Hindi natin alam.

77 0 0
                                    

7/12/15


Hindi talaga natin alam kung ano ang nangyari.

Look, we're downgraded. Mahirap, pero kailangan tanggapin. Wala ngang label pero ang love, nandiyan parin. I choose to help you in your problems, not to leave you alone. Kasi gusto talaga kitang tulungan. Alam kong kailangan mo ng kaibigan na makakasama at makakaagapay. At nandito ako, handang sumama sayo sa mga panahong masaya at malungkot ka. Pinili kong makasama ka panghabambuhay. At alam ko, balang araw, magiging isa ulit tayo. 

Kinabukasan nang sinuat ko ang story. Wala na. But I never regret that it happen. Napatunayan ko sa sarili ko na mahal nga kitang tunay. At kaya kong gawin lahat, LAHAT LAHAT. Maging masaya ka. 

Nakikita ko namang masaya ka, masaya ka sa piling ko, at iyon lang naman ang kailangan ko eh. Masayang masaya nako. Lalo na't nabanggit mo ang pangalan na tanging mga importanteng tao ang tumatawag sakin.

At eto. Kauusap lang natin, na okay tayo, which is okay naman talaga. Panatag nako, panatag na panatag na talagang totoo itong nararamdaman natin, takot nga lang tayo sa realidad. At TOTOO IYON.

Hindi talaga natin masasabi kung ano ang pwedeng mangyari. 

Ang mga agam agam ko noon, napalitan na ng kapanatagan. (hindi kapatagan) 

Ang mga gumugulo sa isip ko, napalitan ng kaginhawaan.

Alam mo, nababaliw parin ako, as I always be pag hindi tayo nakakapagusap. At iyon lang talaga ang hindi mo maiaalis saakin. Dahil ayun ang palagi kong hinahanap-hanap.... Ang makausap ka palagi. 

Kagabi, nung sinabi mo ang katotohanan, hindi ako nagalit. 

Naunawaan lang kita. 

Naunawaan kita na may mga bagay na mahirap parin gawin. 

Pero nakita kong willing ka din na maging posible ang mga hindi natin malaman na mangyari. 

Hindi ako takot. 

Hindi ako takot sa mga posibleng mangyari. 

Mahal kasi kita. Mahal na mahal.

Sinabi mo sakin kanina na mahirap parin sayo, kasi nga hindi ka ready, nauunawaan kita. At hayaan mo, palagi parin kitang uunawain. Which I obliged myself to do. 

Mahal na mahal kita, Mahal na mahal. hindi talaga masusukat ang mga sulat kong ito para maramdaman mo kung gaano kita kamahal.


Hindi nga talaga natin masasabi kung ano ang mangyayari. 

Hindi natin alam. 


Ibinigay ka sakin ng Diyos. Ikaw na pinaka-kakaiba sa lahat ng taong nakilala ko, nang dahil sayo, naging makulay ang aking mundo. Nagagawa mong mapasaya ang natutulog kong puso. Hindi ko nga alam na maaari pa pala akong magmahal dahil sa mga nangyari saakin.

Tinuruan mo ulit akong magmahal.

Tinuruan mo ako maging totoo.

Tinuruan mo akong maging matapat sa lahat ng bagay. 

At sa huli, tinuruan mokong maging totoo sa aking nararamdaman at alam kong ikaw ang gusto ko at mahal ko ngayon.

Ikaw lang. 

Ikaw lang.

Ikaw lang talaga.


Ikaw lang ang gusto kong makasama sa dulo ng lahat nang ito. 

"Walang makakapigil samen" sabi nga ni Summa Cum Bebe. 

At ito ang panghahawakan ko sa nararamdaman ko sayo.


Sa susunod ulit. Mahal na mahal kita.

Hindi ko alam.Where stories live. Discover now