I bit my lower lip. I don't know what to say. I feel so embarrassed.

Ikinabit ko ang seatbelt at pasimpleng tumingin sa kaniya. Napatingin ako sa balikat niyang nabasa. Dahil siguro iyon sa pagpayong niya sa akin.

He didn't say anything so I just shut my mouth. Nahihilo ako kaya ipinikit ko na lang ang mga mata dahil mahaba-haba pa naman ang byahe.

Nagising ako at ramdam na ramdam ko ang bigat ng ulo ko. I looked at my side and my eyes widened when I saw my room in Manila.

"What the..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin. "Why am I here?!" gulat na tanong ko at tatayo sana pero naramdaman kong mabigat na rin ang katawan ko. Naramdaman ko rin ang mainit kong katawan.

"How did I end up here?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa kisame.

I was about to get up but my body was too heavy. Para akong lalagnatin... or baka nga may lagnat na ako.

I closed my eyes again. Nahihilo ako at sobrang nanghihina. I'm not used to getting sick because I only get a fever once in a blue moon. Siguro kaya rin inabot ako ng lagnat ay dahil wala akong kain kahapon. Hindi ako nakapag tanghalian at hapunan. Tanging kaunting pagkain lang ang kinain ko na binili ko pa sa convenience store.

Kahit nahihilo ay pinili kong tumayo dahil nagugutom ako. I'm still wearing the clothes he gave me.

Pagbaba ko ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng diyaryo. Napakunot pa nga ang noo ko dahil medyo hinihingal siya pero pinilit niyang huwag 'yon ipahalata. Ipinagsawalang bahala ko na lang.

"Manang, may soup ba?"

"Ay, ma'am naka-ready na po. Iinitin ko lang po saglit."

What? Naka-ready na agad? Alam ba ni manang na may sakit ako?

Nevermind.

Umupo ako sa dining area at natatanaw ko na naman si Favro. He was wearing a white fitted sando and pajama. Mahilig siyang magbasa ng newspaper. Ganiyan palagi ang nakikita ko sa kaniya kapag bumababa ako or kaya naman ay day off niya sa trabaho.

"Heto na, ma'am. Magpagaling po kayo." Ngumiti sa akin si manang kaya tumango ako at nagpasalamat.

Wala akong panlasa.

Pinilit ko na lang ubusin para may lakas ako. After I finished my soup, I went to the garden to get some fresh air. Ayokong ihiga ito dahil kapag nagpapahinga ako ay mas lalo akong nanghihina kaya tatambay muna ako sa garden.

Maya-maya lang ay dumating si Favro. Tumabi siya sa akin ngunit hindi naman ganoon kalapit.

What is he doing here? Hindi talaga ako sanay sa presensya niya.

I was about to stand up but he spoke up that made me look at him. "Why?"

"Stay here," aniya.

"Huh?" Napakunot ang noo ko. Does he want me to stay here with him?

"I'm sorry but I'm not comfortable around you, Favro. Why do you want me to stay here with you? Nagkaka-feelings ka na ba sa 'kin? Bigla kang nagiging mabait." Tinanggal ko ang kamay niya sa akin.

He looked at me without any emotion. "Is that what you think? I just have something to discuss with you, Alison."

Napalunok ako at gusto ko na lang tamaan ng kidlat kahit walang ulan dahil sa kahihiyan.

Umupo ulit ako. "Ano ba 'yon?" Pinilit kong ayusin ang boses.

"Your car is fixed now. Ipinakuha ko na at dadalhin dito mamaya," he said.

"Ah sige salamat." Tatayo na sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Alison, my parents want a child now. We've been married for 4 years and they want an heir."

Hindi agad ako nakapagsalita pero ayokong may mangyari sa amin kaya pinilit kong may sabihin.

"I can't give it to you, Favro. Hindi nga kita mahal, e. I don't want to have a child with you at ganoon ka rin dahil hindi naman tayo nagmamahalan. Pumayag ako na magpakasal tayo dahil may dahilan pero 'yung anak? Favro, I can't give you my whole sel—"

"I'm not asking for your body, Alison." Mataman niya akong tiningnan.

"E g-gusto mo ng anak..."

"Yes, and we can adopt a child. A new born baby," sagot niya na nagpatahimik sa akin.

I bit my lower lip because of embarrassment. Palagi na lang akong napapahiya sa harap niya.

"Papayag ka bang mamahala sa kumpanya niyo ay ibang tao? I'm sure your father won't allow it."

"I have a plan," he said.

"What plan?"

"We'll leave the country and stay there for a year. You'll carry our child for nine months and of course, you'll gather your strength before going home here."

"What?" Napatayo ako. "Lalabas tayo ng bansa? Favro, ayoko. I have a job here."

"I also have a job here, Alison. I'm the Vice Chairman but I need a child," he selfishly said.

"Do you really need a child? Ang hirap naman niyan, Favro!" Naiirita na ako.

"I need an heir, Alison."

Nanahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Ayokong tumira sa ibang bansa na kaming dalawa lang. Dito pa nga lang naiilang na ako, paano pa kaya kapag nasa ibang bansa na kami at kaming dalawa lang?

Gusto ko na siyang hiwalayan. I want to leave him!

But something came in my mind so I looked at him. Pinanliitan ko siya ng mga mata at napangisi na lang ako sa naiisip ko.

"What are you thinking, woman?"

"Fine," I said. "Let's leave the country together. I want to go to Greece but on one condition..." I smiled.

"What?"

"We will have an annulment once you get your heir. Let's just say, we broke up because you had another woman."

"What?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Maghihiwalay tayo at ako ang may ibang babae?"

"Yes," I said.

"My father won't believe that, Alison. I know you badly want an annulment but your reason is just... bullshit."

"Anong bullshit? Edi mag-isip tayo nang iba. Naghiwalay tayo dahil hindi na tayo nagkakaintindihan. May tagapagmana ka naman na," mabilis kong sabi.

Hindi siya nakapagsalita kaya ako na lang ang nagsalita ulit.

"When will we leave?"

"Tomorrow," he said without looking at me. Naging matamlay ang boses niya.

Okay! After 1 year, I'm free. After 1 year, he's no longer my husband and I'm no longer his wife.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Where stories live. Discover now