Prolonge

7 1 0
                                    


"Binibini maaari bang hingiin ang iyong kamay sa isang kasal?" Nakangiting Saad ni Isco(palayaw ni Francisco)

"Oo naman sure ikaw nayan ih" Saad ko naman

"Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan ang iyong pananalita aking binibini"

Ako'y nagpatawa nang mahina sa kaniyang sinabi.
"Oo na"

"Salamat aking binibini" Saad Niya at hinalikan ang aking kamay.

Ito na kaya ang happy ending, hindi na kaya mamamatay si Francisco Canill?, Saad ko sa aking isipan habang nakangiti sa lalaking nasa harapan ko.

Ngunit nagkamali ako nang akala.......

"Wag, wag ninyong kunin si isco" umiiyak Kong saad habang tumatakbo papunta sa mga amerikano na kinukuha si Isco.

Nangyari na nga ang kinatatakutan ko dahil bukas na bukas ang mawawala na siya, mawawala na ang aking mahal.
Ang Akala ko ay magkakaruon na ng masayang pagtatapos si Francisco Canill dahil hindi na si Elona ang kaniyang minahal at makatuluyan, ngunit pareho parin ang katapusan, mamamatay parin siya.

"Maawa kayo wag si isco, wag ang lalaking mahal ko" pagmamaka-awa ko sa mga amerikano.

"Mari wag kang sumunod pakiusap sapagkat hindi ko mapapatawad ang aking sarili  kapag mayroong nangyaring masama saiyo"
"Can I talk to her for a minute and before I get imprisoned?" Tanong niya sa mga amerikano.

The american nod his head then says "You have five minutes" Saad ng amerikano at umalis.

"Please wag kang sumama sa kanila mamamatay kapag ganon" Saad ko habang umiiyak.

"Wag kang mag-alala aking binibini babalik ako sapagkat magpapakasal pa tayo pangako ko iyan sayo" Saad Niya at hinalikan ako sa noo

"Ngunit mamamatay ka, papatayin ka nang mga amerikanong iy--"

"Okay time is up we need to go" Saad nang amerikano at dinala si isco.

"Sandali lang Naman oh, Isco parang-awa nyo na Isco mahal ko, ililigtas kita" Saad ko habang tumatakbo at itinatahak ang Daan na dinaanan ng mga amerikano.

"Isco mahal ko, kailangang mailigtas kita at mabago ang tema ng kwento" saad ko saaking sarili.

"Pangakong ililigtas kita kahit kamatayan ko man ang kapalit" dagdag ko pa.

Hanggang sa muli nating pagkikita MAHAL KOWhere stories live. Discover now