Shit! Wala syang babaeng kapatid.

"Sino?" kunwari ay unbothered ako pero deep inside kumakabog ang dibdib ko sa sagot nya.

"Yung nakasakay dito ngayon" tipid na sabi nya habang nagpipigil ng ngiti.

"Ikaw. Ikaw pa lang ang nagiisang babaeng sinakay ko rito" tumitig na naman sya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Pero, hindi naman ako babae" mahinang bulong ko.

I heard him laugh a bit, "So what? For me your a girl. A beautiful and the most gorgeous among all" he said seriously

Calm down Lucas, it's just a compliment. Nothing serious about it.

5 hours ang naging byahe namin, gusto kong tadyakin si Oliver dahil hindi naman nya sinabing sa Enchanted Kingdom pala ang punta namin.

"Gago ka talaga" inis na sabi ko sa kanya pagkababa namin.

"Surprise" malalakas ang tawa nito pero agad din namang bumili ng ticket para makapasok kami.

Maraming tao sa loob at talagang halos puno ang mga rides, mahilig naman ako sa mga extreme rides pero kinakabahan pa rin talaga ako.

"Ano gusto mo unahin?" tanong nya

Luminga linga ako para maghanap ng pwedeng sakyan, hanggang sa makita ko ang Disk-O-Magic, tinuro ko iyon sa kanya at agad naman kaming pumila.

Medyo maikli lang ang pila dito kaya mabilis lang din ang naging pagusad namin, nangingibabaw ang mga tilian ng mga nakasakay. It makes me excited dahil gusto ko din talaga ang mga ganitong rides. Nang lumingon ako sa likod ko ay nakita ko si Oliver na nakatulala sa rides na nasa harapan namin.

"Ayos ka lang?" tanong ko, "Ayaw mo, ayos lang baka takot ka" dagdag ko pa dahil nagaalala ako sa kanya, mukha syang kinakabahan.

"Hindi noh, kaya ko yan. Mahilig ako sa mga rides noh" sabi nya saka ngumiti sa akin.

When it's our turn ay inalalayan nya pa akong umakyat, sumakay ako sa uupuan at ganon din ang ginawa nya. Nang ang lahat ay nakasakay na, kusang gumalaw ang lock sa likod namin para hindi kami malaglag.

"Fuck" I heard him curse nang magumpisa ng gumalaw ang rides, I reached for his hand ng pabilis ng pabilis ang pagikot nito. We are spinning and rocking from left to right, kapag nakatalikod kaming bababa ay parang lalabas ang bituka ko sa tiyan.

"Arggggggg" malalakas ang sigawan ng mga kasama namin kabilang na ako don.

Nang tumingin ako kay Oliver ay nakapikit lang ito kaya natawa ako, he looked scared pero sinamahan nya pa rin ako dito. Para kahit papano ay kumalma sya ay hinimas himas ko ang kamay nya, nang mapansin ang ginagawa ko ay unti unti syang dumilat.

"I'm here, I'll be fun" sigaw ko para marinig nya...hanggang sa marinig ko na ang mga sigaw nya. Hindi dahil sa takot pero dahil sa tuwa.

"Fuck that ride" natawa ako dahil parang masusuka na ata sya. Huminto muna kami at humanap ng mauupuan para magpahinga, binili ko sya ng inumin dahil parang nanlambot ang binti nya.

"Oh, sabi ko naman sayo diba. Huwag na tayo tumuloy" pinagalitan ko pa

Pero sa tigas ng ulo nito ay nginisihan lang ako, "Ayos lang, kasama naman kita. Hindi mo naman ako pababayaan diba" ngiti nya.

Nang maging ayos na sya ay marami pa kaming rides na sinakyan tulad ng BUMPNSPLASH, ANCHORS AWAY, EKSTREME TOWER RIDE, RIO GRANDE RAPIDS at marami pang iba. Kaya ang ending ay basa kaming dalawa.

Bago umuwi ay bumili muna kami ng damit at sa kotse na lang kami magbibihis. Gabi na nga kami natapos dahil grabe ang pag eenjoy na nagawa namin, halos pabalik balik kami sa mga rides.

"Mauna ka na magbihis, dito muna ako" sabi nya na ikinagulat ko.

"Bakit? Sabay na tayo" sabi ko dahil mas lalo lang syang lalamigin sa labas. Wala naman ng bago dito dahil madalas ay sabay naman talaga kaming nagbibihis.

"Hindi na, hintayin na lang kita dito" sabi nya, mukhang desidido sya kaya hindi na ako nakipagtalo pa at pumasok na sa loob para magbihis.

Anong ganap nya? Nahihiya ba sya? Pero ilang beses na namin nakita ang katawan ng isa't isa, higit pa nga don ang nagawa namin.

Nang matapos ako ay sinilid ko muna ang basang damit ko sa basket na nasa likod ng kotse nya. Binuksan ko ang bintana saka sya kinalabit.

"Ayos na, pwede ka na pumasok" sabi ko pero parang nagaalangan pa sya.

"Ummm" hindi nya matuloy ang sasabihin nya. "Labas ka muna"

Ohhh!

No Strings Attached Where stories live. Discover now