Nalaglag ako sa pagkakaupo ng bigla syang pumreno, agad nya akong hinawakan at inalalayan paupo.
"Fuck Lucas, ano banh ginagawa mo? In the middle of the road. Gusto mo bang maaksidente tayo" he shouted kaya napatitig lang ako sa kanya.
"You're out of your mind. Bakit mo ba ginawa 'yon, i didn't give you an approval" galit na sabi nya.
With that moment, I cried. This is the first time na sumigaw sya sa akin at nagalit ng ganito. Nagsisi ako bigla kung bakit ko ginawa iyon. Pero dahil sa huling sinabi nya ay doon ako nainis sa kanya.
"Why do I need your approval first?" tanong ko sa kanya pero ang mata ko ay nanatiling nakatingin sa labas.
Ayoko syang tingnan dahil alam kong nakatitig na naman sya sa akin, baka lumambot na naman ako sa kanya.
"Pero kapag ikaw, hindi mo naman kailangan ng permiso ko diba. Malaya ka namang gawin lahat ng gusto mo sa katawan ko, pero bakit kapag ako kailangan kong hingin ang approval mo para magawa ko ang gusto ko sayo" kita ko ang gulat sa mukha nya dahil sa salamin na nasa harapan naming dalawa.
"Because we're fuck buddies Lucas" lumambot ang boses nya.
Natawa ako ng bahagya dahil sa sagot nya.
"Yes we are" i laugh sarcastically
Lumapit sya sa akin at tinangkang abutin ang mukha ko pero mabilis ko itong iniwas.
"I'm sorry" he apologize
For what? For shouting at me or for making me confused. Linawin mo naman Oliver.
"Tara na! Gusto ko ng pasta" sabi ko hindi pinansin ang paghingi nya ng tawad.
Hindi ko na napansin na nakarating na pala kami sa mall, pabalag akong bumaba saka balagbag na sinara ang pinto ng kotse nya. Hindi sya nagsalita pero nakasunod lang sya sa akin, kaya nyang bumili ng bagong kotse kaya walang problema sa kanya iyon.
Hanggang sa nasa loob na kami ng restau ay walang nagsasalita sa aming dalawa, hindi nya tinangkang kausapin ako pero napapansin kong gusto nyang magsalita.
Nakakainis talaga, gusto kong maiyak. Pakiramdam ko ay ayaw na nya sa akin, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng takot na baka sawa na sya at ayaw na nyang ituloy ang ginagawa namin.
Ngayon pang hulog na ako sa kanya.
Nakasunod lang sya sa akin habang naglalakad lakad ako sa mall, para mawala ang inis ko ay napagdesisyunan kong mamili na lang ng mga damit at ibang bagay. Baka sakaling kumalma ako saglit.
A leather jacket caught my attention kaya kinuha ko iyon at tinapat sa akin para makita kung bagay ba.
"That suits you well" I heard him talk pero sinamaan ko lang sya ng kilay kaya napaatras sya.
Nagpatuloy ako sa pagpili ng mga damit, hanggang sa muli kong naramdaman ang presensya nya sa likod ko kaya inis akong bumaling sa kanya.
"Uhmm, I know your mad. But can you please at least take this" saka nya nilapag sa kamay ko ang isang card.
Pero hindi ito basta card lang. Punyeta! Black card?! He have a black card, napinta sa mukha ko ang gulat pero agad ko din namang inalis.
I accept his card, bumalik sya sa likod ko. Nagmukha tuloy syang bodyguard ko dahil nakasunod lang sya sa akin habang pasulyap sulyap.
Lahat ng matipuhan ko ay kinuha ko at nag swipe lang ng nag swipe sa black card na hawak ko. Si Oliver ang naging taga hawak ng mga binili ko, kahit nakikita kong nahihirapan na sya ay hindi ko sya pinansin.
Nakuha ng atensyon ko ang isang limited edition na sapatos, nakikita ko lang sa mga sikat na artista ito. I really want to buy those kaso ay nanghihinayang talaga ako sa presyo.
2 Million kasi ang halaga non at ayokong hingin lang sya basta-basta kay Mommy. Gamit ang card ay binili ko iyon.
Fuck! Mahigit dalawang milyon na 'yon pero parang hindi man lang naghihingalo ang card na hawak ko.
Papasok pa sana ako sa isang store kaso ay natanaw ko si Oliver na nahuhuli na dahil sa sobrang dami ng dala. Nalaglag pa ang iba kaya ang ibang nakakita sa kanya ay tinulungan na sya.
I feel so guilty! Habang pinapanood ko syang halos magkandarapa na sa mga dala nya ay nawala ang galit ko bigla. Hindi ko na namalayan na may luha na palang namumuo sa dulo ng mata ko.
Pinanood ko syang lumapit sa akin, nang mapansin nyang umiiyak ako ay nginitian nya lang ako ng maluwang.
"It's okay, I'm all good. You can buy whatever you want. I have a lot of money" he gave me a warm smile like he always do.
Fuck you Oliver Aiden Elizalde! Fuck you for making me like this.
Out of guilt ay ibinulsa ko ang card saka ko kinuha ang iba sa mga dala nya, "Tara na, pagod na ako" sabi ko saka naglakad na palaalis.
Mas marami pa rin ang hawak nya pero mas ayos na kaysa kanina, mas lalo sumama ang loob ko sa sarili ko ng maramdaman ko ang bigat ng mga dala ko. Kung ito pa lang ay mabigat na, pano pa sya kanina na dala nya lahat.
Pakiramdam ko ay ang sama ko sa kanya. Habang naglalakad ako papunta sa parking ay hindi ko maiwasan ang umiyak.
Nilagay ko ang mga paper bags na pinamili ko sa likod ng sasakyan nya, hindi ko na sya hinintay pa at pumasok na ako sa loob. Natanaw ko sa side mirror ang pagdating nya, nilagay nya rin sa likod ang mga dala nya na halos hindi na magkasya sa dami.
Nakita ko rin kung paano sya maginat ng katawan bago tumakbo papasok sa drivers seat.
Hindi ako makatingin sa kanya, pakiramdam ko ay sinamantala ko lang sya. Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko kaya nakatagilid lang ako.
"Are you crying?" he asked
Napansin nya!
"Lucas!" tawag pa nya pero hindi ako lumingon, "I know your still mad, but can you please let me wipe your tears. Please" pakiusap nya.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya, agad nyang kinuha ang panyo nya sa compartment at marahan itong ipinunas sa mukha ko.
"Sorry" pagkasabi ko non ay bumuhos ang malakas kong iyak kaya tinakpan ko na lang ang mukha ko ng dalawa kong kamay.
"Bakit? You didn't do anything wrong. Ako nga ang may kasalanan sayo" pag aamo nya.
Paulit ulit akong umiling.
"Pinahirapan kita" basag na ang boses nya.
"Kulang pa nga iyon, ayos lang naman sa akin lahat ng 'yon. Kung para sayo willing akong gawin ang lahat" malambing na sabi nya.
Kinuha ko mula sa bulsa ko ang black card nya saka ko inabot sa kanya, "I'll pay all those money na naubos ko. Sorry dahil sinayang ko yung pera mo" hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak.
He laughed.
Nang marinig ko 'yon ay nagangat ako ng tingin sa kanya, doon ko natagpuan ang mga mata nya na nakatitig sa akin.
"Look at me" hinawakan nya ang mukha ko saka iniharap sa kanya. "I don't care about money, kung para sayo kaya kong ibigay ang lahat" sabi nya.
"I have millions of money in my card, I can give you anything you want. Sabihin mo lang sa akin, kahit isla kaya kong ibigay sayo Lucas" humalik pa sya sa tip ng ilong ko.
"Para sayo Lucas, kakayanin ko lahat. Saka ako ang may kasalanan sayo diba? Kaya dapat magalit ka pa nga sa akin" sabi nya saka pinakawalan ang mukha ko.
"Sorry for shouting you....sorry sa lahat ng nagawa ko Lucas at patawarin mo rin ako sa mga magagawa ko pa" pakiramdam ko ay may laman ang mga sinasabi nya.
"Oh" inabot ko pa muli sa kanya ang card nya pero hindi nya iyon tinanggap at pinaandar na ang sasakyan.
"You can keep it! I have another one" pagtukoy nya sa black card na hawak ko pa rin hanggang ngayon.
Wtf! Did he just give me his card so fucking easily!
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceLucasxOliver Two men find solace in each other's touch, their relationship purely physical and free of emotional ties. As they navigate their secret arrangement, boundaries blur and unexpected feelings stir. Can they keep their connection strictly c...
