Kabanata 1

510 17 26
                                    


'Isa mang kahangalan ang mahalin ka,
Ipaglalaban pa din kita.'










Sino Siya?








"Ayoko na!,wala naman akong maintindihan,tsk!" Inis kong sambit at padabog na isinara ang librong aking binabasa. Tinabig ko ito papalayo sa akin at napahawak na lamang sa aking ulo.



"May exam pa kami bukas!,bakit kasi tungkol pa diyan!,bumabawi ako sa history oh!" Galit kong turan at nag iyak-iyakan,umaasang baka maawa sa akin at diyos at bigla kong maintindihan ang librong aking binabasa.




Isa akong matalinong estudyante,pambato sa iba't-ibang paksa ng mga laban sa aking paaralan. Ngunit bagsak sa History,na kahit anong gawin ko'y hindi ko naman maintindihan.



Ika nga nila 'past is past' bakit kailangan pang problemahin ng makabagong henerasyon ng Pilipinas ang mga nangyari noong mga panahon na wala pa naman kami sa mundo!?



Tulad nitong 'GomBurZa' na puro espanyol ang aking nababasa,nahihirapan tuloy akong intindihin. Bakit kasi puro kabit ang palabas sa mga telebisyon ng Pilipinas.


Bakit hindi sila gumawa ng makatotohanang adapsyon ng mga bayani para naman mapadali ang mga buhay naming estudyante diba?,mga hindi kasi nag-iisip eh!.


"Historia! Kain na!" Napabuntong hininga ako.Literal na 'Historia' ang aking pangalan,nakakahiya naman tapos ang hina-hina ko sa History.

Bumaba ako at tumungo sa kusina ng may kaunting sama ng loob dahil sa mga iniisip ko kanina,tila pasan ko ang langit at lupa dahil sa aura ko.


"here's your card,matataas lahat,good job anak" masayang sambit ni mama,kinuha ko naman ang aking 'report card'.



"Puta-" Napatigil ako ng maalalang nasa harapan nga pala ako si mama. Napatingin ako na parang hindi makapaniwala sa nakita ko,92?!sa History?!


Kung hindi lang talaga ibabalik sa guro ko ang report card na ito,kanina pa punit ang salitang 'History dito 'e,wala ng magandang maidulot,sakit lang naman sa ulo!



==


Naglalakad ako ngayon sa kahabaan ng hallway,kasabay ang aking guro sa History.



"Baka naman po may magagawa pa ako sa 92 maam,pang first quarter grade ko lang yon maam 'e"Pagmamaktol ko sa aking guro,rinig ko naman siyang napabuntong hininga.


"Historia,wala na akong magagawa diyan,ang gawin mo galingan mo na lang sa test natin mamaya,okay?" Malumanay niyang sambit at iniwan na ako,napairap naman ako ng wala sa oras.



Gagalingan ko? Galingan ko nalang.


==



"25/50!?,this is an acceptable!,nag review ako buong magdamag,kahit sa pagkain ko kanina!,bakit ganito?!" Gigil kong sambit sa aking sarili at nilukot ang test paper ko. Feeling ko I'm such a disappointment.



Karamihan sa aking mali ay tungkol sa 'GomBurZa' . Napakamot ako sa aking ulo."Peste!,ikaw peste ka!" Inis kong sambit sa aking libro tungkol sa GomBurZa na tila may buhay ito.


Sa inis ko ay binato ko ito sa isang sulok ng aking kwarto "Sino ba kasi kayo?!,mga feeling important kasi" Inis kong sambit at umirap. Nahiga na lamang ako sa aking kwarto at kalaunan ay natulog.




Forbidden| HISTORICAL STORY (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now