Kinaumagahan ay nagising ako sa ingay ng phone ko. Dahil sabado ngayon ay imposibleng alarm ang tumutunog. Dumungaw ako at nakita ang caller's ID ni Mama.

"Hello, Ma?" Sagot ko, nakapikit muli.

"Uuwi ka ba ngayon dito? Anong gusto mong ulam? Papunta na kami ni Nil sa palengke ngayon." Rinig sa background ang music na tipo ni Nil pag nasa sasakyan kami.

"Kahit ano po, Mama. Pupunta po ako mga past lunch pero dyan na po ako kakain."

"Okay. Dapat daw ay nakaligo ka na bago umuwi rito sabi ni Nil." Tumawa si Mama.

"Pakisabi hindi ako maliligo at yayakapin ko siya nang mahigpit. Nahiya naman ako sa kabanguhan niya." Nakuha kong tumawa sa kalagitnaan ng pagkaantok ko. It's still 10 am at para sa akin ay maaga pa ito kapag weekends.

I slept some more for about an hour. Walang bakas ni Drian ang ibaba kaya naisip ko na baka diretso kwarto siya kagabi.

Kakaibang emosyon ang naramdaman ko nang nakita ko ang Crema na ginawa ko sa lamesa at nilalanggam. Sayang na sayang akong itinapon iyon dahil sobrang dami ng langgam sa mismong ibabaw.

Nakalimutan ko pala iyon kagabi. Habang hinuhugasan ko ang container ay hindi ko naiwasang manghinayang.

Oh well. I have no time for drama scenes. Hindi na ako kumain at naligo na lang. Matapos kong mag ayos ay nag commute na ako pauwi sa bahay. I guess I'm arriving ahead of schedule.

Tumigil muna ako para bumili ng ice cream bago nakauwi. Nadatnan ko si Nil na naglalaro sa sala, a usual scene when I get home.

"Wala si Kuya Drian, ate?" Bungad na tanong sa akin ni Nil.

"Good to see you, too, little brother." Ngumiti ako ng ngiting kinaiinisan niya, pero hindi niya ito nakita dahil sa TV lang siya nakatingin.

"Dapat isinama mo siya, ate. Maybe you can text him?" Abala pa rin siya sa paglalaro ng xbox.

"And I miss you too." Kinurot ko ang pisnge niya bago tinungo si Mama sa kusina.

Hinalikan ko ang pisnge ni Mama pagkakita ko sa kanya. "Good aft, Mama."

"Hindi mo kasama si Drian?" Nagtataka niyang tanong.

Bigla akong nagutom dahil sa putaheng nakahanda sa hapagkainan. Pang-marami tao ang serving nito.

"May lakad po ata. May iba pa po bang darating?" Inayos ko ang mga utensils habang si mama ay kumukuha na ng tubig.

"Hindi ko pa sigurado kung dadating si Lai kasama ng mga kumare namin. Pero mauna na tayong kumain."

Busog na busog ako sa tanghalian at sa kwento ni Mama. Aniya'y niyaya siyang muli ni Papa na magimbam-bansa at mag travel kahit sa maikling oras lang. Iiwan niya kami ni Nil dito dahil gusto nilang mag solo.

"Naku, Mama! Hindi ka naman siguro mag aanak pa ulit?" Pabiro kong hiyaw.

"We can never tell." Maarte niyang sagot. Tumawa ako.

"I just remembered, ligate ka na nga pala, Ma."

Konting biruan pa ay natapos din kami sa pagkain. Nilinis ko ang lamesa bago umakyat sa kwarto ko. Minabuti kong umidlip muna ulit bago magpatuloy sa pagaaral. Next week na ang exams pati na rin ang magaganap na Quiz Bee.

"Jesca, please."

Narinig ko ang kabog sa pinto ko. Napabangon ako nang marinig kong muli ang boses ni Drian.

"Sorry I didn't text. Please, kausapin mo ako. I'll explain."

Nagulat ako sa mga sinasabi niya dahil sa emosyon na dala noon. Nakatungo siya nang buksan ko ang pinto. Agad siyang nag angat ng tingin at tinitigan muna ako bago ako niyakap nang mahigpit.

"Drian..."

"Every time na may lakad ako kasama ang kaibigan, pinipilit nilang kunin ang phones namin isa isa so that we're forced to focus. Sorry dahil hindi na ako nakakapag text sayo, Jesca. I'm sorry kasi nagtatampo rin naman ako. I'm sorry I got shit jealous about that Jasean. You spend too damn long with him, at walang isang segundo ang hindi ko ikinabaliw sa kaiisip kung ano ang ginagawa niyo." Halos hinihingal niyang paliwanag.

"Nag aaral kami, Drian. You have nothing to worry about Jasean, he's our senior."

Nagseselos si Drian? Oh my gosh. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba iyon o ikababahala.

Dinala niya ako sa kama ko para maupo bago siya nagsalita muli. "Yeah, right. Senior."

"Yes, Drian. Matulungin lang talaga siya. And he's been helpful lalo na sa mga topics na hindi namin maintindihan."

"Goodness! You should have taken engineering so you'll ask me!" Frustrated niyang sabi, he's even pouting. Natawa ako at mas lalo siyang ngumiwi.

"Matatapos na ang review namin for exams and Quiz Bee. Iyo na ako ulit." Kinagat ko ang labi ko dahil sa matamis na linyang kumawala.

Hindi ko maipaliwanag ang ngiti at liwanag sa mukha niya. Hinapit niya ang baywang ko at tsaka humilig sa balikat ko.

"Should I be happy that you're mine, or worried because you're his as of now?"

"Hindi!" Napatakip ako sa bibig dahil sa biglaan kong hiyaw. "Iyo lang naman ako simula pa nung una."

Halos bumaon na ang ngipin ko sa ibaba kong labi dahil sa pagkagat ko. Malandi na kung malandi, minsan lang 'to!

Tumawa siya. "Thank you, God!"

MASH Romantic (Chase Series #2)Where stories live. Discover now