"Ganito na lang, Favro. I know you don't like me but I have rules for you—I mean for us. Is it okay?"

"Yeah." Tumango siya.

"Number 1 bawal magselo—"

"I don't get jealous. That's childish," sagot niya habang nakahalukipkip.

"Yeah. I know. Para klaro lang," sambit ko at nagpatuloy. "Number 2 bawal possessi—"

"I'm not possessive."

"And last but not the least, you can't fall in love with me. Our marriage will end after 1 year so let's just be friends," nakangiting sambit ko at hindi na siya sumagot.

Madali lang naman 'yang 1-3 dahil hindi siya magseselos at magiging possessive kung wala siyang nararamdaman para sa akin so, I'm confident.

Pag-uwi sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto at kinuha ang notebook. I wrote the day today. Today was May 4. So, Taurus pala si Favro? Akala ko flirty ang mga Taurus.

I opened my laptop and searched for a cooking class. Mag-aaral ako magluto para—

Napatigil ako sa iniisip ko. "I mean, para maipagluto ko na ang sarili ko. I'm 28 year-old and I still don't know how to cook. Yeah. Right. It's not about Favro. He can cook for himself. I'm not learning how to cook for him. It's for myself." I nodded while convincing myself.

Excited akong naghanap ng lugar kung saan ako mag-aaral magluto. I've never been this excited in my entire life. Nakakaramdam naman ako ng excitement pero hindi ganito ka-excited. I just want to learn to cook for myself. Yeah.

Napatili ako dahil nakahanap ako. I'll go there tomorrow. Ready naman na ako sa fashion week at alam ko na ang gagawin kaya mag-aaral muna ako magluto.

Maaga akong nagising at sa convenience store na ako nag-almusal. Mas maaga akong umalis kay Favro dahil ayokong malaman niya na mag-aaral akong magluto.

I was just smiling because of excitement. Gusto ko nang matuto magluto para maipagluto ko na ang sarili ko.

When I've arrived to my destination, I fixed my bag and took a breath.

"Mrs. Alison Claire Segovia?"

"Yes." I showed her my ID.

"Follow me, ma'am." Nakangiti akong tumango at sinundan siya.

"Why do you want to learn to cook, ma'am?" tanong ng babae habang nasa elevator kami.

Nagtatanong pa, e.

"I want to cook for myself," sagot ko.

Paglabas sa elevator ay nakita ko ang ibang taong nag-aaral magluto. Medyo kinakabahan nga ako dahil mag-uumpisa pa lang talaga ako.

"This is Chef Raphael. He will teach you everything you want to know about cooking," aniya kaya nakipag-kamay ako sa chef.

"I'm Alison Segovia. Nice to meet you, Chef Raphael," I said and he took my hand.

"I'm glad you're interested in cooking. You're in the right hands don't worry." He smiled at me.

Nagsuot ako ng chef student uniform at nag-umpisa kami. Tinuruan niya muna ako sa paghihiwa bago ang pagluluto.

I can say that he's a good chef. I think he's 40 or 45 year-old. Gwapo siya pero magkasing-tangkad lang kami.

Gabi na ako nakauwi at naglalakad lang ako. Hindi ko maramdaman ang pagod. Mas nararamdaman ko ang excitement na matuto magluto.

"Alison?"

Napatigil ako sa paglalakad nang may huminto na kotse sa gilid ko. Bumaba ang bintana ng kotse at nagulat ako nang makita si Henri.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora