Chapter 19 : ken speak!

Start from the beginning
                                    

“oh eto eto, ken anong hayop ang nakakatawa?” tanong ni pau

“what?” maikling sagot ni ken

“simple, edi eleFUNte (elephant)” imbis na kami matawa, mas naunang tumawa yung nag joke na si paupau

“hahahahahahah!!” pekeng tawa ni stell

“nakakatawa kanga, hayop ka e” tumawa naman si jah at pau.

“bakit ko ba kayo kaibigan” bumuntong hininga si josh nang banggitin nya ito at lalo naman nagtawanan yung dalawa

“ako may joke” its my time to shine, mapapatawa ko 'tong si ken dahil nangangailangan ako!

“oh ano” tanong ni stell at nakatingin sila saakin

“anong puno ang bawak akyatin?”

“I've heard that a lot of times that's too easy” ken

“Oh ano?” jaan ka nagkakamali

“nakatumbang puno, right?” napatakip ako ng bibig at natatawa na

“uhm... ano.. m.. mali” konti nalang matatawa na akoo

“then what?” ken

“oonga ano?” jah

“edi... Bonsai” hindi ko na napigilan at tumawa na ako at sinundan naman ni stell sa tawa, mukhang bentang benta sakanya

“HAHAHAHHAHAHAHAHAH bonsaii?? HAHAHAH oo nga no” halos 10 minutes kaming tumawa sumasakit na panga ko

Nang matapos na akong tumawa tumingin naman ano kay ken na naka tingin lang sakin at naka kunot yung noo at kala mo'y hinuhusgahan buong pagkatao ko

“pff” ngumiti sya?! Si ken ngumiti!

Napatayo ako bigla at sayang saya dahil ngumiti si ken.

“AAAAAHH!! NGUMITI SI KEN STELL PAANO BA YAN?! HA! BONSAI LANG PALA KATAPAT MO AH?? HAHAHAHAH” nag tatatalon ako sa saya, parang nanalo ako ng house & lot dahil dito.

“right, hindi pwedeng akyatin ang bonsai.. stupid joke” tumayo naman si ken at lumabas ng office, wala na akong pake basta nanalo ayun ang mahalaga sa lahat.

“ano stell ha ano, paano ba yan” pagmamayabang ko

“oo na” stell.

Ilang minuto pa ang lumipas nakatambay lang kami sa office, at nagpapahinga eto namang si jah hindi maka move on sa bonsai bonsai na yan at tawa parin ng tawa

“akala ko nagiisa lang akong mais dito” saad ni jah tumawa.

Sa kalagitnaan ng pagtambay namin, may isang studyante na nag tatatakbo papunta sa office at napatingin naman kami

“e...excuse me uhm.. kuya pablo si.. si kelvin po at felip nasa court po, hindi po namin mapigilan si kelvin kung ano ano na po pinagsasabi nya kay felip” agad kaming tumayo at pumunta ng court, naabutan naming may mga studyante duon nag kukumpulan.

“tumabi kayo” pagsuway ni pablo at nag si tabihan naman sila

Nakatayo sina ken at kelvin sa gitna.

“oh ano felip, wala kang masabi? Ano? Ilabas mo ngayon tapang mo, presidente ka? Ano ngayon isa ka paring walang kwenta” pagsigaw ni kelvin at dinuduro nya si ken, ngunit si ken naka tingin lang sakanya, chill lang sya habang si kelvin naman ay nag aangas-angasan.

Lumapit naman sila josh at inawat si kelvin

“kelvin ano nanaman ba 'to?” tanong ni pau

“isa ka pa pablo, mag pinsan tayo bakit yan kinakampiha mo” wtf mag pinsan sila???!!

At nagbulungan nanga ang mga studyante

“yes, pero kelvin mali ka accept it tumanggap ka ng pagkakamali” mariing sabi ni pau

“what? No! Unang una sa lahat tinanggalan nya akong karapatan na maging officer at pumasok ng class A-club” halatang galit na galit si kelvin dahil sa expresyon nya

“kasalanan mo kasi, kelvin listen before you do something think what's the possive consequences first” pau

“so? I have rights na sigawan mga studyante dito, tsaka pablo tandaan mo na si mommy nag paaral sayo dapat may utang na loob ka saakin,  palibhasa katulad ka ng nanay mo, walang utang na loob” biglang nagbago expresyon ni pau sa sinabi ni kelvin, makikita mo sa kamay nya na gusto nyang saktan si kelvin dahil nanginginig na mga kamay nya.

“ano kelvin?” palapit na sana si pau nang biglang magsalita si ken.

“you better shut your dirty mouth kelvin, you're nothing, you're useless and worthless remember that, naging officer ka because of your connections hindi dahil may utak ka” napatingin si kelvin kay ken nang magsalita ito, at dirediretso ang pagsasalita ni ken ni hindi manlang maka singit ni kelvin.

“kung tutuusin you're stupid and brainless, ewan ko kung bakit pumayag yung mga tao na masama ka sa class A-club because you're really not part of it, listen now you'll shut up your mouth and better to study you need that and read some dictionary and find the word “respect” if you cant respect the officers just respect your self, maawa ka sa sarili mo, and dont talk like that with pau you're just a free loader of your mother, now go back to your room”

Halos buong court ay sobrang tahimik, pati mga studyante nagulat sa sinabi ni ken, grabe kana ken sakit non..

“no hindi ako-” magsasalita na sana si kelvin pero hindi sumang-ayon si ken

“yes you will, now move and go back to your class” sabay turo ni ken sa building nila ken.

Naglakad na papalayo si ken gayun din ang ibang studyante.

“mag si balik na kayo sa mga klase nyo!” sigaw ni jah, at lahat kami bumalik na sa office.

Umupo kami at nagtitigan lang kaming lima, si ken naman ay bumalik sa table nya halatang stress, kawawang ken i mean kawawang kelvin saklap non, napagsalitaan ng isang felip jhon, ang talas nya magsalita kung ako yung nasa kalagayan ni kelvin iiyak talaga ako.

AUTHOR

i'll upload later at midnight, babawi ako dahil nga ngayon lang ako nakapag upload, chapter 20 ready??? GET READY Y'ALL!!

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now