C H A P T E R 1

23 0 0
                                        

“SHTTT!” mahina pero tarantang sigaw ko nang ma-realize kong hindi ko dala ang hairnet ko.

“Bakit?” tanong ni Talia habang nakayuko sa gamit niya.

“Naiwan ko ata hairnet koo!!” sagot ko habang halungkat nang halungkat ng bag ko, para bang biglang lilitaw ito sa loob kung dudurugin ko ang zipper.

“Ha?? Pano yan, magluluto na tayo mamaya pagdating ni Sir?” sagot ni Talia na halatang kinakabahan din para sakin.

“Wahhh, TALIAA, nawawalaaa!!” mahinang iyak-iyak ko na kunwari lang, pero deep inside naiiyak na talaga ako kasi girl, mababawasan yung score ko kapag hindi kumpleto gamit ko. T^T

“May extra ako, sayo nalang.”

Napahinto ako sa paghahalukay nang biglang may sumulpot sa likod ko. Inabot sa akin ni Ren yung isang hairnet, kalmado lang ang mukha niya na parang sanay na sa eksenang ganito.

WAHHH, buti meron ka! Thank you thank you sofferrr!” halos mapasigaw ako at agad kong kinuha sa kamay niya.

“Lagi ka kasing magdala ng hairnet,” simpleng sabi niya, diretso lang ang boses.

“Lalo na kung alam mong importante.”
Tapos naglakad na siya pabalik sa upuan niya, parang walang nangyari.

“Yesss, opo, thank youu ulit sofferrr!” sigaw-bulong ko habang sinusubukan kong itago ang ngiti ko.

Pagdating namin sa kitchen area, nagsimula na kaming mag-ayos.

Ewan ko ba kung bakit lagi kong nakakalimutan mga gamit, pero parang may pattern na ako: kung ano yung importante, yun yung nalilimutan ko. Buti nalang… laging may extra si Ren.

Kunware nalang yung hairnet.

O kaya ballpen.

O kaya yellow pad.

Para bang siya yung walking National Bookstore namin. Pero sa totoo lang ako yung pinakakabahan kasi parang siya rin yung laging sagip sa akin.

Ren’s POV
I always bring extra. Lagi.
Bakit? Kasi alam ko na si Yuna, malilimutin. Hairnet, ballpen, papel—name it, nawawala. Kung hindi ko gagawin, mapapagalitan siya. At hindi ko kayang makita yung itsura niyang parang kawawang pusa. Kaya ayun, lagi akong may dalang limang hairnet, isang box ng Panda ballpen, apat na signpen, at isang pad ng yellow paper.

Hindi ko nga alam kung bakit ginagawa ko ‘to. Asawa ko ba ‘to? joke lang. Pero minsan naiisip ko rin… maybe because gusto ko lang na laging okay siya.

“Huy, magsi-ayos kayo ah!” sabi ko habang inaayos yung tali sa likod ng apron ko.

“Tayo pa talagang magtotropa magkakagrupo eh!” sigaw ni Alice habang nagtatawa.

Walang matino sa grupo, papabuhat sana ako eh,” biro ko.

“Sabi ng favorite ni Ma’am Castro!” balik ni Talia, sabay tawanan ng lahat.

“Duga niyo, bat wala ako jan? Paampon!” biro ni Vance.

“Di kami umaampon ng walang gamit,” sagot ko agaf

“Ahh, so ganyan kana, siraulo ka talaga,” balik ni Vance.

“Binubunganga mo jan, eh kagrupo mo si Daniel?” sabat ni Kali, sabay turo kay Daniel.

Nagkagulo na sila, nagtatawanan at nag-aasaran. Typical tropa.

Pero biglang

“Hoy Ren!” tawag ni Jane saakin.

She fell first but He fell harder "HIDE?"Stories to obsess over. Discover now