Chapter 1

19 0 0
                                    

"Doc, just tell me, am I dying?"

Agad akong napalingon sa narinig ko. Kung ako 'yan magpapasalamat ako kung sasabihin ng Doctor na oo.

"Nasa mabuting kalagayan ka pa naman, Ms. Velasco, ikaw naman. Let's just wait sa another findings sa sakit mo, for sure hindi naman 'yan hahantong sa critical na kondisyon basta lagi mo lang tatandaan ang mga ipinagbabawal ko sayo, ha. Oh siya, mauna na ako, I have to check my schedule before I go to my clinic," bilin ng Doctor sabay tapik sa braso ng isang babae. Sa lagay ng babae mukha naman siyang normal. I wonder kung ano nga ba talaga ang sakit niya?

Nang mapalingon siya sa gawi ko ay umiwas ako ng tingin. Nasa Hospital ako, sa waiting corner ng Obgyne Clinic to be exact, naghihintay kung kailan darating si Dra. Peralta, she's my ob for 3 years? Hindi ko na matandaan, basta she's been my OB since I was diagnosed with PCOS. I had a monthly check-up to check my blood cells at para regular na ang period ko. Struggle talaga ang may PCOS life but since narito na, I have to face and deal with it. Nag g-gain nalang ako ng weight bigla, nag-aacne breakouts, at multiple breakdowns. But Dra. Peralta guide me to a better and healthier life kaya thanks to her.

"Huy" nagulat ako nang biglang may humawak sa likod ko

"Zein, ginulat mo naman ako," sabi ko at ngumiti. She's Zein, soul sister slash childhood friend. Zein is a year older than me pero sabay kaming pumapasok sa eskwela kasi umiiyak siya noon kapag hindi ako kasama.

"I missed you!" aniya't niyakap ako. She's sweet, soft and genuine. Halatang opposite attracts.

"Ano ba, yuck ka, parang hindi tayo nagkita noong nakaraang linggo," sabi ko at tinulak siya

"Duh, ano na ba ngayon it's Saturday, last kita nakita last last week Friday pa ah, duga mo." sabi niya kaya umismid ako.

"Ilang oras lang 'yon. 192Hours." sabi ko at nagtaka kung bakit siya natahimik.

"Really?"

"Paano mo binilang?" takang sabi niya kaya napatawa ako

"Engineering student things, Zein. You just have to multiply twenty-four by eight kasi eight days naman na tayong hindi nagkita at 24 hours meron sa isang araw." sabi ko at tiningala siya

"You're unbelievable" sabi niya sabay pumalakpak

"At ang oa mo!" sabi ko at tumawa. Ilang minuto lang dumating na si Dra. Peralta kaya bumati kami sa kanya ngumiti naman siya at pumasok sa clinic. Nakapag-sign na ako kanina pa kaya naman madali lang ako nakapasok sa clinic, inip na inip pa naman na ako. Nagpaalam naman na si Yssa na may bibilhin siya sa Pharmacy sa harap ng buildinv hospital na ito at mag g-grocery rin siya kaya pinauna ko na siya.

"Good afternoon, Dra." bati ko at ngumiti

"Good afternoon, take a seat," bati niya pabalik

"So, how's your feeling after three month, Hija? Do you feel better or worst?" agad akong napatingin sa kanya at nakangiti naman siya na parang she's hoping na positive ang sasabihin ko. Ang lambing niya. Bilin niya sa akin na bumalik sa kanya bago muna mag three months to check If I still have Amenorrhoea or Irregular periods.

"I think, worst po. Hindi po ako dinatnan this month. I gained 2kg and I noticed that I was constantly dizzy and fatigue early in the morning. I also had trouble sleeping because I feel heavy even though I'm not doing or thinking anything. Do you think it's still normal po, Doc,?" tanong ko at tumingin sa kanya

"Well, In your case since you're still young, the specific treatment might involve lifestyle changes or medication gaya ng sabi ko sayo noon, but kapag naglala ang case mo at hindi na kaya kung medications lang we'll go under the procedure of laparoscopic electrocauterisation of ovarian strom, since it might lead to complications infertility. Or an early treatment of polycystic ovary disease can help prevent infertility or increase the chance of having a healthy pregnancy." paliwanag niya kaya umawang labi ko

"What? Wala rin po akong balak mag buntis, Doc, kaya okay na siguro ako sa medications at mga motivational quotes para may positive naman na dumadaloy sa dugo ko at hindi sa pregnancy test na 'yan." sabi ko kaya tumawa siya. Hindi umabot ng isang oras ang session namin binigyan niya lang ako ng pills at list ng pag s-strict diet ko. Hindi naman ako mataba, hindi rin ako payat since may katangkaran naman ako kaya okay lang ako sa ganito kong katawan. Wala naman sa akin ang pagiging insecure sa physical, mental siguro oo kasi bakit sobrang stable nila mentally? wala ba silang problema sa buhay?

"Fuck, it's raining" gulat ako nang mapatingin ng nasa gilid ko

Siya ba iyong mamamatay na kanina?

"What?" nabuhayan ako nang hindi ko malamang nakatitig na pala ako sa kanya.

"Wala, you look familiar." pagkukunwari ko nalang at umiwas

"Baka sinasaulo mo ang lahat ng anggulo ng mukha ko" bulong niya ngunit narinig ko 'yon.

"Oo, para alam ko kung saan parte kita ikikiss." mahinang sabi ko at sumimangot at pinagmasdan nalang sa ulan. Buti nalang nagpapakalma ito sa akin, I find it very calming and it lightens my mood instantly. I love to sit in silence and listen to the beating of rain droplets for hours at a time. I love rain.

Tinignan ko ang babae sa kabila nakasuot siya ng black hoodie, black denim tattered pants black mask at may earphone na nakasabit sa tainga niya. May matangos ang ilong, mapupungay na mga mata, sakto lang ang katangkaran ngunit mas may katangkaran siya kaysa sa akin. Napalingon siya sa gawi ko kaya umiwas ako.

Lagi ka nalang nahuhuli, Zharielle, ano baa, wala ka naman sigurong ginawang masama no? Kakasuhan ba kapag tumitig lang? Hindi naman ako nangjujudge?? Well, oo pero in a positive way naman, diba? Nakaka-

"Gusto mo bang sumabay?" napatigil ako nang biglang may nag abot ng payong sa akin

"Saan?" tanong ko at pinanlisikan siya ng mata

"Waiting shed. Mag-aantay ng bus?" tanong niya. Unang beses ko siyang narinig makipag-usap ng maayos. Well, dahil hindi naman talaga kami nag-uusap. Ngayon ko pa mga lang siyang nakita.

"E, papaano ka?" tanong ko sabay tingin sa payong

"We'll share" malamig na sabi niya kaya nakikita ko naman ang sarili kong tinatahak ang basang daan dala ng ulan kasama ang isang stranger. Naamoy ko ang pabango niya, hindi siya manly scent, something like candy scent. Ang bango niya.

Nang makarating kami roon sa waiting shed ay agad niyang tinuklap ang payong niya at ako nakatayo lang sa gilid hindi alam ang sasabihin at habang naghihintay na mag stop-over ang bus.

"Ah, hoy babae-" tawag ko at tumingin siya

"I have name" iritang sagot niya at tumingin paalis

"Ah, sorry, hindi ko al-"

"Yssa," hindi niya ako pinatapos dahil nagsalita siya.

"That's my name,"

"Okay, thank you........ Yssa." tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti. Sakto namang dumating ang bus kaya pumasok na ako at umupo malapit sa may bintana.

Ilang kilometro lang ang layo ng bahay namin kaya alam kong hindi ako gagabihin. Habang pinagmamasdan ko ang ulang tumutulo sa bus ay hindi ko mapigilang tignan ang mga nababasa rito. Vendors, traffic enforcers, at iba pang mga nagtatrabaho and even homeless people. Kahit gaano pala nakakalma ang ulan ay naghahatid pa rin talaga ito ng unos sa buhay ng ibang tao.

Nang pababa na ako ay nagulat ako nang biglang may kumalabit sa kamay ko

"What?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay dahil nagulat ako sa ginawa niya ngunit nawala 'yon dahil inabutan niya ako ng payong, ang payong na ginamit namin kanina. Tumingin ako sa labas at malakas pa nga ang ulan.

"Paano ka?" tanong ko ngunit tumango lang siya na parang sinasabi na 'okay lang ako'. Tumango naman ako at palabas na sana ngunit sa huling pagkakataon ay nilingon ko ulit siya.

"Thank you for this, Y-... Ano ulit?" naguguluhan kong tanong ngunit nakikita kong naniningkit ang mata niya

"Yssa. But you can call me, L-lo-anything.... if you want?" malamig na sabi niya at kinandatan ko nalang siya at binuklad ang payong bago lumabas sa bus.

I can still smell her scent in my shirt since magkatabi kami kanina. Mabango iyon, at matagal mawala. Nang papasok na sana sa bahay namin bago ko tiklupin ang payong ay may nakita akong nakaimprinta ro'n


"Engineer Ariessa L. Dominggo" so she wants to be an Engineer.



ART APP KENEMEWhere stories live. Discover now