PROLOGUE

225K 3.9K 68
                                    

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store.  The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

A/N:  First upload - July 6, 2015

The above song is Leigh and Nikolai's theme song :)  I don't own this video.

May promo po ito ngayon:  Bundle price po of 300, meron na kayo nito, My Nordic God, at POV ni Trond:  https://shopee.ph/BE-MINE-by-GRETISBORED-i.123661527.7193519071?gclid=CjwKCAjwnZaVBhA6EiwAVVyv9F9XoTCdbdMqe6Xp41ArNavlpfudClUO3HsvdEFQlLbB3R0SoIAdFxoCAOcQAvD_BwE

***********

Today, July 13, 2015, BE MINE reached 1K reads! Tusen takk!!

Today, January 9, 2016,  BE MINE reached 100K reads! Tusen takk!

Today, April 24, 2016, BE MINE reached 200K reads! Tusen takk!

Today, August 21, 2017, BE MINE reached 900K reads! Tusen takk!

Today, September 29, 2017, Be Mine reached 1M reads! Salamat sa lahat ng sumusuporta nito! Tusen takk!

**********

Para akong tinulos sa pagkakatayo nang makita ang pamilyar na bulto sa unahan ng platform. Kahit mga limampung metro ang layo niya sa akin, nakilala agad ng puso ko kung sino'ng nagmamay-ari ng spiky, blond hair na iyon. Si Nikolai! Awtomatiko akong nakaramdam ng kagalakan. Daig ko pa ang nanalo sa lotto. Biruin mo, sa mahigit kumulang isang daan at dalawampung katao sa Stavanger, napakaliit ng tsansa na magkikita kami pero heto at pareho kaming nakatayo sa platform na patungong Undheim.

A huge part of me wants to approach him. Marami akong gustong isumbat sa kanya. Pero may bahagi rin ng puso ko na gustong hayaan na lang siya. What's the use? The guy had already decided. Sobra naman akong pathethic kung patuloy pa akong aasa sa isang taong kailanman ay hindi pala naging akin. Pero habang tinitimbang ko sa isipan kung lalapitan siya o hindi, bigla na lang may sumigaw na bata ng "Papa!" Napalingon ako at nakita ko ang batang babae na siguro nagkakaedad tatlo hanggang apat na taong gulang. Tumatakbo ito palapit kay Nikolai. Kasunod nito ang isang magandang babae. Para akong itinulos sa pagkakatayo. Matagal ko nang alam na nag-asawa na siya pero iba pala ang dating kapag nakita mismo ng sarili mong mga mata. As if it was not enough, nakita kong sinalubong ni Nikolai ang bata at binuhat. Nagtawanan silang mag-ama. Nang dumating sa tabi nila ang magandang babae, yumuko siya rito at ginawaran ito ng masuyong halik sa labi. Parang piniga ang puso ko.

I felt the urge to run. Parang nalulunod ako. Nahihirapan akong huminga. Nang tumakbo ako palabas ng platform, bigla akong natigilan. May tumawag ng pangalan ko. Akala ko noong una ay nananaginip lang ako. But there it was. Klarong-klaro.

"Leigh!"

Nakita ako ni Nikolai.

Matagal na naghinang ang mga mata namin. Parang may kung anong magneto na humihigop sa akin papunta sa kanya. Just like in movies, I walked towards him in slow motion. Ganoon rin siya. Tama ba ang nakikita ko? His warm, blue eyes seemed to reflect what I feel. Nami-miss rin niya ako?

"Papa?" untag ng batang babae. Hinila pa nito ang pantalon ng ama. Napatingin rin silang mag-ina sa akin. No'n lang ako naalimpungatan.

Imbesna dumeretso, bigla akong umatras at tumakbo uli. Narinig ko ang pagtawag mulini Nikolai. Pero hindi ko na iyon pinansin pa.


BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon