"Hindi naman pwede yun Ashley kasi-

I was interrupted.

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil tinamaan ng malakas na alon ang bangka namin at tumaob ito.

"Help! Help!" napatingin ako kay Ashley. ahon-lubog sya. "I can't swim, Klaire!" Nataranta ako kaya agad akong lumapit sa kanya.

Pero agad syang kumapit at dinaganan ako kaya ako naman ngayon ang hindi maka ahon dahil nilulubog nya ko. Isama mo pang ang lakas ng ahon.

"Ashley" lumubog ulit ako. Nahihirapan na ko dahil hindi ako sanay na lumulubog. Hindi ako makahinga.

Nagulat ako ng biglang may humatak samin ni Ashley.

Napalingon ako sa may hawak sakin. I am expecting na si Dwayne yun pero katulad ng dati.

Ang laging nagliligtas sakin

si Rain.

Kahit na medyo blurry ang paningin ko. Alam kong si Dwayne ang may hawak kay Ashley.

Bakit sya? Bakit sya ang niligtas mo?

Nakarating kami sa pampang. Sinalubong ako nila mama at mami ng tuwalya. Niyakap nila ako at bakas ang pag aalala.

Naiahon na din si Ashley pero wala itong malay kaya nataranta ang lahat. Nagulat ako ng pumuwesto si Dwayne sa tabi ni Ashley.

No! Don't tell me, gagawin nya yun?
Hindi!
Hindi ko kayang makita kahit pa para isalba si Ashley.

Nilapit nya na ang mukha nya dito.

"Wag please, wag" nabigla ako sa sinabi ko.

"Please Klaire! Wag ka munang mag immature!" nabigla ako sa sinabi nya kaya tumalikod na ko at tumakbo.

Tumutulo na ang luha ko at medyo nagiging blurred na ang paningin ko.

Takbo lang ako ng takbo. Huminto ako ng mapansin kong madilim na pala. Napa upo na lang ako doon.

Nang makarinig ako ng yapak palapit sakin ay tumingala ako at nakita ko si Rain.

Tumayo ako at yumakap sa kanya. Umiyak ako ng umiyak sa braso nya.

Ang sakit.
Ang sakit pala talaga.

Dwayne's POV.

Abot-abot ang kaba ko ng makita kong nalulunod na si Klaire. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Kaya lumusong ako sa tubig at alam ko kasabay ko noon si Rain. I tried my best pero naunahan nya ko kaya I had no choice but to grab Ashley to save her.

Pagdating sa pangpang ay walang malay si Ashley kaya kinakabahan ako at the same time dahil nakokonsensya ako. Ako ang dahilan kung bakit sya nagkakaganito, I am making her suffer.

Dahil sa taranta I'm about to give Ashley a mouth-to-mouth-resuscitation.

When I heard Klaire stopping me ay napagsabihan ko sya pero anong magagawa ko? Buhay ang kailangang isalba kaya nasabihan ko sya. Tumakbo sya palayo at nakita kong sinundan agad sya ni Rain.

Nagdadalawang isip ako na gawin pang iligtas si Ashley dahil kay Klaire kaya buti na lang ay may dumating na Life Guard.

Sya ang gumawa ng dapat ay gagawin ko kay Ashley hinintay ko munang magkamalay si Ashley bago ako sumunod.

Hinanap ko sya at papalapit na sana ako ng makita kong

My Dear Wife is kissing Rain.

Na froze ako sa kinatatayuan ko. Ang sakit makita pero mas pinili ko ang tumalikod na at bumalik sa beach house.

How can she do this?

Klaire's POV.

"Rain, bakit ganoon? Ang sakit sakit ng nararamdaman ko" sabi ko habang nakayakap kay Rain. Iyak ako ng iyak dahil sa nararamdaman ko. "Mahal na mahal ko pa din pala sya, pero bakit ganoon? Ramdam na ramdam kong mahal nya si Ashley"

"I've told you, he's just going to hurt you! Just come with me, I'll take you away from here. I'll make you forget him"

Bumitaw ako kay Rain. Tinitigan ko sya ng maigi. Magandang opportunity to sa totoo lang na umalis at iwanan ang lahat.

Pero kaduwagan na naman iyon at hindi ko alam kung kaya ko pang layuan ang asawa ko. Hindi ko na yata pa kayang iwan si Dwayne. Mahal na mahal ko sya.

Mahal na mahal ko pa din sya.

"Hindi Rain! Hindi ko kaya! Hindi ko kayang iwan yung asawa ko"

"You really love him that much huh?"

"Higit pa sa iniisip mo, sobrang mahal na mahal ko sya, Rain. I can't seem to move on-"

"Then I guess I have to let you go"

"You really have to! May mas better pang babae ang darating para sayo at maniwala ka. Dahil sa gwapo at bait mong yan!"

Hinihintay ko ang sagot nya pero nagulat ako ng kabigin nya ko sa bewang at bigla nyang idinikit ang labi nya sakin.

Hindi agad ako naka alma. I was caught off guard. Hindi ako nakagalaw dahil nabigla ako pero nung makakuha ako ng lakas ay itinulak ko sya.

"Rain! Ano ba?! Why did you kiss me?!"

"Sorry, Klaire" he looked at me. "I've been longing to do that ever since at least I've done that before I let you go"

"You're letting me go?"

"I know you're happy with him. He's the only one who can make you happy, so I'm giving up on you because I believe that this is my step one to happiness"

Nangiti ako kahit nainis ako sa ginawa nya. Sa wakas!Hindi na ko makokonsensya dahil sa kanya, I know that he'll be okay.

"Thank you, Niall! Pero hindi mo pa din dapat ako hinalikan! Yung asawa ko lang ang may karapatan na gawin yun! Do it again and I'll be mad!

"Yes ma'am!"

"Tara na? Baka hinahanap na ko ng asawa ko."

--------------
To be continued.

KayeEinstein

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now