CHAPTER ONE

169K 2.9K 58
                                    

A/N: Bukas na lang ang update. Thanks for the patience.

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

Available for purchase in all NATIONAL BOOK STORES NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for details.

**********

Gusto ko nang tumalun-talon sa inip. Nasa'n na kaya ang lalaking iyon? Nakita kong kanina pa nagsilabasan ang ibang mga pasahero. Siya na lang yata ang naiwan. Nakakabuwisit!

Sinulyapan ko ang relos sa dingding. Mag-aalas siyete y medya na. Kanina pa siya dapat nakalabas. Ang sabi naman sa akin ni Boss mga alas sais y medya ng gabi ang dating niya. Ba't wala pa siya?

Maiyak-iyak na ako sa tabi. Parang ako na lang ang nakatayo sa arrival area. Hindi ako nakatiis. Nagtanong ako sa taga-information.

"Miss, nakarating na ba ang Cathay Pacific na galing Oslo?"

Tumingin sa flight information sa screen na naka-flash sa hindi kalayuan ang babae at itinuro iyon sa akin. Iyon nga. Nabasa ko nga kanina pa. At malinaw na nakasad doon na arrived na ang status ng biyahe. Napabuntong-hininga ako. Shit! Hindi na ako makakaabot nito sa usapan namin ni Miguel. Nakakapanlumo. I was looking forward to this date all week. Sa wakas, niyaya na rin ako ng kumag na iyon , pero ano itong nangyari? Nautusan akong sumundo sa isa sa mga spoiled na engineers from Norway. Hindi pa man nagsisimula ang trabaho nagpapa-primadonna na. Nakakaimbyerna! Sagabal sa lovelife!

Nakabusangot ang mukhang bumalik ako sa tapat ng nilalabasan ng mga pasahero. Lalo akong nainis nang sumilip na naman si Mang Roman, ang driver ng kompanya, at nagtanong kung dumating na ang sinusundo namin.

"Hindi ba obvious na wala pa?" pagtataray ko sa matanda. Kanina pa niya ako iniinis. Kung nagmamadali siyang makauwi sa asawa niya, mas nagmamadali naman akong makita si Miguel ano?

"Nagtanong ka ba sa guwardiya? Baka dumeretso na iyon sa hotel niya?" pangungulit pa niya. Kita rin sa mukha ang pagka-aburido.

"Mang Roman, ilang beses ko nang natanong. Bumalik na nga lang kayo do'n sa sasakyan natin. Mamaya niyan, ma-carnap pa iyon. Mapipilitan tayong maglakad hanggang Makati." Tinalikuran ko na siya. Naglakad-lakad ako. Sinilip-silip ko ang nasa loob kahit hindi masyadong kita. Ilang beses ko na siyang ginulpi sa isipan ko. Kapag makita ko ito mamaya hahampasin ko ito talaga ng shoulder bag ko.

Pagdating ng alas otso, tumawag na ako kay Boss. Malamang hindi natuloy ang lalaking iyon. O di kaya natuloy nga, pero nakatulog sa Hong Kong kung saan sila nag-stop over at naiwan na ng eroplano papuntang Manila.

"What?" Nabahala si Boss. "No, no, no. You have to stay there and wait. He confirmed his schedule today. Tumawag siya kanina sa akin nang nag-stop over sila sa Hong Kong. Sigurado akong nakasakay siya. Hintayin mo na lang muna diyan. I'll call my contact in Norway."

"Iyon nga, Boss, e. Baka nakatulog siya sa Hong Kong at naiwan ng eroplano," giit ko pa.

"Just stay there, okay? Kapag wala pa rin siya after an hour, call me again." Binaba na ni Boss ang telepono. Bumusangot lalo ang mukha ko. Paghihintayin ako ng isang oras pa? Pambihira! Makatao ba iyon? Hanggang alas singko lang naman dapat ang trabaho ko, a!

Habang sinasaksak ko at pinupugutan ng ulo sa isipan ang kalbong, matandang Norwegian, siya namang pagtigil ng isang guwapong blonde guy sa harapan ko. Parang binabasa ang hinahawakan kong placard.

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon