingkit ang mga mata niya pag ngumingiti. Ang gwapo niya nga talaga. ^__^

"Kahit hindi ko na kailangan ng goodluck kiss, sige tatanggapin ko yun tutal galing naman sayo."

>///////////< Pagkatapos kong magsalita, bigla naman niya akong hinalikan sa labi.

"Siguradong mananalo na kayo niyan dahil sa goodluck kiss ko sayo."

"Tsansing ka na!" sabay hampas ko sa braso niya

"Uy di ha. Alam ko namang gusto mo ng goodluck kiss kaya hindi na kita hinayaang humingi."

"Kapal mo talaga!" hampas ulit sa braso niya. Siya naman nakuha pang tumawa.

"So kailangan ganyan kayo kasweet?" sita nitong si Carse habang nakacross arms. Kung makapagsalita naman e samantalang nakaakbay nga sa kanya ngayon si Nick.

"Snickers naman, wag mo ng kontrahin ang dalawang yan. Gusto mo rin ba ng goodluck kiss?" tanong ni Nick

"Hindi noh!" sagot ni Carse na namula naman. Halatang gusto! Haha

Kahit Saturday ngayon at dapat wala talagang pasok ang mga estudyante. Madami pa rin na taga Empire ang nandito, hindi para suportahan kami kundi para maghunting ng gwapo. Nung 2weeks na laging nasa Empire ang seven handsome guys, madalas silang sundan ng mga babaeng estudyante at syempre isa rin sa dahilan ay ang Fierce.

Iniwan na muna namin ang Fierce na maganda na ang pwesto ng upo sa mga upuan na nakalagay sa harapan. Yes, ayaw man nila sa front row. Kung bakit dun sila? Anu pa nga ba ang dahilan ng mga yun? Para bantayan ang bawat kilos ng kapartner naming seven handsome guys ng Rival Academy.

"Girls, God Bless. Siguradong mananalo kayo." cheerful na sabi ni Ms. Shy tsaka na siya sa seven handsome guys lumapit

Habang heto kami at nakatayo muna dito.

"Huli na to kaya dapat talagang manalo tayo." sabi bigla ni Mille

"Sigurado na talaga yan. Kasama pa natin sina ABCDEFG." sabi naman ni Daryll. Napatawa naman kami ng marinig yun sa kanya.

"Oo nga noh. Bakit ba kasi seven handsome guys tawag natin sa kanila? Haha." tanong ni Micah

"Kung pwede naman ng ABCDEFG. Hahaha." sabi naman ni Lhei

"KYAAAAAAAAAAHHHH! Mga Ate!!!!!!!!!!" (O__O) nakakapanlaki naman ng mga mata yang sigawan ng limang babaeng to

"Alam naming umaapaw ang kagandahan namin, hindi na kailangang sumigaw." sabi ni Daryll

"Chill girls. Masakit sa tenga." sabay takip pa sa tenga ni Jesx

"Namiss namin kayo mga Ate!" sabi ni Belle

"We know right." nakangiting sagot ni Micah sa kanila

"Mga Ate, sinong partner niyo?" tanong naman ni Mhay

Stalking the Gangsters [2nd Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon