"She doesn't like talking about that stuff." Pinatay na niya ang blower at sinuklay ang buhok ko. "There, all done, babe." 

Nagpalit kami ng pwesto dahil pinatuyo ko rin ang buhok niya. Hindi na ako nagtanong ulit dahil halatang ayaw na niyang sagutin. Nainis din ako sa sarili ko. I should stop being so insecure. Baka makaapekto pa iyon sa relasyon namin. Pero... paano ko pipigilan? Mas mabuti sigurong sarilihin ko na lang kaysa ipasa ko pa kay Seven ang mga problema ko sa sarili ko. 

Nang tuyo na ang buhok niya ay binalik ko na ang blower sa may taas ng side table. Kinuha naman 'yon ni Seven at inikot ang cord bago nilagay sa loob ng drawer, kung saan 'yon dapat nakalagay. Pagkatapos ay binuksan na niya ang maliit kong lamp at pinatay ang ilaw. 

Humiga ako sa kama at tinuon ang atensyon ko sa kisame. Wow... Kisame. Ang bilis ng tibok ng puso ko, pinapakiramdaman siya. Nahugot ko ang hininga ko nang maramdaman ko na siya sa tabi ko. Wow... ang ayos pa pala ng kisame ng apartment ko? Hmm, napupundi na kaya 'yong ilaw? Palitan ko na kaya? 

Nilingon ko saglit si Seven at nakitang nakaupo siya sa kama at nakasandal ang likod habang nagse-cellphone. May kausap siya sa iMessage pero hindi ko na sinilip kung sino. Basta, ang bilis mag-reply. Halatang pareho silang tutok sa phone nila. Tumalikod ako sa kanya at humarap na lang sa kabilang side.

Sino 'yon? Gusto kong magtanong pero ayaw kong magtunog na nagseselos ako. Ayaw kong maging selosa ang tingin sa akin ni Seven. Tsaka baka mainis lang siya kapag tanong ako nang tanong tuwing may kausap siya. Baka isipin niya ay bawal na siyang makipag-usap sa ibang tao dahil palagi kong tinatanong. 

"It's Lyonelle," biglang sabi niya. Agad akong napalingon sa kanya. Wala pa naman akong tinatanong! "Here." Pinakita niya pa sa akin ang screen ng phone niya at nakita ko ang messages nila ni Lai. Tinatanong lang ni Lai kung kailan ang susunod niyang competition, tapos ganoon din si Seven. Mukhang manonood sila ng competition ng isa't isa bilang suporta. 

Bumaba ang tingin ko sa huling conversation nila.

Seven: Mamaya ka na. I'm with my girlfriend. 

Lai: The fuck why do I feel like I'm your side chick

Seven: She might think I'm texting other women. I'm not going to reply to you anymore. Bye. 

Lai: Yabang mo ulol 

"Ang sama mo. Pwede naman kayong mag-usap. Mag-reply ka," pamimilit ko sa kanya. 

"He's going to be fine." Nilapag niya ang phone niya sa gilid. Hala... Wala nang distraction. Ang awkward na ulit! Ako na lang kaya ang gumamit ng phone para hindi nakakailang? Nasaan ba ang phone ko? Hindi kasi ako inaantok! Ang hirap matulog! 

"Not sleepy yet?" tanong niya. He stretched his arm kaya roon ako humiga habang nakaharap sa kanya. He started playing with my hair while my other hand rested on his chest. His heartbeat was so calm. Ako lang ba ang kinakabahan?! "Do you want to watch a movie?" 

"Hmm, may mga memories ka ba sa phone mo? Like mga photos or videos mo before or kasama friends mo? Gusto kong makita." I wanted to know everything about him. Hindi kasi siya pala-post kaya mahirap alamin kung paano siya noon or kung paano siya makitungo sa iba. 

"I don't have a lot." Kinuha niya ang phone niya at binuksan ang gallery. Pagkatapos ay inabot niya sa akin 'yon. Ako na ang naghawak habang sabay kaming nagtitingin. Nag-scroll ako sa pinakaunang date. Kaunti nga lang talaga ang laman. Puro point of view niya at kaunti lang talaga ang photos or videos na naroon siya. 

May mga selfies ni Kiel doon. He was making faces. Halatang ninakaw niya lang ang phone ng Kuya niya tapos nanguha ng pictures bilang prank. May picture din ng Mommy niya na nakangiti at may hawak na maraming shopping bags. Sa likod ng Mommy niya ay may salamin kaya nakita ko siya. May selfie ang Daddy niya habang nasa likod siya, mukhang pinipilit siya na sumama sa picture. Tipid lang siyang nakangiti at sa sumunod na picture ay nakagilid na siya, mukhang gusto nang umalis. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon