MEND THIS BROKEN HEART OF MINE

Start from the beginning
                                    

"Nakagat ko nang mag-preno ako! Bakit bigla-bigla ka kasing tumatawid?! Akala ko tuloy nakasagasa na ako!" asik ni Nicole na marahas na hinubad ang shades na suot at ihinagis sa passenger's seat.

Awtomatikong umarko ang mga kilay ni Bram. Bigla kasi niyang naalala iyong unang beses na nagkakilala sila ni Nicole. Labinlimang taong gulang siya noon at siyam na taong gulang naman si Nicole. Parang ganito rin ang eksena. Muntik na siyang masagasaan ng bike ni Nicole noon pero ito pa ang may ganang magalit sa kanya.

Isang buwan na mula nang lumipat sina Nicole noon sa bahay na katapat ng bahay nila. Pero dahil nasa States siya para sa taunang pagbisita niya sa poder ng ama, nang araw lang na iyon niya nakilala si Nicole. Dahil maliit na bata ito, akala niya ay anim na taong gulang pa lang ito. Naaliw pa nga siya dahil hindi bagay sa liit nito at sa mukhang animo walking, talking porcelain doll ang matinding angas nito.

Si Lola Conching ang nagkwento sa kanya na hiwalay na rin pala ang mga magulang ni Nicole. Nasa States daw ang ina ni Nicole at may iba nang asawa. Si Tito Stan ang ginawaran ng korte na magkaroon ng kustodiya kay Nicole nang maghiwalay ang mga magulang nito. Not because Tita Teri did not want Nicole but because Nicole wanted to stay with her father more than she wanted to stay with her mother. She was a true blue daddy's girl.

Pero may nakalaan namang oras para mabisita ni Nicole ang ina sa States. Kaya minsan nasa States ito kapiling ang ina at stepdad nito. Mula't sapul, si Nicole ang bumibisita sa ina nito sa States. Pero nang magsimulang magkamabutihan sina Tito Stan at ang Tita Zinnia niya ay biglang napasugod dito sa Pilipinas si Tita Teri.

At hindi makakalimutan ni Bram ang araw na pumunta si Tita Teri at ang asawa nitong si Roel sa bahay nina Nicole walong taon na ang nakakaraan. Iyon kasi 'yung araw na nahagip ng motorsiklo niya si Nicole dahil tumakbo ito papunta sa bahay nila upang magtago sa takot na sapilitang isama ito ng ina at ilayo sa ama nito.

Sa huli ay sumuko na lang rin si Tita Teri sa balak nitong pagkuha kay Nicole. Mas pinili kasi ni Nicole na patuloy na manatili sa poder ng ama. But two and a half years ago, on her seventeenth birthday, Nicole made the shocking decision of moving to the States to be with her mother. Or perhaps it was not so shocking at all since Bram knew Nicole did it because she wanted to be there for her mother. Natuklasan kasi ng mga doktor na may tumor sa utak si Tita Teri. Pero hindi naman daw iyon cancerous. Gayunpaman, marahil naisip ni Nicole na panahon na para pagbigyan naman nito ang inang matagal nang humihiling na makasama ito.

Ang paalam ni Nicole kay Tito Stan ay tatlong taon lang ito sa States. At ang katapusan ng tatlong taon na iyon ay limang buwan pa mula ngayon pero heto at narito na muli sa bansa ang dalaga. And wonder of wonders, siya pa ang sinesermunan ngayon dahil sa kamuntik nang pagkakasagasa nito sa kanya. More than two and a half years away and yet she still remains the same. An irritating brat!

"Dapat tumitingin ka muna bago ka tumawid! Kasalanan mo sakaling nahuli ako ng preno dahil para kang bula na bigla na lang lumitaw!" singhal pa ni Nicole kay Bram.

At kung tignan si Bramng dalaga ay para bang nais ng dalaga na paandarin muli ang sasakyan at sagasaan na siya nang tuluyan. Umarko ang mga kilay niya sa gulat. Hindi niya inaasahan ang pagtataas ng boses ng dalaga sa kanya. Karaniwan sa kanilang dalawa ay siya ang tumataas ang boses at napupuno ng indignasyon at pagkapikon dahil sa sari-saring kapilyahan nitong madalas ay siya ang biktima. Dati kapag galit ang dalaga ay mas bumababa ang tono at tumatamis ang ngiti nito na agad susundan ng bayolenteng aksyon. Kaya naman nasanay na siyang lumayo sa dalaga sa tuwing masasagad ang pasensya nito.

Kunot-noong tinitigan ni Bram si Nicole. Noon niya napansin ang pamumutla ng dalaga pati na ang bahid ng takot sa kulay tsokolateng mga mata nito. Mukhang ninerbiyos ito sa kamuntik-muntikan nang pagkakasagasa sa kanya. Nahuli pa niya ang bahagyang panginginig ng mga kamay nitong nakahawak sa manibela. Iiling-iling na pumalatak siya.

"Ano? Kaya mo bang umabot hanggang sa bahay ninyo?" untag niya.

Huminga ng maalim si Nicole bago marahang tumango. Ii-start na sana nitong muli ang makinang namatay dahil sa pagkataranta nito kanina nang biglang mapalingon muli sa kanya.

"Bram! Okey ka lang ba?! Muntik na kitang masagasaan!" bulalas ng dalaga na tila noon lang tumagos sa isip na siya nga mismo ang muntik na nitong inararo ng kotse kanina.

"Alam ko and believe me, your concern is so damn flattering I just want to puke!" matabang ang tono na ani Bram sa dalaga.

Kung nagkataon palang nakahandusay na siya sa kalsada at naghihingalo ay kakailanganin pa niya munang aluin ito bago siya nito mapansin at asikasuhin.

Pabiglang binuksan ni Nicole ang pinto ng driver's seat. Dahilan para humampas sa kanya ang pinto.

"Dammit, Nicole!" nasaktang bulalas niya.

"Oh, I'm sorry! I'm so sorry!"

Hangos na bumaba si Nicole ng sasakyan.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya," nagsisising anito na sinipat-sipat siya. Kung hindi niya naagapan ang mga kamay ng dalaga ay kakapkapin pa sana nito ang katawan niya sa paghahanap ng pinsala.

"Nakaharang ang kotse mo. Sige na, umalis ka na, ayos lang ako."

"Sigurado ka?"

"Oo sabi!"

"Okay. Pero gusto mo ihatid na lang kita sa pupuntahan mo? Pambawi ko lang sa muntik ko nang pagkasagasa sa iyo."

Nanlaki ang mga matang mariing umiling siya. Base kasi sa kwento ni Tita Teri kay Tito Stan na nakakarationg din sa kanya, tila nag-iilusyon si Nicole na sumasanib dito si Superman kung magmaneho ito. Faster than a speeding bullet at mas malakas sa bakal na akala ng dalaga, lahat ng mabubunggo nito ay kaya nitong wasakin nang hindi ito napapaano. Hindi nga niya alam kung paano ito nabigyan ng driver's license.

"No way! Sige na, alis na. Inaabala mo ako."

"Bahala ka. Pero dumaan ka sa bahay namin mamaya ha. Marami akong pasalubong para sa iyo. Naibigay ko na 'yung mga pasalubong ko para kina Lola Conching kanina. By the way, where is Stella? Sabi ni Papa kasama mo raw siya?"

Ang Stella na tinutukoy ni Nicole ay ang pinsan niya na anak ni Tita Zinnia sa pagkadalaga. At stepsister na rin ni Nicole mula nang ikasal sina Tito Stan at Tita Zinnia pitong taon na ang nakakaraan. Noong una ay daig pa ang aso't pusa kung magbangayan sina Stella at Nicole. Palibhasa parehong nasanay na solong mga anak, hindi naging madali na magkasundo ang mga ito. But their hate-hate relationship soon turned into the best friends for life kind.

He snorted. "Why? May reunion ang Evil Stepsisters?" aniya gamit ang pangalang ibinansag niya sa mga ito.

Sa malas, dahil wala namang Cinderella na maaaring apihin ang mga ito, siya na lang ang piniling biktimahin ng kamalditahan ng mga ito. Hindi nga siya inaalila ng mga ito pero madalas na siya ang target ng mga kapilyahang naiisip ng mga ito. Gone were the days when Nicole used to run after him like an adoring puppy. Minsan hindi niya tuloy maiwasang magselos kay Stella noon dahil sa halip na siya ang itinuturing na best friend ni Nicole, naging si Stella na ang best friend ng dalaga. Bigla siyang naitsapwera.

"Of course! Nakaka-miss kayang paiyakin ka," malawak ang ngising tugon ni Nicole.

Iiling-iling na tinalikuran na lang niya ito. Itinuloy niya ang naudlot na pagtawid patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan niya.

"Hey, Bram! Hindi mo pa ako kinukumusta! Ni hindi mo pa nga ako nayayakap! But it's fine. I'm pretty sure you're crying inside because you missed me so much!" pahabol na sigaw ng dalaga sa kanya.

"Whatever makes you happy, Nicole!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken Hearts Trilogy 1-Mend This Broken Heart of Mine(published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now