" Kaliwa." Soleil smiled.

" Ok."

" Sa kaliwa ako." Jhayme said at nahiga sa kaliwang side ng kama.

Bigla namang natawa si Swayne.

Wala ng masabi si Soleil kaya binato na lang niya ng unan si Jhayme.

-

" Tanghuluu!" Masayang sabi ni Alliyah.

Night market nga naman.

"Love, tikman mo oh." Tinapat ni Alliyah ang tanghulu sa bibig ko kaya kumagat ako.

"Tol, akala ko ba ayaw mo sa matatamis?" Jhayme asked kaya bahagya ko siyang kinurot.

"Noon! Ayaw mo noon! People change!" Sigaw ni Jhayme.

"Masarap." I said.

Kung ano-ano ng food stall ang nalibot namin, hindi talaga kami kumain para rito.

"Love!! Suot mo!" Inabot ni Alliyah ang isang bracelet sa'kin.

Mahabagin. May relo na may bracelet pa.

I should buy her necklace.

Inikot ko ang paningin ko at naghanap ng magandang necklace.

"Anong hanap mo ine?" The old lady asked me.

"Uhm, necklace for my girlfriend po."

"Kasama mo ba?" I nod and tinuro ko si Alliyah na busy pa maghanap ng anik-anik.

Napangiti naman ang matanda. "Ito iha oh. Bagay sainyong dalawa." Inabot niya ang dalawang pares ng kwintas na heart na may maliit na diamond sa gitna.

"Magkano po 'to?" I asked.

The old lady smiled. "Libre na para sainyong dalawa, bagay na bagay kayo. Naniniwala ka ba sa tadhana, iha?" I smiled and nod.

" Dapat lang. Tinadhana talaga kayong dalawa." Lalo naman akong napangiti.

" Sige na, isuot mo na sakaniya."

" Salamat po."

Lumapit ako kay Alliyah.

" Love." Alliyah looked at me. I showed her the necklace.

" Hala?!"

" Suot ko sa'yo, dali." I smiled at pinatalikod siya. Sinuot ko sakaniya ang kwintas at sinuot niya rin sa'kin ang isa pa.

-

" Sa'n mo nabili 'yan?" Gea asked.

"Naghahanap ako necklace kanina, tapos binigay sa'kin nung matanda." Gea smiled.

" May meaning daw 'yong gano'n."

" Ano?" I asked Gea. Kailangan ko na maniwala rito, totoo mga pinagsasabi nito.

"'Yong necklace na ganiyan tapos bigay ng isang matanda. Alam ng matandang 'yon na tinadhana kayo. Iyang necklace na 'yan ang magpapatibay pa sainyo. Ingatan niyo 'yan."

Uso pa pala 'yon?

" Iha!" Napatingin naman ako sa matanda.

Iniwan ko muna si Gea at lumapit sakaniya.

" Huwag na huwag mong papabayaan ang girlfriend mo.  Nararamdaman kong may delikadong mangyayari." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ng matanda.

" Po?"

"Ikaw ang magliligtas sakaniya. May gustong pumutol."

Lalong napakunot ang noo ko, pumutol saan?

Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"'Wag kayo mahuhulog sa tukso."

"Maze!"

Napatingin ako kay Jhayme ngunit binalik ko rin ang tingin ko sa matanda, na nawala na ngayon sa harapan ko.

Nakita ko ang tingin ni Gea sa'kin.

Lumapit na ako sakanila at tumabi kay Alliyah.

Anong ibig sabihin no'n?

-

^⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠_⁠^

Invisible StringWhere stories live. Discover now