Kabanata 9

260 21 26
                                    


Sa Kasalukuyang Panahon






"Doc,wala pa din bang bakas ng paggising ang anak ko?" Tanong ng ina ni Historia. Sa hindi nito paggising,kasabay nito ang paghihirap ng kanilang damdamin.





"Nakailang tingin na po kami,wala pa rin talaga. Parang hindi naman po kasi lumalaban para mabuhay ang anak niyo Mrs. Gomez" Pagpapaliwanag ng doktor.





"Parang nagpapalipas na nga lang po ng araw ang anak niyo"dagdag pa nito.




"pero masama po ito. Hindi siya nakakakain at palagi lamang nakahiga. Sa loob ng buwan na ito,pag hindi pa siya nagising. Magkita na lang tayo sa punerarya"







==


Pebrero 1,1872



Padre Jacinto Zamora
(Enchong Dee)






Palakad-lakad ako ngayon sa aking tahanan. Mahigit ilang araw ko ng hindi nasisilayan si Historia,parang hindi ko yatang hindi siya masilayan ngayon araw.






"Anong gagawin ko?,anong gagawin ko?" Tila mangmang kong tanong sa akin sarili habang pabalik-balik na naglalakad.





"alam kona,pag may nakita akong pari.Pupuntahan ko si Historia,gagamitin ko ito bilang senyales" sambit ko at taimtim na nag-intay at umupo sa isang upuan.





Ilang minuto ang nakalipas,tumayo ako at pumunta sa harapan ng aking salamin. "Ayan nakakita na ako ng pari" sambit ko. Napangiti ako at nagsimula ng magbihis.




Ang sinabi ko lang naman,basta makakita ako ng pari,hindi ko naman sinabing hindi ko maaaring tingnan ang aking sarili.







==





"Padre,san ang punta natin?" Maligalig na sambit sa akin ng lalaki. Ngumiti ako at kumaway "diyan lamang!" hiyaw ko naman pabalik.






"hmm. . . . itutuloy ko pa ba ito?" Kabado kong tanong sa aking sarili. Hindi mapakali ang aking mga kamay habang papalapit ako sa tahanan ni Historia.






Habang ako'y naglalakad,sipa-sipa ko ang may kalakihang bato. "Itutuloy ko pa ba?" Bulong ko sa aking sarili habang mabagal na naglalakad.





Sa aking pagkainis ay nasipa ko ng may kalakasan ang aking sipa-sipang bato. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan ito napunta.





Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang napakalalaking aso. Natamaan ko yata ang isa sa kanila.





"arghhhhhhh" galit na ungol nito sa akin.




"haysss,malas talaga!" Inis kong sambit at wala ng nagawa kung hindi magtatakbo. Ayokong pang mamatay ng dahil sa aking katangahan!.





==




"ayoko na! pagod na akong tumakbo!" Hiyaw ko habang patuloy pa din sa pagtakbo. Ni-hindi ko na nga napansin kung nasaan na ako.





"tulong!,tul-"




May biglang humila sa akin. Napapikit ako na tila takot na takot."maawa ka,huwag mokong patayin" sambit ko habang nakapikit at nakataas ang aking dalawang kamay.




Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now