01

407 16 0
                                    


Isang manlalakbay na walang pagkakakilanlan, walang alaala sa nakaraan o kahit pa man sa kasalukuyan.

At ang tanging alam ko lang ay isa akong isinumpang babae, na sa hindi mawari ay tila may isang kakayahan na makita ang hinaharap. Ngunit sa paanong nagkaroon ako ng ganitong espisyal na kakayahan? Hindi ko alam.

Nakaraan at kasalukuyan... bakit ang pinaka importante pang bagay na dapat alam ko ang tanging blangko sa isipan ko.

Nasa isang lugar o panahon ako na hindi ko maintindihan ang kalakaran o sistema, na tila ba kahit anong gawin ng mga taong ito ay walang kalayaan sila.

Ano nga ba ang kalayaan? At bakit ito ipinaglalaban kung sila naman ang nagmamay-ari ng lupang kanilang sinilangan.

At ano naman ang batas? bakit ito ipinatutupad kung hindi naman pantay-pantay ang nakakakamit ng hustisya sa tuwing may lumalabag dito.

Hindi makatarungan at hindi dapat sang-ayunan, pero ito na nga talaga ang tadhana ng mga taong ito... ang mga taong may dugong Pilipino at ipinanganak sa bayang ito.

____

Hindi ko na mabilang ang araw magmula ng magising ako sa panahong ito. Kakaiba ang paligid at ramdam ko ang pagkasakal ng mga taong bawat nadaraanan ko.

Ngunit dahil sa sitwasyon ko ay wala akong magawa kundi ang makibagay sa kanila. Sinubukan kong masanay kahit na hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ko dito at kung ano ba talaga ako.

Sa ilang araw na inilagi ko rito ay kahit papaano ay nasanay naman ako ngunit hindi ko pa rin maiwasang isipin kung ano ba talaga ang saysay ko sa panahong ito.

“Binibining Tala!”

Lumingon ako sa boses na tumawag sa pangalan ko, ang pangalan na hindi naman talaga akin.

Bumaba ang tingin ko kay Tino, ang batang nakilala ko sa tabing ilog noong magising ako.

“Bakit Tino?” tanong ko at pinantayan siya, hinawakan ko ang magkabila niyang balikat nang mapansin na hinihingal siya.  “at bakit hingal na hingal ka?”

“Gusto ko lang pong ipagbigay alam sayo binibining Tala na kasaluyan pong nasa simbahan si Padre Pedre Pelaez. Hindi po ba’t nais niyong humingi ng gabay mula sa kanya?”

Tumango ako bago maliit na ngumiti.

“Salamat Tino, o siya, ako’y tutungo sa simbahan. Umuwi ka na at huwag nang pagalalahanin pa ang iyong ina.” sambit ko at tumayo.

“Opo!” sagot niya at masayang nagtatakbo palayo.

Tumalikod na ako at nilihis ang dinadaanan ko patungo sa simbahan na nabanggit ni Tino.

Nang marating ko iyon ay mula sa malaking pintuan pa lang ay napatigil na ako sa malakas na boses. Nag-angat ako ng tingin at agad na huminto ang aking paningin sa isang lalaking may kasuotang itim na nakatayo sa gitna ng mga upuan ng simbahan.

Napansin ko rin na sa kanang bahagi ng lalaki ay may isa pa na may kasuotan din na katulad ng lalaki ngunit ito naman ay nakaupo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok dahil ayon sa kasuotan ng dalawa ay sila ang tinatawag na ang mga pari o ang mga siglar.

“...ang susunod na Hermano Pule? Mga bwisit sila..” malakas na sabi ng lalaking nakatayo.

“Don Pedro!” pabulong ngunit tila may diin na tawag nung lalaking nakaupo at kasabay ng paglingon naman ng lalaking nakatayo dito ay muling bumuka ang bibig ng lalaking nakaupo. “Di ba kayo natatakot?”

“Bakit ako matatakot magsabi ng totoo?” pabalik na tanong ng lalaking tinawag na Don Pedro.

“Kung ganoon siya si Padre Pedro ngunit... sino naman ito?” lumipat ang tingin ko sa kausap ni Padre Pedro at nagtagal ang tingin ko sa lalaking iyon.

Huminto ako sa paglalakad at ilang dipa lang ng layo ang pagitan namin nang muling magsalita si Padre Pedro matapos niyang kunin ang hawak nung lalaking nakaupo.

Hindi ko naintindihan ang mga sinasabi nito ngunit nakasisiguro ako na tungkol ito sa mga taong hindi patas.

Natapos siya sa kanyang sinasabi na tuluyang napunta ang atensyon sa akin na kasalukuyang nakatayo at sa kanila ang tingin.

Napansin naman nung lalaking nakaupo ang tinitingnan ni Padre kaya lumingon din ito sa direksyon ko at bago pa magkasalubong ang aming tingin ay ibinalik ko ang tingin kay Padre dahilan para magtama ang aming paningin ay bigla akong napaatras sa aking nakita.

Wala sa sarili kong naitaas ang aking kamay at tinuro si Padre Pedro at naisambit ang aking nakita.

“Mamamatay ka... Padre...” isang luha ang pumatak mula sa aking mga mata matapos kong isaad iyon.

Hindi ko na nagawa pang muling magsalita nang magdilim na ang aking paningin.

tala :: jose burgos forgotten storyWhere stories live. Discover now