Kabanata 3

356 21 21
                                    


Bakod




Historia

Etong si Padre Burgos daig pa ang babae kung magtampo!,hindi ba naman ako pinansin noong nakaraan,napahiya tuloy ako.

"Bibigay din siya!,siya mismo ang kakausap sa akin!" Inis kong sambit at pinagpatuloy ang aking pagwawalis.

"Historia?ikaw nga!" Napatingin ako sa nagsambit nito,si Padre Zamora lang pala. Ang galing,ibang padre ang binigay sa akin.

"Ipinagdasal ko talaga sa Diyos na makita ka!,ka'y runong talaga ng Diyos" Peke na lamang akong tumawa,at eto nanaman siya sa paghawak niya sa aking kamay.

"Ilang linggo din tayong hindi nagkita,kamusta kana?" Tanong niya sa akin na tila matagal na kaming magkakilala o magkaibigan.

"Ayos lamang ako,buhay pa naman" Simpleng sambit ko sa kaniya. Hindi ko alam,kahit gaano siya kasayang kausap o kasama,hinahanap-hanap ko pa din ang isa diyan.

"Gusto sana kitang imbitahan bukas sa-"

"Hindi siya pwede"

Napaitlag ako ng marinig ang nagsalita mula sa aking likuran,siya nga sana. Kaso matampuhin ako eh,nagtatampo ako sa hindi niya pagpansin sa akin noong nakaraan.

"Hindi,bakante ako bukas,saan ba tayo pupunta?" Masaya kong tanong,sa totoo lang nasisiyahan naman ako kapag kasama ko si Padre Zamora.

"Mamamasyal lamang tayo,nalaman ko kasi na bago ka pa lamang dito" Masaya nitong sambit,nginitian ko ito at humarap naman ako kay Padre Burgos dala-dala ang seryoso kong ekspresyon.

"At sino naman po ang nagsabi sa inyo na hindi ako maaari bukas?" Pagtataray kong tanong,hindi ito umimik.

"Padre Zamora,magkita na lamang tayo dito sa ganap na ika-walo ng umaga,mauna na ako sayo dahil marami pa akong kailangan gawin sa loob" Pagpapaalam ko,kumaway ito sa akin at nginitian ako.

Magkaibang-magkaiba talaga sila ni Padre Burgos,yung isa laging kalmado at seryoso,yung isa naman laging over acting,tsk.

==

Padre Jose Burgos
(Cedrick Juan Himself)

"Aking kaibigan,masama yata ang timpla ng araw mo ngayon. Pati ba naman ang isang binibini ay sinusungitan mo?" May pang-aasar na sambit sa akin ni Padre Zamora. Palihim ko naman niyukom ang aking mga palad.

"Sólo estoy preocupada por él, porque te acabas de conocer(Nag-aalala lamang ako sa kaniya dahil bago pa lamang kayong magkakilala)" Seryoso kong sambit,pinagsawalang bahala lamang niya iyon.

" No tienes que preocuparte. Mi amigo.(Wala kang dapat ipag-alala. Aking kaibigan)" May diin nitong sambit at daglian na ding lumisan.

Ang hirap pala kapag ika'y may . . . . . . . kaagaw.






==

Pangungulila

Historia

Nakaharap ako ngayon sa dingding,iniisip kung ako'y makababalik pa ba sa tunay kong panahon. Paano kung hindi na? Anong kahihinatnan ko?

"Mukang nalulunod ka na sa iyong isipin,hija. ¿Tiene usted un problema?(May problema ka ba?)" Sambit ni Señor Pelaez ng mapansin niya ang aking pagtahimik.

Ako lamang kasi ang nagbibigay buhay sa kabuuan ng bahay,napakatahimik kasi at nakakabagot. Kapansin-pansin tuloy ang pagbabago ng aking ugali.

"Padre,ang hirap palang mag-isa" malungkot kong wika,umupo siya sa aking harapan at bumuntong hininga.

Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora