Okay lang (one-shot)
by ImYour-Girl
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Bestfriend mo ang laging kumakausap saken. Lagi nya kong nilalapitan. Kaya one day. tinanong kita. "Bagay ba kami ng Bestfriend mo?" sinagot mo ko ng...
"Okay lang"
**
Naglalaro kami sa soccer field nun. Nakaupo ka sa bench mag-isa. Sa di inaasahan, natamaan ka ng bola. Nilapitan kita. "Ayos ka lang ba?" sinagot mo ko...
"Okay lang"
Nasa science laboratory tayong lahat. Partner tayo sa pag-eexamine ng katawan ng palaka. May napisil ako na ewan, kaya tumalsik sayo yung likido. Pinunasan kita. ""Sorry ah. Di ko sinasadya" bigla kang nagsalita...
"Okay lang"
V alentines nun. Syempre, maraming lovebirds kung saan. Inaya kitang manuod ng sine. Pumayag ka naman kaya dinaanan kita sa inyo. Habang naglalakad tayo, kita ko kung paano mo titigan yung bulaklak kaya binilhan kita. Pagkabigay ko, tinanong kita. "Nagustuhan mo ba?"
"Okay lang"
Birthday nung isa sa mga kaklase natin. Imbitado tayong lahat. Anime ang theme. Sakto nung napadfaan ako sa inyo ay palabas ka na din. Ang ganda ng suot mo. Tumingin ako sa Naruto costume ko tas tinanong kita. "Pwede na ba?"
"Okay lang"
May pagsusulit tayo sa Math nun. At seatmate tayo. Ikaw nagsasagot na. Ako, naghahanap pa rin ng ballpen. May nakapa akong ballpen. sa sobrang tuwa ko, napahagis ko yun. Eh di ko naman alam na nagtatae pala yun. Kaya, natalsikan ka ng tinta. Nagsorry ako, "Pasensya na. Tao lang" sumagot ka...
