Chapter 08

313 17 0
                                    

Tanghali na nang umuwi sila. Pinag linis ko pa kasi sila ng living room dahil maraming bote ang nakakalat at mga dala nilang pulutan sa lapag. Pa'no nalang kung hindi sila nag linis, edi nilanggam na condo ko.

Aangal pa sana si Gav, e kaso saan sila mag iinuman kung ban sila rito? Edi no choice, nag linis sila.

Tanging si Vrix lang ang naiwan dahil amoy alak ang bed sheet ng guest room at pinag laba ko muna, hindi ko pinagamit ng washing. Baka kapag bumisita si Eloise e sermonan ako non. 

"Iwan mo nalang diyan. Ako nalang ang mag kakabit sa kama, pasarado nalang ng pinto." At tsaka nag paalam si Vrix sa akin habang kumakaway.

Nag message sa 'kin si Vallejo kanina na 4 sakto kami aalis, pero hindi naman niya sinabi sa'kin kung saan kami pupunta.

Mag aalas dos na nang matapos ko ang mga activities ko. Tinapos ko na para wala na akong iisipin kapag nakarating na kami sa pupuntahan namin.

Inayos ko lahat ng mga gamit ko at ibinalik 'yon ng maayos sa bag ko, dumiretso ako sa mga lagayan ng mga damit ko at nag tingin tingin kung ano ba ang pwedeng susuotin ko.

Naagaw ng pansin ko ang white t-shirt na may design na may malaking sunflower sa likod na may smiley face. Same sa harap ngunit maliit lamang iyon at naka tatak sa kaliwa. Ipinares ko ang black cargo pants na ngayon ko lang masusuot.

Nag vibrate ang phone ko at kinuha 'yon sa side table kung nasaan 'yon. Message 'yon sa gc namin na galing kay Neo, na sabay na nireplyan ni Lino.

Alrich Jie Taneo Selvano;
Wtf, asan kayo? Hindi 'to guest room ni Aki.

Linoah Bryle Vejelica;
You should ask yourself. Check our convo.

Alrich Jie Taneo Selvano;
TF BRYLE. HINDI AKO 'YON, I'M IN SOMEONE'S CONDO. MAY NAG UWI SA'KIN, WHAT SHOULD I DO??

Arzhel Ford Trajano;
Send your location. I'll be there.

Ciandrei Gav Avrenica;
Kung hindi ka ba naman kasi lumabas sa condo ni Aki, edi sana naka uwi ka na kanina pa.

Alrich Jie Taneo Selvano;
Wala akong maalala kagabi. Ang tapang naman kasi nung dinala ni Rei. Lasinggero talaga.

Javier Rei Liveiro;
Kung hindi mo ba naman tinungga. Sarap na sarap ka nga.

Tinawanan ko lang ang reply nina Gav at Rei kay Neo. Halatang may mga hangover pa.

Hindi na sila nag reply pa nang isend ni Neo ang location niya at hindi na nag seen pa ng mag reply si Ford na papunta na.

Saktong alas tres akong nag simulang maligo, nang matapos ay isinuot ko na ang t-shirt ko at cargo pants. Pinatuyo ko lang saglit ang buhok gamit ang blower.

Nang matuyo, kinuha ko sa drawer ang medyas ko at sabay na sinuot. Sinuklay ko na rin ang buhok ko matapos at kinuha ang maliit ko na relo.

Isinukbit ko 'yon sa kanan kong pulso at inayos. Nag panick ako ng mag text si Vallejo na malapit na siya.

Masyadong excited ang isang 'to.

Nag lagay ako ng lip balm sa labi at inilagay sa bulsa ang wallet. Wallet at cellphone lang naman ang dadalhin ko dahil masyadong mainit kapag may bitbit na bag. At sinuot ang sapatos ko.

Veos Achilles Ventura;
Aantayin nalang kita sa baba.

Nang ma isend ay sabay na nag reply si Vallejo na nasa baba na siya. Kaya dali dali akong sumakay sa elevator.

Pagka baba ng elevator sa lobby ay agad na hinanap ng mata ko si Vallejo. Nang makita ko siya, naka ngiti ito sa 'kin, 'tulad ng ngiti niya kagabi. Dahilan para kabahan ako.

Rainbows TiptoesWhere stories live. Discover now