Chapter 15: Protect Me

5.2K 39 8
                                    

Pagkatapos kumain ng tanghalian ay dinala ni Paula ang buo'ng barkada sa isa'ng kwarto na puro armas. 

"Nandito sa loob ng kwarto'ng 'to ang lahat ng mga magagamit at kakailanganin natin para sa pakikipaglaban sa mga aswang na 'yan. May arnis, pana, punyal at iba pa."si Paula 

"Sandali po tita Paula, hindi naman po kami bihasa at sanay gumamit ng mga ganito, eh. Siguro sa arnis pwede po'ng si Jess ang magturo sa'min, pero sa mga baril at mga patalim, hindi po kami marunong."si Aya 

"Kailangan niyo'ng matuto. 'Wag kayo'ng mag-alala, madali lang matutunan ang mga ito. Naniniwala ako sa mga kakayahan ninyo."si Paula 

"Tita, diba may mga bow and arrow kayo? Pwede po'ng kami ni Bambi ang gumamit 'nun."si Belinda

"Kami naman po'ng mga boys, minsan nasa shooting range kami nila Rick sa Laguna kaya nakakapagpractice kami. Hindi po kami gano'n ka-asintado pero pwede po namin'g turuan ang girls."si Jacob 

"Kaya'ng kaya naman po siguro namin'g pag-aralan 'yung mga armas ninyo rito basta magtutulungan kami."si Rick 

"Dapat lahat sanay gumamit ng baril para mas madali natin'g mapatay ang mga aswang na 'yan. Sa bow & arrow, si Bambi at Belinda ang magtuturo sa iba. Sa arnis naman, si Jess."si Ella 

"That's a good idea. Marami'ng salamat sa inyo, ah. Kahit na alam ko'ng medyo delikado 'to'ng pinapasok niyo, handa pa rin kayo'ng tumulong."si Paula

"Of course, tita Paula. Pamilya po kayo nila Bambi at Belinda, basta pamilya ng isa, pamilya na rin po namin'g lahat."si Leslie 

"That's right, tita Paula. Kaya 'wag na po kayo magpasalamat sa'min."si Alvin 

Ilan'g sandali pa ay nagsanay na ang lahat. Una'ng nagpunta ang barkada sa shooting range para maturuan ang girls na maging asintado at pamilyar sa paggamit ng baril. 

"Kung gusto mo'ng maka-headshot kaagad, kailangan magfocus ka mabuti para masigurado mo na ulo nga niya ang tina-target mo."si Josh 

"Pa'no naman ako makakapagfocus kung tumutusok sa balikat ko 'yang baba mo? Isa pa, hindi ko naman kailangan maka-headshot."si Bambi 

"Mas mapapadali ang pagpatay mo sa aswang kung expert ka na kaagad sa headshot."si Josh 

"Josh, hindi ka ba nakikinig kanina? Diba ibababad nga natin sa holy water 'yung mga bala'ng gagamitin natin, kaya kahit tamaan sila kahit saan sigurado'ng patay na sila."si Bambi

"Pa'no kung hindi?"si Josh 

"Chill ka na lang muna d'yan, okay? Basta turuan mo lang ako ng mga basics, lalo na kapag naubusan na ako ng bala."si Bambi 

"Sigurado ka?"si Josh 

"Ganito na lang, kapag natapos mo ako'ng turuan at naging expert na ako sa paggamit nito'ng baril, promise ko sa'yo magda-date tayo."si Bambi

"Tayo'ng dalawa lang?"si Josh 

"Promise."si Bambi 

"Oh, sige, sabi mo 'yan, ah."si Josh

"Oo nga po, kaya sige na, turuan mo na ako."si Bambi 

"Okay, game!"si Josh 

Si Alvin naman tinuturuan din si Jess.

"Alam mo, iba ka talaga, eh."si Alvin

"Ako? Bakit naman?"si Jess

"Eh, sandali ko palang naituturo sa'yo 'to'ng mga basics ng paggamit ng baril, sanay na sanay ka na kaagad at kuha'ng kuha mo na. Lalo tuloy ako'ng humahanga sa'yo niyan, eh."si Alvin 

Barkada Tweens: Friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon