Prologue

6.4K 245 54
                                    


Dedicated 'to sa napakasipag na taga-gawa ng ibang mga cover ko.  Hahahaha!  Ang busy niya pero hindi pa din siya nagsusungit sa'kin. hahaha! I love it. *u* Nakakahiya lang magpaulit-ulit sakanya pero nakakaadik kasi siya gumawa hahaha! Maraming thankyouuu sa'yo.. ;>  Next time uli ha? hahaha kapag madami ka ng time.. *u* SO BLESSED na natagpuan kita sa facebook haha! *u*

@MysteriousMilkShake <3


PROLOGUE


" Bilang kinatawan na Eros,kinakailangan mong mapatay ang itinakdang Thanatos sa lalo't madaling panahon. Crestia, si Crescentine ang nakatakdang maging taga-pag ligtas mo. Siya ang napili bilang karugtong ng buhay mo. Kung mamamatay ka, mamamatay rin siya. Kung sakali naman na una siyang mamatay sa'yo maaari kang mamili ng panibagong tagapag-ligtas. " Wika ng isang boses na nagmumula sa kataasan ng kanilang banal na lugar. Isang lugar kung saan tila ka nakaapak sa mga ulap bilang kalupaan at ang kataasan niyon ay isang nagliliwanag na kalapati na siyang pinagmumulan ng boses ng kanilang Diyos.

Nakatitig doon si Crestia habang marahan ang pagtango. Unang beses niyang nagmulat sa ganoong katawan at edad na labing-walo. Samantalang wala siyang kahit na anong alaala maliban sa sinabi ng tila mga anghel na siya ang napiling tagapag-ligtas ng kanilang lahi.

"Makikilala mo si Crescentine sa pagbaba mo sa lupa. Kailangang paslangin ang Thanatos! "

" Kailangan niyang mamatay. Kailangan iligtas ang lahat. " Aniya na buong puso ang pagsunod na nararamdaman.

Sa pagmulat ng mga mata ni Kana tuluyan ng nabura lahat ng mga alaala niya tungkol sa kanyang tunay at ikalawang pamilya. Maging ang pag-ibig na ipinangako nila sa isa't-isa ni Shin na lumaking kasama niya bago siya patayin ng mga anghel. Ang mga anghel na naglinis ng kaluluwa niya at inilipat siya sa isang huwad na katawan na kinikilala ngayon bilang si Crestia Bell ang napiling Eros.


Isang lalaki ang nakakuha ng atensyon niya, ang lalaking kinamartyran niya ng husto si Crescentine. Ang kanyang tagapagligtas at nakatakdang ipagtanggol siya sa Thanatos na handang pumatay sakanya.

Ang Thanatos na hindi niya nakilala na dating itinangi ng puso niya na si Shin. Kung sakaling mabatid niya ang katotohanan sino ang pipiliin niyang iligtas? Ang buhay niya kasama ang lalaking bagong minamahal o ang dating minamahal na hindi niya gustong masugatan man lamang noon ngunit nagawa niya ngayon?

Habang nasasaktan at nagdurusa si Shin naroon sa tabi niya si Jasmine ang Pureblood vampire princess. Ang babaeng isip bata, sobrang kulit at walang tigil sa pakikipag-away sakanya. Hindi niya magawang magalit dito dahil bigla itong umiiyak na dahilan para magmukha siyang may kasalanan.



Sa pagsasanga-sanga ng mga landas nila magsisimula ang RBW Series 2: Tormented Fate! *u*Series 1 lang ang Raised by Wolves Book 1 and 2. :) Abangan n'yo may isa pang series na mula sa pamilya ng werewolves! *u* Series 3 on September! *u*



*********

Information para sa dating libro: Ang Sacred Island na kinalilibingan ni Crescent at Kana ay hindi po Snow Island na pinanggalingan ni Rozen Maiden.  Ang Sacred Island ang dating isla na pinanggalingan ni April  at Lian na naging kagrupo niya kumbaga nirenovate nila at pinangalanang Sacred Island. ;) Salamat! <3

#MisaCrayola

@FB: Jobelle Rivera ( MisaCrayola ) 

RBW Series 2: Tormented FateWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu