Kefálaio dyo: Paradise

Start from the beginning
                                    

"I said malayo pa ba?" Pagtugon ko.

"Maybe" Tamo ang tipid niya magsalita,. Naiinis ako. Nakasunod lang ako sa kanya kung saang lugar niya man ako dalahin.

Nakakamangha sa lugar na ito sa bawat paglayo namin ay padami ng padami ang nadadaanan naming mga bulaklak na halos mya mga paro-paro,. At dahil sa mangha hindi ko napigilan ang sarili ko na tumakbo sa isang kumpol na bulaklak na may malalaking paro-paro,. Pero mali atang tumakbo ako..

"Ang ganda ng mga par.."

Sa pagtakbo ko hindi ko napansin ang ugat na nakaangat dahilan para matalisod ako at ma-out of balance. Pumikit na lang ako at hinintay na saluhin ni Ry dahil alam kong nakita niyang babagsak ako sa lupa.

"Bugshh....

Akala ko bisig ni Ry ang sasalo sa akin. Lupa na may damo pala.

Iminulat ko ang mata ko at tumingen ako ng masama sa nakatayo sa harapan ko ngayon.

Hindi man lang niya ba ako tutulungan?

"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" Pagtataray na tanong ko

"Learn to help yourself" He said seriously

Tinarayan ko na lang siya bago tumayo ng mag-isa at pinagpagan ang damit. Fuck ang sakit ng tuhod at siko ko. Padapa ba naman akong sinalo ng lupa.

"Hindi mo ba alam ang salitang Gentle Man? " Wika ko

"Not everyone is there for you when you need them. Learn to stand on your own, Fleur" Ry said before turning his back on me and starting walking again

Nakatanguso akong sumunod na lang sa kanya. Yung mga butterfly na magaganda mga lumipad na, natakot siguro nung bumagsak ako. Ilang minuto lang ang nilakad ulit namin ng magsalita siya.

"We are here" He said

Manghang-mangha ako sa nakikita ko ngayon, Paraiso yan ang masasabi ko. Malawak na ilog na napapaligiran ng malalaking puno at mga bulaklak na halos paro-paro, at malalaking bato. Sobrang ganda.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Tanong ko kay Ry.

"Learn to find" Tipid na sabi niya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong higitin sa braso. Sinisira niya naman moment ko eh.

"Baka tumakbo ka na naman. Madulas sa parteng kinatatayuan mo mabasag pa bungo mo" Sabi niya ng tumigil kami sa isang puno. Buhay na puno siya pero nakatumba at ang iba niyang sanga ay nakaharang sa ilog.

"Tara," Pag-aya niya sakin bago umakyat sa sanga ng puno. Hindi muna ako sumunod sa kanya dahil hinihintay ko na ilahad niya ang kamay niya para tulungan akong umakyat,. Pero ilang minuto ang lumipas hindi man lang niya nilahad ang kamay. Ang ending nakatanguso akong umakyat at madahan na naglakad sa sanga ng puno.

"Ayos lang kung madulas ka. Walang bato na sasalo sayo para basagin yang bungo mo" Sabi niya habang nakaupo at nakababa ang paa sa ilog.

Napaka harsh niya sa akin ha..

Nang malapit na ako sa kanya ay umupo na din ako at ibinaba ang paa sa ilog.

Ang sarap naman dito maliban sa katabi ko.

"Ang sama mo talaga. Hindi mo man lang ako tinulungan" Wika ko.

"Tingnan mo kaya mo naman diba? " Sa bagay tama nga naman siya, Tumitig ako sa paa kong nababasa ng tubig dahil sa ilog. Shit medyo kinabahan ako dahil sa sobrang linaw ng tubig kita mong malalim talaga siya, napahawak ako ng mahigpit sa sanga ng puno na pinagkakapitan ko ngayon.

"Anong problema? Natatakot ka? " Biglang tanong ni Ry kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Ha?H-hindi ah, " Pagtanggi ko kahit takot na talaga ako. What if mahulog ako diba? Hindi pa naman ako marunong lumangoy.

Have Lost In Paradise (El Dorado Serie #1)Where stories live. Discover now