Kabanata 1

50 2 1
                                        

                                             

"Milktea,Milktea kayo dyan".Narinig ko na sigaw ni Aldrin habang hawak-hawak ang dalawang paa ni Jonasenth na halos nakatiwarik na dahil nakatukod ang dalawang kamay sa sahig.

The notorious student of Olympus Cleverthorn College was playing around again.Karamay ni Aldrin sa kalokohan ang kaklase naming si Jonas.Kaklase ko si Aldrin mula first year hanggang ngayong fourth year na kami.

"Tia wife, Milktea gusto mo?"Nabigla ako sa alok ni Aldrin sabay abot nang isang milktea sa akin.I was busy reading my notes for our upcoming final  exam when he approached me.I didn't have time for this senseless antics.

"Hoy, Aldrin Gideon Cleverthorn, pwede ba wala akong panahon sa mga kalokohan mo! Busy ako sa pag-aaral".I said as I seriously looked at his handsome face.

"Masyado namang mainit ang ulo mo,Wife.Hetong milktea,pampalamig ng ulo".Kampanting sagot nito na binitawan na si Jonas saka umupo sa armchair ng kaniyang upuan.

"Ako Drin,dimo aalokin ng milktea? gusto ko rin niyan".Pa cute na singit ni Ahya, Aldrin's Cousin.

"Para kay Tia na lang ito eh. Mamaya ka nalang insan".Sabi ni Aldrin na lumingon muna sa pinsan bago muling bumaling saakin.

"Tia wife,Kunin mo na,baka kunin nang iba ito".Wika nito na hinawakan ang kamay ko at nilagay sa palad ang kaniyang inaalok.

Nagpasalamat na Lang ako kaysa makipag talo pa sakaniya."Wala bang gayuma ito?"

"Kailangan ko pa ba yon?"Nakangising balik-tanong ni Aldrin sa akin.

"Malay ko ba kong desperado ka nang mapa-ibig ako,diba?"Lagi kasing ipinangangalandakan ng lalaking ito na hustong-gusto niya ako.Malamang ay nang tri-trip na Naman ito.Wala talaga itong magawa sa buhay kahit kailan.

"Don't worry Ms.Verdenal ,I won't depend on any spell .Gusto Kong mahulog ka nang kusa sa akin".Seryosong tugon nito.

"Asa ka dude, Fourth year College pa lang tayo Wala pa sa isip ko ang pag-ibig-ibig na Yan.At lalong wala akong planong magkagusto sayo".Ani ko at sumipsip sa Milktea. Wala Ang guro namin nang oras na iyon dahil may meeting daw itong dinaluhan kaya royal rumble na-naman ang mga kaklase ko,Lalo na si Aldrin.

"Grabe,walang kaaboy-aboy mong sinaktan ang damdamin ko.Wala ka man lang bang konting habag sa katawan.

Ngunit Hindi niya maipaliwanag kung lungkot nga ba ang nakita niya sa mga mata nito o guni-guni lamang.

"Habag?Ano ba yon?"Pagmaang-maangan ko."Kabag meron ako,baka gusto mong i-bluetooth ko sayo".

"Puro ka kalokohan,kailan mo ba seseryosohin ang sinasabi ko sayo?"Mataman itong nakatingin sa akin habang sinasabi iyon.

"Hiyang-hiya Naman ako sa katinuan mo.Ako pa talaga ang puro kalokohan,ha?"

"Seryoso Kasi ako Dito tapos ganyan ka".

"Kailan mo pa natutunan ang salitang seryoso?"

Tinitigan ako ni Aldrin"Mula nang sabihin ko sa iyo na gusto talaga kita".

Hindi ko alam kong bakit parang biglang gusto ko mapangiti sa sagot ni Aldrin.Ngunit iba ang ginawa ko.Bigla akong humagalpak ng tawa.

"Husay mong mag joke dude,wag mo ng ulitin ha?Baka mamatay ako sa kakatawa eh".Ani ko habang tinapik-tapik pa sa balikat si Aldrin.Ngunit mukhang hindi sa kakatawa ako mamamatay kundi sa mabilis na pagtibok ng lintik na puso ko.Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman.

"Tubig,gusto mo?mukhang hirap ka ng huminga sa kakatawa".Ani ni Aldrin.

Mukhang kailangan ko nga ng tubing."May tubing ka ba diyan?"

Paradise FoundStories to obsess over. Discover now