AROUND 9 na ng gabi ay nagpasya ang karamihan na mas maagang magpapahinga at maaga pa silang aalis bukas. Ito-toure daw sila ng boss nila sa magagandang lugar sa bayan nila. First destination nila sa Mabinay, sa Hundred Caves. Pupunta silang bundok. Magkaganoon man mas excited parin siyang makachika ang kaibigan.
"Ano na...paano ka napadpad dito sa dumaguete?"
"Diba sabi ko sa'yo uuwi akong Batangas. Kaso, nong umuwi ako don naaalala ko lang yong mga panahong lovey dovey pa kami. At lalo naman nong namanhikan ang pamilya nila, hanggang sa maikasal kami, at lahat lahat."napabuntonghininga.
So yon sabi ni papa bakit di ko daw subukan dito. Kahit dito naman daw ako maggagamit ko parin profession ko kasi minsan nagkukulang ng midwife. Which is so true... Alam mo bang napapasugod ako sa bundok ng dis oras ng gabi? Tapos ang dami kong kailangang I monitor na mga expected mothers. Busy'ng busy ang beauty ko girl."nagpose ala beauty queen ang upo.
And well isa nga sa pasyente ko si Lorna. Masilan siyang magbuntis kaya ako mismo ang pumupunta sa kanya."
"Ano kumusta nang puso mo...?"
"Hay heto kahit paano tumitibok tibok parin surviving..di tulad ng isa diyan..."parinig kaya nagkatawanan sila pareho." Ano.."kumikindat kindat pa sabay mas lumapit." Naisurrender mo na ba ang watawat ng kagitingan?"
"Ano ka ba..."hiyang hiya." Di pa noh..."bulong niyang talagang sila lang ang nakakarinig.
"Ay ang slow mo promise... Girl wag ka ng magpatumpik tumpik pa, good catch pa sa good catch si papa Vince. Dai di kana Nene na kailangan pa ng consent ng parents. Bweltahan mo na...ibigay mo na o baka mahuli pa ang lahat."
"Ano ka ba, di ganoon kadali yon noh..."
"Bakit nagtitipid lang sa halik halik sa cheeks, at holding holding hands while walking ganoon? Dai lalaki yan di makokontento yan... Kung totoosin nga dapat regular niyo na yang ginagawa..."
"Ikaw minsan di ko talaga ma take yang bibig mo..."
"Asus...nature na namin yan bilang midwife. Sa dami ba naman ng pinapaanak namin ikahihiya pa namin eh yan naman talaga ang reason paano mabuo ang bata." lumapit uli." Alam mo naman na siguro paano humalik eh noh?"bulong niya uli.
"Actually may session kami almost every night.."kinilig natakpan niya ang mukha.
"Ang landi.... Anong feeling ng first time..?"
"Eh...wag na nakakahiya..."mas lalo niyang natakpan ang mukha.
"Ang daya sige na sa share share..."yugyog niya para magsalita.
"After kung makapag adjust sa cheeks, lesson two naman kami. Eh..."kinikilig talaga siya, nahampas tuloy siya sa balikat." Wag kang atat..."
"Magkwento ka nalang kasi..."
"Tapos yon, smack smack muna tapos yon na may kunting kagat..."nakagat niya labi niya." Nong umpisa talagang tuod lang talaga ako, I really don't know how to respond... Eh mahaba ang pasensya ng lolo mo, kaya yon kahit paano nakakasabay na..."napapabungisngis siya.
"So di pa turid, wala pang tongue?"
"Meron naman kaso nagugulat pa'ko eh...but I'm trying..."
"Ang landi...."napatili siya sabay nakurot sa tagiliran. "Alam mo yari ka talaga niyan. Kakainin ka niyan ng buong buo. Alam mo ba yang ginagawa mo sa kanya? Para siyang wild beast na ginutom mo ng tatlong araw. Kaya sa oras na makawala yan, ay sabi ko sa'yo baka di ka makabangon."
"Wag ka namang manakot Jane..."
"Ano kaba sinasabi ko lang ang totoo. Look, though wala pang naging commitment si Vince gaya mo, pero the fact that his exposed already nature hahanap hanapin niya yon. Tapos dagdag pa alam na alam niyang hmn..kapa. Grabe takot niyan ngayon na mapunta ka sa iba. Magkakamatayan na kung magkakamatayan na..."
"Sabagay di ko rin siya masisi...."napaisip." Remember noong kwento ko sa'yong nalasing ako?"
"I knew it...I knew it... Sabi ko na nga ba eh napaka impossible kong kahit touch haplos haplos lang walang nangyari. Naku di yon mapakali ngayong gabi that's for sure."
YOU ARE READING
Never Gonna Be Alone
RomanceChristina, Tina for short was not your typical girl next door . Yes, she's smart, having a stable job just after she graduated. She owns her house and even having her own car. A picture perfect for a hardworking, dedicated woman. Who knows after all...
