"Hindi na, pagod na ko. Bukas na lang"

"Dwayne, ano nga pala, may problema"

Napalingon ako kay Klaire.

"Ano yun?"

"You have to sleep here. Here in the sofa"

Napatulala ako sa kanya. Did I hear her right?

"Ano? Dito mo ko patutulugin, samantalang apat yung kwarto sa taas?!" napagtaasan ko na sya ng boses.

Ang panget ng joke nya! Alam nya bang unang beses kong matulog sa sofa nung nasa bahay nila ako, at worst experience yun! Nanakit ng husto ang likod at balakang ko.

Kumamot ng ulo si Klaire.

"Oo nga apat nga ang kwarto sa taas pero yung master bedroom lang ang bukas. The rest ay naka padlock"

"What?!" Napasinghal ako.

Dali dali akong tumakbo paitaas to see kung totoo nga and damn it!

Oo nga, di lang isang lock ang nakalagay sa bawat kwarto kundi sandamakmak.

Nagkatinginan kami ni Klaire, sana hindi nya naiisip ang naiisip ko. Sana hindi dahil,

Bigla akong tumakbo papuntang master bedroom. Kailangan akong mauna doon.

Sya ang matulog sa couch!

Pero I was wrong, matalino talaga tong babaeng to dahil tumakbo din sya.

And nagulat na lang ako ng bigla nyang ihagis ang sarili nya pahiga ng kama.

"Whooooo! We are the champions my friends" sabi nya habang nakahiga pa na halatang inaasar ako.

Nakakainis! Ang liit liit nya pero ang bilis bilis nyang tumakbo.

"Oh? Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Ayusin mo na ang higaan mo sa baba" sabi nya bago pumikit.

Hindi! This is impossible!
Hindi ako makakapayag!

Ako si Dwayne Elliniel Cruz at ako ang masusunod dito sa pamamahay na to!

Klaire's POV.

Nakapikit na ko.

Oo! Dahil matutulog na ko! Haha! Anong akala nya mauunahan nya ko? Hell no, my dear! I'm a clever one!

Pero bakit ganoon, bakit parang may heater sa mukha ko? Hindi pa din ako dumilat dahil inaantok na talaga ako. Grabe, ang warm ng lumalabas na hangin at in fairness ang bango pa! Grabe amoy mamahaling toothpaste.

Teka!

Diba? Ang toothpaste ay para lamang sa bibig?!

OMG!

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at halos gustuhin kong lumubog sa kama ko.

"Bangong bango ka naman ata sa hininga ko" OMG! Bakit ang husky ng voice nya? Ito ba ang tinatawag na bedroom voice?

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"H-hindi ah! Akala ko kasi binabangungot na ko" mabilis kong depensa. "U-umalis k-ka nga nga dyan!" sigaw ko.

Pero hindi sya natinag kaya ginawa ko na ang nararapat. I kicked his other head at halos namimilipit sya sa sakit na naging dahilan pa para bumagsak sya sa lapag mula sa kama.

"Klaire naman! Mababaog ako nyan dahil sayo" sigaw nito sakin.

Natawa naman ako sa itsura nya.

"I don't care as long as I get to sleep here alone" sabi ko bago inispread ang mga paa at kamay ko.

Nakita ko namang tumayo sya at dahan dahang lumabas sa pinto. Siguro masakit nga ang ginawa ko dahil iika-ika ito.

Parang bigla naman akong nakonsensya, isa pa baka malamok sa baba kahit pa naka aircon doon.

Ano ba yan? OMG! Ano ba? Wag kang makonsensya! Delikado sya! Lalaki yan Klaire Louise! Mamaya pagsamantalahan ka nyan!

Okay? Pagsamantalahan? Eh mag asawa na nga kami diba? Anong sasabihin ko? Na ni rape ako ng mister ko? Tsk! Though pwede naman yun pero ang ewan!

Kaya tumayo na ako. Now or never Klaire! Lumabas ako at hinabol siya at naabutan ko syang pababa na ng hagdan.

"Sungit!" sigaw ko.

Gulat syang lumingon. Sumenyas akong lumapit sya sakin

"Bakit? Ano namang tutuhudin mo? Wala na, basag na to" sabi nya sakin.

"Whatever! Sige na, tabi na tayo! Pumapayag na ko kaya wag kang gagawa ng kung ano mang kababalaghan. Sisipain talaga kita at wala akong pake kung mababalian ko or kung may mababasag sayo!"

"Yun! Thank you! Akala ko matitiis mo ko" sabi nya at diretsong pumasok sa kwarto.

Sabagay, hindi naman ito ang unang beses na magtatabi kami.

Sumunod na lang ako at payapang tumabi sa kama.

That night we fall asleep beside each other. I must admit mas peaceful to kesa nung mga panahong mag isa ako.

---------
To be continued.

- KayeEinstein

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon