Tapos na lahat! Nakahanda na ang dinning area at ang mga pagkain! Kulang nalang ang mga kakain...Hehe! Bumalik ako sa salas para gisingin na silang lahat. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay siyang pag-vibrate ng cellphone ko! Ibig-sabihin may nag-text! Sino naman kaya??

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan siyempre! Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa text na toh! Kagabi pa toh ah!!!

From: 0909******4

'We are excited to see your blood😈'

Tss! Kilala ko kung sino toh...Hindi nila ako maloloko! Alam niyo bang kagabi pa toh?

*Flashback*

Pagka-uwi namin sa bahay ay agad na kaming dumeretcho sa bawat kwarto namin. Grabe! Napagod ako ngayong araw!

Naghalf-bath lang ako at hinilamusan ang mukha ko dahil sa nakatapal na make-up dito! But i'm glad parin dahil may poprotekta at mag-aalaga na sa ate ko. Wag lang talagang sasaktan ni Thunder si Ate Rei kung hindi ako ang makakalaban niya! May tiwala ako sakaniya kaya dapat wag niya yong sirain...

Lumabas na ako ng banyo at nagbihis sa walk in closet ko......

Pagkatapos kong magbihis ay sumampa na ako sa kama ko....Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng bigla akong may maalala! Sila Blacky nga pala! Tsk! Tumayo ulit ako at kinuha ang cellphone ko sa bedside table bago tumungong veranda.

Tinawagan ko si Butler Jun na agad niya namang sinagot.

["Hello po Lady Rixialyn? Napatawag ka po?"] Bungad niya..

"You probably know our hospital there, right?" Malamig kong tanong.

["Yes po.."] Sagot niya...

"Pay the hospital bills for my friend Blacky. And tell the doctor to do everything to keep my friend and her baby safe. Watch her until she can go home...." Utos ko.

["Sige po lady Rixialyn....Pero sino po si Blacky?"] Tanong niya.

"Just ask the nurses at the nurse station. Find her room. And also tell Blacky that we will not be able to visit her again tommorow because we have a flight...Can you do that right now?" Kaswal kong tanong.

["Opo! Sige po"] Sabi niya ulit kaya pinatay ko na ang tawag.

Next ko namang tinawagan ay si Mom..

*Kringg* Kringg* Kringg* Kringg* Kringg* Kringg*

["Hello anak?"] Sagot niya sa tawag ko..

"Hello po mom! Kamusta na po kayo?" Masiglang tanong ko..

["Okay lang naman kami ng Dad mo....Bakit napatawag ka? Miss mo na ba kami ha? Baby ko?"] Paglalambing niya kaya napangiti ako..

"Opo mom! Sobra!" Sagot ko..

["Haha! Ayy teka! Nabalitaan ko na pupunta daw kayong korea para bisitahin ang Park Family? Kasama mo pa yung mga kaibigan mo sa mundo niyo?"] Siya..

"Opo mom eh...Gusto ko nga pong sumama kayo eh.." Naka-pout kong sabi..

["Aww...Don't worry baby....Pupunta kami sa mansion niyo sa korea pag may time kami ng dad mo okay?"] Mom..

"Sige po....Ah mom! Siya nga pala....Pwede po bang pakisabi kay Mr. Valenueva na siya na muna ang bahala sa organization? Bibisitahin ko nalang po iyon bago kami makabalik sa mundo namin" Ako..

["Alright baby....Muwah! Love ka ni Mommy!"] Parang batang sabi niya kaya lalo akong napangite!

"Love you too mom! Muwah! Goodbye na po! Wag na pong masyadong magpuyat...Baka pumanget na po kayo niyan sige ka.." Natatawang banta ko..

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu