Nagulat ako ng pag dating ko sa ino- upahan namin ay nasa labas na lahat ang gamit namin at ang mga magulang at Kapatid ko ay nagsisi iyakan na din.
Ma! Pa! Anong nangyari?? Sambit ko nang makalapit ako Kay mama.
Anak pinalayas na tayo ni Coring!! Umiiyak nitong sabi.
Diba nakiusap na tayo noong isang Araw na bigyan tayo ng isa pang buwang palugit bakit ganito Akala ko okay na ang Usapan namin!! Ani ko.
Yun nga anak alam mo naman ang magandang itun pabago bago ang isip!! Umiiyak nitong sabi.
Napahawak ako sa sintido ko.
Tika lang ma kausapin ko ulit si aling coring kahit isang linggo lang makahanap lang tayo ng bagong mauupahan!! Sambit ko.
Aalis sana ako ng pigilan ako ni papa.
Anak ginawa na namin yan kanina Hindi talaga Siya pumayag at bukas na raw lilipat ang bagong titira diyan!! Malungkot na sabi ni papa.
Anong gagawin natin Ngayon pA?? Wala pa tayo Pera at saan tayo Ngayon matutulog?? Nag aalalang sambit ko.
Tinignan ko ang tatlo kung Kapatid malulungkot ang Mukha at ang bunso naman namin ay Panay iyak.
Bigla Kong naalala ang kaibigan Kong si Iza kaya kaagad ko itong tinawagan.
Hello Iza??
Hello Jen! Napatawag ka?? Sabi nito sa kabilang linya.
Ahm! May sasabihin sana ako sayo!!.nahihiya kong sabi.
Ano iyun Jen?
Nakakahiya man pero pinalayas na kami ng inuupahan namin Ngayon pwedi bang makitulog Muna sainyo kahit Ngayong Gabi lang ?? Pakiusap ko dito.
Hindi Muna ito magsalita kaya kinabahan na ako baka di pumayag si Iza.
Ahh s-sige ba! Hehe pasinsya kana natagalan ang sagot ko nag paalam muna ako Kay mama!! Sabi pa nito.
Talaga ba! Pumayag si tita?? Tanong ko sa kanya.
Oo sabi niya ay pumonta na raw kayo dito dahil hapon na may bakanting kwarto kami doon lang daw Muna kayo matulog Ngayon Gabi!! Ani nito kaya napangiti ako.
Maraming salamat Iza! Malaking tulong ito para samin...pero paano ang mga gamit namin dito?? Tanong ko sa kanya.
Wait lang Jen ha!tanungin ko ulit si mama!! Sabi nito at maya't Maya ay nag salita na ito.
Jen sabi ni mama sa garahe nalang raw Muna ang mga gamit niyo total isang Gabi lang naman Hindi iyun makakasagabal samin!! Sabi pa nito kaya nakahinga ako ng maluwag.
Thank you Za! Thank you talaga at pakisabi Kay tita madel na maraming salamat!! Masayang sabi ko dahilan ng mapalingon si mama at papa pati narin ang mga Kapatid ko.
Anu ka ba wala Yun maliit na bagay! Sige na pumonta na kayo dito maliligo lang ako Jen!! Paalam nito.
Sige salamat ulit za!! Huling sabi ko bago patayin ang tawag.
Ano ang sabi anak?? Tanong sakin ni mama.
Pumayag ang kaibigan ko ma na doon Muna tayo magpapalipas ng Gabi sa kanila! Sige na pumonta na tayo dun para makapag hanap pa Ko mamaya ng mauupahan natin bukas isang Gabi lang ang paalam ko Kay tita madel kaya kailangan Ko makahanap kaagad ng malilipatan natin!! Ani ko.
Pero anak wala tayong Pera Ngayon saan ka kukuha ng ipang dadown sa Bahay?? Tanong sakin ni papa.
Wag kayong mag alala pa Ako na Ang bahala didiskarte ako para may ipangbayad tayo sa Bahay bukas!! Sambit ko at Hindi na Sila nag Tanong ulit.
