CHAPTER 86 - SUPERVISORS

Start from the beginning
                                    

"Hindi na ako galit sayo cheezycake. Payakap naman ako!" narinig kong sabi ni Lei at nang matapos na kami sa pagyayakapan ni Ash, nakita ko nalang na nakayakap na nga si Lei kay Lhei.

"Hindi mo bagay ang galit cheezycake kaya wag ka na magagalit okay? Papanget ka niyan." sabi ni Lhei kaya ayan napangiti na rin si Lei. Malamang ayaw niyang pumanget. Haha.

"Hindi ba lalapit sa akin ang snickers ko?" narinig kong sabi ni Nick sabay abot niya ng kamay kay Carse. Ito namang si Carse imbis na iabot ang kamay kay Nick, agad siyang yumakap.

"Sorry na snickers ko." sabi ni Carse pagkayakap kay Nick

"Tinatanggap ko na yang sorry mo snickers. Basta, promise mo na sa akin ka lang. Ayokong mapunta ka sa iba." sabi naman ni Nick

Si Cliff naman nakita kong lumapit na rin kay Micah. Para silang nagkakahiyaan.

"Okay, I'm sorry cookies. Sorry for not telling those stuff to you." sabi ni Micah. Si Cliff naman imbis na magsalita, agad niyang niyakap si Micah.

"Ayoko lang na may umaaligid sayong ibang lalaki. I love you Cream and I can't afford to lose you." sabi ni Cliff habang nakayakap kay Micah

Ito namang si Yvo lumapit na rin kay Aliss.

"Uso ang playboy ngayon kaya wag kang papaloko sa mga playboy. Okay?" sabi bigla ni Yvo kay Aliss

"Ikaw lang naman ang playboy na mahal ko." sabay yakap ni Aliss kay Yvo

"Oy ikaw! Hindi ka ba magsosorry sa akin?" biglang sabi naman ni Blue kay Daryll

"Alam mo kung wala lang akong kasalanan sayo malamang inupakan na kita." sabi ni Daryll sabay yakap kay Blue. Ibang klase talaga ang kabaliwan ng dalawang yan.

"Say sorry in 28 different languages." biglang sabi ni Sky na nakapagpangiti sa amin. Loko naman kasi biglang nagsalita ng ganun. Haha.

"Kapal ng face ha. Ayoko nga. Makuntento ka na sa isang sorry lang." sabi naman ni Jesx

"Sus! Ayaw mo talagang sumunod sa akin noh? Pasaway na girlfriend." sabi ni Sky sabay lapit at yakap kay Jesx

"Ngayon nakayakap ka na sa akin. Haha Pero sorry sungit ha." sabi naman ni Jesx

"Magkakaayos din naman pala agad! Dami pang drama! Haha" sabi ni Eli

"Galit galitan pa tong mga kaibigan natin. Haha" sabi naman ni Cloud

Kaya ayan, nabalot na ng tawanan ang kaninang tensyon dito. ^__^

"Pero hindi na namin kayo hahayaang makasama ang mga yun." sabi bigla ni Ash

"Hey Ash! Hindi pwede yan. Nakasalalay dito ang pride ng school." sabi ni Ms. Shy

"Yes I know. Matutuloy lang yang partnership nila kung, dito na sila magrereview kasama ang mga yun at bawat review nila kasama na kami." sabi ulit ni Ash

"Tama yan!" pagsang-ayon naman ni Yvo

"Nice idea leader." sabi naman ni Lei

"Fine! Kung yan ang makakapagpagaan ng loob niyong mga gangsters, pero wag kayong manggugulo ha?" sabi naman ni Ms. Shy

"Hindi namin mapapangako yan." sabi naman ni Sky

"Tama si Sky. Mahirap ipangako na hindi kami manggugulo." sabi naman ni Cliff

"Anu ba naman kayo!" sigaw naman ni Ms. Shy

"Anung gusto mong gawin namin? Wag namin guluhin ang mga lalaking yun pag nakita naming nagtatake advantage sila sa mga girlfriend namin." biglang sabi naman ni Blue

"Okay sige! Pero kung wala naman silang ginawang masama please lang magbehave lang kayo." sabi ulit ni Ms. Shy na ngayon ay medyo nagiging okay na dahil kanina nagpapanic na yan eh.

"Deal!" sabi bigla ni Ash

"Ang sakit niyo talaga sa bangs!" sabi ni Ms. Shy tsaka na lumabas ng room. Kawawa naman si Ms. Shy, halatang namroblema dahil sa Fierce Gangsters.

Kaya heto ang ending nang galit galitan moment ng Fierce ay dito na nga talaga kami nagrereview. Ang seven handsome guys na ang nagpupunta dito para sa review namin.

Sa isang room kami dito nagrereview kasama ang seven handsome guys at pati na rin ang Fierce.

"Kailangan ba talagang nagbabantay sila sa atin?" tanong nitong si Grey na kasama kong magreview

"Oo. Kondisyon nila yan para matuloy ang tandem natin." sagot ko naman sa kanya pero hindi ako sa kanya nakatingin kundi dito sa libro na binabasa ko

"Hoy! Sa libro ka tumingin! Hindi sa girlfriend ko!" biglang sigaw ni Sky kaya naman napatingin kami kay Fist at Jesx. Ito naman kasing si Fist pasaway din.

"Hoy Sky! Manahimik ka nga dyan!" sigaw naman ni Ms. Shy tsaka tingin sa amin "Balik na kayo sa pagrereview. Wag niyo na intindihin ang mga to."

"Para naman silang supervisor. Parang papatayin na ako sa tingin ng boyfriend mo." sabi ulit ni Grey. Sa totoo lang, mukha nga talagang supervisor ang peg ng Fierce. Bawat partners kasi sa amin may sariling table tapos nakahilera ang Fierce sa may harapan namin, mga nakacross arms pa naman din sila. Medyo malayo sila sa amin dahil sabi ni Ms. Shy tama na ang ganung distansya nila.

"Magreview ka nalang at wag ka ng tumingin kay Ash kasi baka mamaya yan naman ang sumigaw dito. Mahirap na."

2hours kami straight na nagreview. Binigyan kami ng break time at ang mga Fierce, agad-agad nakalapit sa amin nung marinig na sinabing break time muna.

"Naiinis na ako sa mga tingin sayo ng partner mo na yun." sabi ni Sky pagkalabas ng room

"Wag mo na kasing intindihin." sabi sa kanya ni Jesx

"Kahit ako irita sa masyadong pagdikit nung partner ni snickers sa kanya." sabi naman ni Nick

"Snickers naman, chill lang kasi kayo." sabi ni Carse

"Yung lalaking yun sabihan mong wag hahawak kahit sa dulo ng daliri mo." sabi naman ni Blue kay Daryll

"O.A naman niyan baliw." sabi ni Daryll

"O.A ka dyan. Basta ayoko ha!" sigaw ni Blue

"Pinapakatignan ko nga yung partner ni Cream ko kanina para di gumawa ng kalokohan eh." sabi naman ni Cliff

"Sus! Cookies noh, kaya nga di makapagconcentrate yun kanina." sabi naman ni Micah

"Basta ako, okay lang sa partner ni cheezycake. Mukhang wala namang gagawin yun." sabi naman ni Lei

"Yan ang akala mo." sabi naman ni Lhei kaya ayan napalaki ng mata si Lei dahil sa sinabi niya.

"Mas hamak namang gwapo ako dun sa partner ni sushi girl kaya sigurado akong walang panama yun sa akin." sabay akbay ni Yvo kay Aliss

"Ang hangin yata dito." sabi naman ni Aliss na nakapagpatawa sa amin

Ito namang si Ash parang ayaw bitawan ang kamay ko.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya

"Yeah, I'm okay." sabay smile niya sa akin. Masaya ako na wala siyang sinasabi against Grey. Atleast medyo okay na rin ngayon.

After ng break time namin. Balik na rin agad sa review room para magstart na ulit magreview. Mukhang di yata umalis dito ang seven handsome guys. Sayang lang at di namin sila maaccommodate.

Gaya kanina, parang supervisor nanaman ang peg ng Fierce. Mas naging mabilis na ang oras na to dahil may pinasagutan sa amin si Ms. Shy at yung isang teacher.

Natapos na rin sa wakas ang review para sa araw na to. Kasabay din nun natapos ang sikreto namin sa Fierce.

Maayos na ang lahat. Sana magtuloy-tuloy na to.^__^

Stalking the Gangsters [2nd Half]Where stories live. Discover now