CLIEF
Hay, ewan ko sainyong dalawa. Tsaka ayaw ni Kaela na may chumichika sa kaniya habang discussion, oy.

CIA
Hindi naman grabeng chika! Ikaw kasi magulo ka. Ako, bulong-bulong lang tapos saglit lang din.

CLIEF
Ah, gano'n.

CIA
Oo, gano'n!

JOVEN
Kay Cia ka pa talaga nakipagtalo.

Napa-iling nalang si Clief.

CIA
Ay, oo nga pala Kae! Naaalala mo pa si Miss Ana?

KAELA
Ma'am Ana? SHS?

CIA
Oo. 'Yong marketing teacher natin dati? Nag My Day kasi ako ng picture natin kahapon tapos nag reply siya. Natutuwa raw siya to see her students together. Tapos sabi niya, "Send my regards to Kaela." So ito na 'yon...

Umakto si Cia na may kinukuha sa bulsa niya na sinundan naman nila ng tingin, at pagtaas niya ng kamay, naka-finger heart na ito dahilan ng pagtawa nilang apat.

CLIEF
Marketing? ABM pala kayo no'ng SHS?

CIA
Oo. Gano'n kapag indecisive. STEM kasi hirap ng subjects, HUMSS naman ang hassle ng teachers tsaka more on performance at oral. Kaya naging puno at damo nalang kami sa ABM.

CLIEF
Gano'n din rason mo, Kae?

KAELA
Hindi naman. Medyo magaling kasi ako sa math no'n kaya akala ko mas bagay doon. Tsaka lagi rin sinasabi sa akin no'ng mga kapatid ni Papa na malaki raw pera kapag accountant. Isang pirma lang, pera agad gano'n.

CIA
Totoo 'yan pero 'di nila alam hirap na dinadaanan muna ng accountants para magka-power ng ganiyan ang mga pirma nila.

Tumango-tango naman si Kaela at Joven dito.

CLIEF
Kaya ba hindi mo pinush?

KAELA
Ayaw ko, eh. Hindi ako masaya. Lumaki akong nakikita kay Papa na masaya siya sa ginagawa niya kaya gusto ko rin ng gano'n. Tsaka lagi niyang sinasabi sa'kin na mas magaan ang trabaho kapag gusto mo ang ginagawa mo.

JOVEN
So, gusto mo magturo?

KAELA
Medyo. Lalo na teacher din si Papa. Tapos nakiki-sit in ako noon sa mga tinuturuan niyang bata, parang ang fulfilling din. Lalo na kapag nage-gets na nila. Pero baka hindi rito sa Pinas. Ang stressful, eh. Hindi ko alam. Tignan natin. Kasi marami rin namang opportunities na pwedeng i-take maliban sa pagtuturo.

CIA
Totoo! Ako naman napapaligiran ng teachers kaya alam kong sobrang nakakapagod at stress talaga rito lalo na 'pag public. Kahit hindi mo original workload, tinatrabaho mo pa. Huy, tao lang? Hindi robot? Tsaka daming paperworks at et cetera. Kaya hindi natututukan ang mga bata, eh. Tsaka silang lahat kaya dine-discourage ako magturo. Sabi ko don't worry kasi ang plan ko naman talaga ay mag abroad! Support din sila.

CLIEF
Ikaw, Joven?

CIA
Gaya-gaya lang 'yan sa'kin! Walang originality.

JOVEN
Ah, talaga?

CIA
Oo kaya. Tanong ka nang tanong no'n anong ite-take kong program tas saan. Sus.

JOVEN
Sabi kasi ni Mama follow your dreams. Kaya ayon lang din ginawa ko, sinundan kita.

CIA
Ulol.

Napangiti nalang si Kaela at Clief dahil sa pamumula ni Cia habang pinagtatawanan lang siya ni Joven.

JOVEN
Pero seryoso gusto ko lang din mag abroad. Timing na maraming teacher noon ang nagre-resign para lumipat abroad, eh. Marami rin akong nakikitang videos sa FB. Kaya, ayon.

Napatango-tango sila sa sagot nito. Bumaling naman ang tingin ni Kaela kay Clief na katabi lamang ni Joven. Naabutan ng binata ang tingin nito at naglahad ito ng maliit na ngiti sa dalaga.

KAELA
Ikaw? Ba't Educ?

CLIEF
Ako?

KAELA
Hindi, baka 'yong puno sa likod mo.

Lumingon pa talaga ang binata sa likod niya upang tignan ang puno na siyang ikina-ikot ng mata ng dalaga. Habang ang dalawang kaibigan nila sa gilid ay natatawa lamang sa kanila.

JOVEN
Lumingon pa ampotek.

CLIEF
Ah, ako.

JOVEN
Hindi, Clief. Baka 'yong puno nga.

CLIEF
Na-inspire ako sa Tito ko, bunso nila Mama. Teacher din pero sa college naman nagtuturo. Parang ang chill lang kasi ng buhay, nakaka-travel din siya sa labas paminsan-minsan. No'ng sinabi ko anong dapat i-take, sabi Educ nalang daw. Tapos Masteral and Doctoral after. Kaya ayon.

KAELA
Bakit English?

CLIEF
No'ng nanghingi ako ng Prospectus kasi, maraming literature sa English. Parang interesting din siya, kaya ayon.

CIA
Magmamasteral ka ba kaagad after graduation?

CLIEF
Hindi naman kaagad. Syempre review muna sa boards tapos kapag nakapasa, maghahanap muna ng trabaho. Baka online lang or private gano'n tsaka Masteral. Ayaw ko kasing sila Mama pa gumastos, syempre may mga kapatid pa ako.

[ TWITTER ]

km🔒@kaelamarie
gus2 q yong mga ganitong pag uusap

km🔒@kaelamarie
matutupad kaya namin lahat?

km🔒@kaelamarie
dami pa namang pwede mangyari overnight. baka biglang mabago rin paningin namin tas iba na pala gus2 namin maging. may 2 yrs pa kami sa college.

km🔒@kaelamarie
gaya ng d q akalain na d2 aq mapupunta. kc accountancy nmn tlg sana kukunin q. kung di nawala si erpats, d pa aq magigising na d q nmn tlg gusto yon. gus2 q sumunod sa yapak niya.

km🔒@kaelamarie
akalain mo yon
┗ > km🔒@kaelamarie
       baka mashock si kaela last yr kapag nalaman mga ganap sa buhay q ngayon

km🔒@kaelamarie
pero saya nila kasama

km🔒@kaelamarie
nako-conscious na aq minsan kapag may napapatingin samin feel q ang ingay namin

km🔒@kaelamarie
pero mahirap din magpigil ng tawa kapag nagbabangayan na sila cia at joven haha

km🔒@kaelamarie
haaayy

⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚۰˚☽˚⤹⋆⸙͎۪۫。˚

#gllclkb

gently like leavesWhere stories live. Discover now