Chapter 17 : infatuated or nah?

Start from the beginning
                                    

“may test paper pa ng grade 12 iris” dahan dahan ako napatingin kay josh ng masama nang banggitin nya 'to at nakatingin sya sakin na may nakakalokong tingin

“eme, joke lang iris iiyak kana e” tinawanan naman nya ako at nakurot ko sya sa tagiliran

“aray!” hiyaw ni josh

“sinasabi ko sayo josh ha, sa susunod anit mo na yang kukurutin ko, i jojoke time mo pa ako ha” binitawan ko nama sya at naiwan syang namimilipit sa sakit

“hirap naman biruin neto ni iris” nakahawak padin sya sa tagiliran nya at halatang iyak tawa na sya HAHAHAHAH

“ngapala, ken bakit nakulong kayo sa pv-room ni iris? Kayo lang dalawa?” napatingin naman ano kay josh nang magtanong sya

“yea” maikling sagot ni ken

“ano ba nangyari?” sunod na sabi ni josh

“why dont u ask her?” saad ni ken with his cold tone, grabe kana ken

“malay ko ba kasing sira yung pinto na yon? Tsaka inutusan ako ni sir. Nel e anong magagawa ko, tsaka hindi ko rin alam na nandon si ken” pagpapaliwanang ko

“jan nag simula lolo at lola ko” wika ni josh at siniko siko ako, susuntukin ko 'to

“tigilan moko josh kung ayaw mong pati kabila mong tagiliran makurot ko” napa shut up naman si josh at tinakpan nya yung bibig nya gamit ang kanan nyang kamay

Makalipas pa ang ilang oras kong pagtambay sa office, hulaan nyo ano na ang ginawa ko? Edi tumunganga ano pa ba.

Pumasok sa loob yung apat at umupo, at tulad ng ginagawa mo tumambay sila

“wala na kayong gagawin?” tanong ko kay pau

“wala na tapos na” sagot ni pau

“ken may gagawin ka? Labas tayo mamaya” pag aaya ni jah kay ken

“i'm busy, kayo nalang” ano pa bang inaasahang sagot neto ni ken

“bakit san ka nanaman gagala justin?” saad ni stell

“may bagong bukas na peryahan jan maraming rides, sakay sana tayong lima o kaya sama natin sila iris kasama mga kaibigan nya para madami tayo” ani ni jah at napatingin ako, i love rides kaya!!

“rides? Sama ako!!! Sakay tayo vikings” excited kong sabi

“tara, pero ewan ko kung sasama to si ken” lumapit si jah kay ken at umupo sa harap nya

“ken sumama kana, sige na” pilit na nangungulit si jah kay ken pero sobrang kunat talaga neto ni ken, tinatanggihan nya parin si jah kahit yayain sya ni stell o pau o kaya josh hindi parin sya pumapayag

“keeen!! Sigi na!!!” mukhang batang nanghihingi ng pambili ng lollipop sa magulang si josh habang niyayaya nya tong bato na to

“i said i'm busy, kung lalabas kayo, kayo nalang” saad ni ken.

Makalipas ang ilang oras uwian na at nandito na kami sa peryahan, guess what.. no choice si ken at nakasama sya gawin ba naman nyang panakot kay ken na hindi nya isasaoli si kuro sakanya kung hindi sya sasama, edi yon nakasama HAHAHAH smart

Una kaming sumakay mg roller coaster, halos matanggal na yung kaluluwa namin ni ariana dahil sa bilis ng takbo ng  makina.

“feeling ko naiwan yung kaluluwa ko sa roller coaster balikan natin” pagiinarte ni stell

“next sa vikings naman tayo!!!” bumili kami ng  siyam na tickets para saamin at umupo na, ang katabi ko sina ariana, matt, leo at paupau sa harap naman namin ang katapat ko ay si ken katabi naman nya si stell, jah, at josh

Dahan dahang umandar yung makina at pabilis eto ng pabilis

“AAAAAAA” hiyawan ng mga tao

“MAMA AYOKO NAA!!” - josh
“LOORRD WAIT LANG AAAA!!” - stell
“AAAAAAAA IBABA NYO NA AKO!!” - pau

Halos kami humihiyaw sa pagsakay namin ng vikings maliban kay ken, kung ano yung mukha nya buong araw gayun din sa rides, naka poker face lang sya, hindi ba sya natatakot??? Joshkopooo

Bumaba na kami at yung apat halos masuka si ken naman ay bumili ng tubig para sakanila well ako mahilig ako sa rides kaya easy nalang to sakin

“mga weak” pang asar ko sa apat

“be bilhan mo rin ano tubig nasusuka narin ako” napatingin ako kay ariana habang nanghihina eto, tinawanan ko naman sya at bumili na ako ng tubig.

Naglalakad ako papunta ng tindahan nang makita ko si ken na nakapila para bumili ng tubig, pumunta naman ako sakanya at pumila rin

“mahaba yung pila?” saad ko pero di nagsasalita si ken, kinalabit ko sya at napatingin sakin

“sanay ka sa rides?” tanong ko pero tinitigan nya lang ako

“ay be tinatanong kita hindi to staring contest” tinatarayan ko sya at bumalik naman sya sa pila, ang totoo sanay ba sya o hindi? Kasi ang pagkakaalam ko sa sabi sabi takot daw sya sa rides eh

Nakabili na kami ng tubig at sabay kaming naglakad, medjo malayo yung binilhan namin kasi lahat ng tindahan maraming pila.

Habang naglalakad kami bigla akong natapilok. Tanga

“a.. ah” napaupo ako at hinawakan yung paa ko

“ayos kalang?” malamig na tono ni ken at lumapit sakin

“natapsilog ako, ang sakit” pilosopo kong sagot

“natapsilog?” tanong ni ken, di nya ba alam yon? Ano ba yan napagiiwanan na sya

“natapilok be ano ka ba” sagot ko sa tanong nya pero tinaasan nya lang ako ng kilay ang taray ha

“nonsense.” maikling sagot ni ken at binigay nya sakin yung isang water bottle na malamig

“lagay mo sa paa mo” sinunod ko ito at nilagay sa paa ko

“kaya mong maglakad?” tanong nya, shemay ang pogi nya maconcern

“siguro” pinilit kong tumayo pero sa kagagahan natumba ako

“ang sakit parang di yata!” umupo ulit ako at halos mangiyak sa sakit, ang sakit nya talaga sa totoo lang

Bumuntong hininga naman si ken at lumapit sakin, kinuha nya yung isang kamay ko at ipinatong sa balikat nya at hinawakan nya ang kaliwang braso ko at inalalayan ako sa paglakad.

ang bango nya putcha.

Napadali naman yung paglalakad no dahil tinulungan nya ako, pasulyap sulyap akong tumitingin sakanya dahil napaka ganda ng sideview profile nya... Ang tangos ng ilong at ang sharp ng jawline ang bango pa... Grabe na to

Nakarating na kami sa pwesto namin at agad kaming nilapitan ni matt at ariana

“ano nangyari?” kinuha naman ako ni matt kay ken at inalalayan

“she cant walk, so help your clumsy friend” saad ni ken at iniunat nya yung braso nya... Nangalay yata HAHAHAH

“clumsy nyenye”

Nakauwi na ako at naglagay lang ako ng cold compress sa paa ko

“shet namula” feeling ko di ako makakalakad neto bukas... So ibig sabihin di ako makakapasok!!!! yes!!

Humiga ako sa kama ko at nagpagulong gulong

“HINDI AKO MAKAKAPASOK BUKAS!!! HINDI KO MAKIKITA ANG LALAKENG YON!!! YEAAAAYY!!!”

Biglang tumibok yung puso ko nang maalala ko yung mukha nya kung gaano sya kalapit sakin kanina, para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil don, kahit sinong babae maf- fall sa ganda ng hulma ng mukha nya, ang ganda ng mga siren eyes nya, matangos na ilong at maliit na labi.

“iris!! Ano ba yang iniisip mo!” feeling ko... Nagkakagusto na ako sakanya... Parang may nararamdaman na ako sakanya

Napahawak ako sa dibdib ko, at damang dama ko ang kabog nito.

Ohh iris infatuated ka lang kumalma ka.

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now