Naglalakad kami pauwi ng kaibigan kong si Xia daldal lang siya nang daldal habang ako heto at hindi siya pinakikinggan, isa lang laman ng isipan ko ngayon at yun ay kung anong nangyayari saamin ngayon ni Jin.
Hayst paano nga ba ako napunta sa sitwasiyon na ito arghh!!
"Putangina!" Halos humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan dahil sa pagtawag ng aking kaibigan na si Xia.
"Kia!" pasigaw na pagtawag nito sakin dahilan upang ako'y mapamura nang hindi sinasadya.
"Ano bayan Kia kanina pa lumilipad 'yang isip mo salita ako nang salita rito wala naman palang nakikinig sakin" saad nito kasabay nun ay yinakap niya ako nang mahigpit.
"Kung may problema kayo or kung naghiwalay na kayo ni Jin nandito lang ako para sayo Kia, dadamayan kita. Ano alak?"
Pagtapos n'yang sabihin yun ay humalakhak ba naman nang pagkalakas lakas na animoy isang batang tuwang tuwa sa kalokohang kaniyang ginawa.
"Nakakatawa ka naman Kia HAHAHAHA" sabi nito na wala paring tigil sa kakatawa.
"Ano ba Xia hindi nakakatawa yun ah" ani ko sa kanya at seryosong naglakad nalang ulit.
"Sorry na Kia kung nakita mo lang talaga itsura mo kanina sigurado akong matatawa karin" sabi nito na halatang nagpipigil ng kaniyang tawa.
"Oo na, ano pa nga bang magagawa ko" naka-pout na sabi ko.
"Hayst paano nga ba kita naging kaibigan sa kulit mong 'yan" sabi ko saking isipan at inalala kung paano kami nagsimula.
"Ngumingiti kana so it means bati na tayo?" tanong ni Xia sakin at napatango na lamang ako bilang tugon.
