"Bakit siya lang!? Sama naman kami diyan oh!" Cedrick. Nagtitigan lang kaming dalawa ni Xyrex hanggang sa ako na ang nagsalita. Hindi ko siya maintindihan ngayong araw.

"Let's go" Malamig na aya ko sakaniya pero agad naman kaming pinigilan nila Cedrick at Michael.

"Sandali! Kayo ha!? Sama kami!" Michael.

"No. Stay here. Don't follow us" Utos ko bago maunang maglakad kasunod si Xyrex. Naramdaman kong hindi na nga sumunod pa samin ang dalawa kaya dumeretso ako sa upuang bato.

(A/N: Yung upuang bato po na yan is yung inupuan po dati nila Rixialyn at nung may-ari ng resort. Kung natatandaan niyo pa po)

Umupo kaming dalawa dun at saka nag-usap.

"What are we going to talk about?" Tanong ko. Luminga-linga siya sa paligid na parang kinukumpirma niya na walang tao malapit samin kaya nang makita niyang malayo naman samin ang mga kaibigan namin ay agad na siyang sumagot.

"Tungkol diyan sa nararamdaman mo" Umiwas lang ako ng tingin sakaniya. Talagang seryoso siya kaya medyo kinakabahan ako....

"Alam kong mahal mo siya Caspher. Pero hindi tama yun!" Diin niya kaya nainis ako!

"And what do you think is right!? That I can stop this my love for Lesley!?" Mahinang sigaw ko na nahampas pa ang batong lamesa na nakapagitan saming dalawa!

"Oo" Agad na sagot niya na ikinatigil ko.

"W-what do you mean?" Utal kong tanong.

"Gumising ka Caspher.......May nakatakda na sayo....At yun ang hindi mo na mababago pa! Tandaan mo.....Pinagkakatiwalaan ka ng mga gods and godesses! Kaya hangga't maaga pa, pigilan mo na! Dahil panigurado akong habang tumatagal yan ay mas lalong lumalalim! At mahirap ng pigilan! Wala ka nang magagawa para baguhin ang nakatakda" Mahabang paliwanag niya. Pakiramdam ko nanghina ang buong katawan ko....Actually tama naman siya eh. Kelangan ko itong pigilan dahil alam kong balang-araw, lalalim ito at mahihirapan ako. Pero anong gagawin ko? Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan at tatapusin! Mahirap magdesisyon lalo na kung kumplikado ang sitwasyon!

"Ano? Naiintindihan mo na ba?" Mahinahon niyang tanong sakin.

"I don't know what to do anymore" Sagot ko. Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Alam kong mahirap. Kasi mahal mo na siya eh. Pero wag mo naman sanang hintaying dumating sa point na mahal na mahal mo na siya" Xyrex. Tama siya. Kelangan ko na nga talaga sigurong tigilan ang kabaliwang toh!

"Hindi ka naman niya mahal eh. Kaya tigilan mo na. Mahihirapan ka lang" Bigla niyang sabi na nakapag-dagdag ng dahilan para tigilan ko na ito!

"I'll try" Mahina kong tugon.

"It's good that you've been enlightened. Just remember that I only do it for the right" Saad niya na tinapik pa ang balikat ko bago ako iwan dito. Sana nga tama itong gagawin ko.....

"Hoyyy Caspheerr!! Halika na ditoo!" Sigaw ni Cedrick kaya napatingin ako sakaniya. Nakita ko silang dalawa ni Michael na nagbabatuhan ng buhangin habang basang-basa.

"Go for it" Sabi ko nalang bago umalis doon at pumasok na ng resort. Umakyat ako sa taas para pumuntang kwarto naming apat ng madaanan ko ang kwarto nila Lesley. Napahinto ako sa paglalakad at tinitigan ang pinto nila.

Paano ko naman siya iiwasan niyan? At paano ko kakayanin? Hayys.

Napabuntong-hininga ako ng malalim at napayuko. Sana matapos na toh! Aalis na sana ako ng...
.
.
Rixia's POV

Nag-iihaw kami ngayon dito sa tabing dagat kasama si Ate Rei, Thunder, Sirene at Ivan. Ilalagay ko na sana sa ihawan ang tilapia na may balot na foil ng biglang....

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now