"Favro," I called him. Siguro ay dapat na kaming maging close dahil isang taon na lang naman ang pagsasamahan namin.

"Bakit?" He looked at me.

"I'm going to the restroom. Can you hold my luggage?" pakiusap ko.

Hindi siya nagsalita at tumango lang. Hinila niya ang luggage ko kaya naglakad na ako patungo sa restroom.

I wanted to call Tata that I've arrived here in Paris but my sim card doesn't work here yet but we were able to talk last night.

Paglabas ko sa restroom ay binalikan ko na si Favro. I was going to get my luggage but he suddenly walked without giving it back to me.

Nakita niya naman na bumalik na ako pero bakit hindi niya pa binigay sa akin ang luggage ko?

"Favro, my lugg—"

Kinausap na niya ang immigration sa Paris airport kaya hindi ko natapos ang sasabihin. In-interview kami saglit at nang natapos ay i-oopen ko sana ulit ang tungkol sa luggage ko pero nagsalita ulit siya.

"The car is waiting outside." He looked at me.

"Oh? Buti naman," sambit ko na lang.

Tinalikuran na niya ako at hila-hila pa rin ang luggage naming dalawa. Paglabas ng airport ay nandoon na agad ang kotseng naghihintay sa amin.

Ipinasok na niya sa compartment ng kotse ang luggage namin kaya pumasok na rin ako. I was just keeping my mouth shut.

Nasa tabi ko na siya pero malaki ang space namin. We were both silent. Pagkatapos siyang batiin ng driver ay hindi na ulit siya nagsalita.

"Favro," I called him.

"What?"

"Saan tayo mag-aampon ng bata? Dito ba?" curious kong tanong.

"Yes, Alison."

"Kailan?"

"Kailan mo ba gusto?" Tumingin siya sa akin.

"Hmm..." Nag-isip ako. "Bago tayo bumalik sa Pinas. Teka," I paused and seriously looked at him. "Sino pala mag-aalaga sa bata? Maghihiwalay na tayo 'di ba?"

"I'll take care of him," he said. Inalis na niya ang tingin sa akin.

Him? So lalaki talaga ang tagapagmana niya.

"Sigurado ka bang stranger ang mamamahala sa kumpanya niyo?"

"Yeah," he just said.

Hindi na lang ako umimik. Bahala siya, kumpanya naman nila 'yan kaya hindi ko na iisipin kung sino ang mamamahala. I'll just focus on my own company.

"Change your clothes and come here after. I'll cook you breakfast."

"Huh?"

"Aren't you hungry?" tanong niya.

"Gutom. Pero ikaw magluluto? Lulutuan mo ako?" paglilinaw ko.

"Bakit? Marunong ka ba?" Sinasagot niya ako ng tanong din.

"Hindi." I mean marunong naman ako pero prito-prito lang.

"Then come down after you change your clothes." Tinalikuran na niya ako at dumiretso sa kusina.

Hindi ba siya pagod? Wala ba siyang jetlag?

4pm na sa Pinas at 10am naman dito sa Paris kaya breakfast na. Dumiretso ako sa kwarto. I actually don't know where my room is so I'll just pick one. Tatlo ang kwarto sa taas at dalawa naman sa baba. Ayoko sa baba dahil alam kong sa baba ang kwarto niya. Mas gusto niya sa baba.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora