Minsan, nakakainip din pala ang buhay. Yung tipong nakahiga ka lang sa kama, hawak ang phone, habang nagtataka kung may bago bang chismis ang tropa. Tumutunog ito nang paulit-ulit, pero wala akong gana. Boring ang mundo. Boring ang lahat.
Hanggang sa biglang may tawag.
“Ano nanaman kaya ‘to?” bulong ko habang nakatingin sa screen.
Si Nick. Sigurado akong may pasabog na naman.
Pagkabukas ko ng call—
“YUNAAAA!!!” sigaw niya, halos mabingi ako.
“Ohh, ano?!” sagot ko, kunot-noo pa.
“Nakapasok ako sa resto!!!” boses niyang puno ng excitement.
Napabalikwas ako ng higa. “WEHH?? CONGRATS, GIRL!!!”
“Yesss, at dahil diyan manglilibre ako.”
“Shempre ikaw pa!” sabay naming tawanan.
Pero pagkatapos ng tawag, bumalik ulit ang katahimikan sa kwarto ko. Nakakabaliw pala ‘yung ganito—buhay estudyante, buhay dalaga, puro aral, puro antok. Para bang paulit-ulit lang.
Hanggang sa may kumalabog na notif mula sa GC.
Jane: “Boring.”
Kali: “Ano nanamang kailangan mo sa buhay, Jane?”
Jan: “Ano ka ba!”
Kali: “Tao.”
Alice: “Omsim boring. Tara gala. Or sa cafe nalang ni Yuna.”
Vance: “Tara!”
Napataas ako ng kilay nang mabasa pangalan ko. Kaya ayon, nauwi rin sa lakad. Hindi naman kami mapirmi sa bahay. Sabagay, kapag sa bahay lang—parang ako mismo, unti-unting nauupos sa sobrang boredom.
---
“Si Nick, nakapasok sa resto. Nice!” bungad ni Jane habang umiinom ng wine.
“Yes, eto namang si Yuna, may sariling cafe na. Pero girl, lasang kopiko lang yung kape mo ah!” biro ni Kali.
“Gagó!” malutong kong sagot.
“I love you too, bakla ka.”
Tawanan. Ingay. Parang ganito na lang lagi.
“Oy, I love your croissant,” dagdag ni Alice, sabay subo.
Napangiti ako. “Diyos ko, ilang araw akong nav practice jan. Akala ko perfect na, pero ilang beses pa akong sumablay bago ko naipasok sa menu.”
“In fairness ha, ang ganda ng design ng cafe mo,” ani Talia, abala sa pagtingin sa paligid.
“Yes, tulungan kami ni Yuna diyan,” singit ni Jane.
“Hoy, ako lang nag-ayos nito noh!” mabilis kong kontra, sabay halakhakan ng lahat.
“Dream mo lang ‘to dati, ngayon ikaw na may-ari,” sabi ni Vance habang abala sa cookies.
Napatingin ako sa kanila. Dream lang dati. Totoo na ngayon.
“Salamat sa inyong lahat, kasi sumuporta kayo.”
“Yuck, girl. Huwag kang cheesy. Hihilahin kita pababa,” biro ni Jane, na sinabayan ng tawanan naming lahat.
YOU ARE READING
She fell first but He fell harder "HIDE?"
RomanceYuna Elyse Valeria has carried a quiet love since Third Year High School-for her classmate, Ren. Years passed with stolen glances and hidden feelings, yet no one ever dared to confess. Destiny, however, gave them another chance. Both ended up in the...
