"Wala kang kwentang anak!" Sigaw ng mama ni Raine na tila hindi na bago sa pandinig niya.
Nakatayo lamang siya sa pintuan ng kanilang bahay habang nakayuko at tinatanggap ang mga masasakit na salitang binabato sa kanya ng nanay niya.
"Alam mo bang madaming gagawin sa bahay na ito at ikaw nandon sa barkada mong mga walang silbe at utak! Kaya nahahawa kana sa kanila!" Sigaw nito kay Raine na nilalabanan ang kanyang luha na pumatak.
"Buti pa si Irene! Andito lang sa bahay! Tumutulong sa mga gagawin at maayos ang grades sa school eh ikaw?! Anong meron ka? K*t*ng*h*n? K*l*ndi*n?! Alam mo bang sinabi ni Irene na may boyfriend kana?!" Sumbat ng nanay niya at sa oras na ito ay nanigas siya.
Matagal niya nang tinatago na mayroon na siyang boyfriend.
"M-ma h-hindi-" Hindi pa natatapos si Raine sa kanyang sasabihin ay natumba ito ng wala sa oras habang hinahawakan ang kanang pisngi niya.
Sinampal siya ng kanyang sariling ina at ramdam niya ang pamamanhid ng kanyang kanang pisngi. Takot na takot at nanginginig niyang hinawakan ang mukha niya at umagos na nga ang luhang kanina niya pa pinipigilan.
"At sumasagot kanang bata ka? Wala na ngang silbe wala pang galang!" Sumbat ng kanyang ina habang dinuduro siya.
"Tama na yan ma hayaan mo na si ate." Mahinhin na boses ang narinig ni Raine at alam niya na kung sino ito.
Hinila ni Irene ang nanay nila at habang ginagawa ito ay sumilay ang ngiting hindi inaasahan ni Raine......
○○○○○○○○○○MeloManie_16○○○○○○○○
Hello everyone! Ang storyang "PAALAM" ay isang kathang isip lamang at ang mga pangyayari,pangalan,lugar ay bunga lamang ng malikhaing emahinasyon ng inyong manunulat.
PAALALA: Ang storyang ito ay maaring maglaman ng mga sensitibong pangyayari o mga bagay ni hindi pa puwede sa mga batang mambabasa.
●Plagiarism is a crime!●
☆All Rights Reserved☆
Thank you for reading and I hope you enjoy!♡
○○○○○○○○○○MeloManie_16○○○○○○○○
YOU ARE READING
Paalam
RandomAng kuwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang ibang hinahangad kundi ang pagmamahal ng kaniyang sariling mga pamilya. Ngunit ang simpleng paghahangad na ito ay mauuwi sa kaniyang paghihirap at pagdurusa.
