Kung tutuusin ay hindi ko hinahanap ang pag ibig,
Hinihintay ko itong dumating,
At kung muli ko man itong masusumpong sa payapang distrito,
Sana ang pag-ibig na ito'y totoo,
Marunong umunawa, mag-alaga at bumuo,
Sana ito'y takot na mawala ako,
Sana handa itong piliin parin ang isang tulad ko sa kabila ng pagod, kawalan ng pag asa, hindi pagkakaintindihan, pagkukulang, at estado.
Sana marunong itong makuntento,Sa pinakamadaling salita, at pinaka kumplikadong hiling...
—sanay ikaw ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/362910388-288-k539284.jpg)
YOU ARE READING
Isangdaan At Apatnapu't Tatlong Tula Para Sayo
Poetry. .. ... ....inipon ang mga liham na ito, sa ilalim nang unan kung saan nakahimlay ang ulo ng taong nagmamahal ng totoo;