Lumabas ako nang hindi siya binabati dahil iyon naman ang nakasanayan namin. Pagdating ko sa parking lot ay sumakay na agad ako sa kotse. Sana lang hindi traffic dahil ayokong pinaghihintay si Mother Helena.

I've been sponsoring the orphanage for almost 10 years. Bago pa ako kinasal ay magkakilala na kami ni Mother Helena kaya ako na ang nag s-sponsor sa bahay-ampunan.

Pagdating ko roon ay sinalubong ako ng mga bata. I forgot about them because I was really busy kaya naman nang banggitin 'yon kanina ni Catherine ay napatayo ako.

"Ate Ali!" Nilapitan ako ni Gianne at niyakap. Siya ang pinaka matured dito.

"Kumusta?" I smiled at them.

"Mabuti, ate! Ikaw po? Na-miss ka namin." Niyakap ako ni Eloy. Ang chinitong 6 years old.

"I'm okay. Na-miss ko rin kayo. Kumain na ba kayo?"

"Syempre, ate! Kami pa ba? Hindi naman papagutuman ni Mother Helena si Biboy, e," tumatawang sabi ni Jelly. Eloy and Jelly are the youngest. Si Jelly ang pinaka mapang-asar at makulit. Si Biboy naman na tinutukoy niya ay ang cute na chubby na 7 years old.

"Ikaw talaga, Jelly. Inaasar mo na naman si Biboy," saway ni Gianne. Gianne is 8 years old.

"Tama na 'yan. Pumasok kayo rito, mga anak." Napatingin ako kay Mother Helena nang dumating siya. She smiled at me.

"Mother." I smiled and walked towards her.

"Kumusta po kayo?" bati ko.

"Maayos lang ako, anak. Ikaw ba? Namamayat ka. Sinasagad mo ba ang sarili mo sa trabaho?" Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Okay lang po ako, Mother Helena."

"Mga anak, sa mga silid muna kayo at may pag-uusapan kami ng ate niyo." Tiningnan ni Mother Helena ang mga bata at tumango naman ang mga ito.

Dumiretso kami sa opisina ni mother at pinaupo niya ako.

"Ano po 'yon, mother?"

"May natagpuan kaming babae sa likod ng bahay-ampunan na ito, Claire. Marami siyang pasa at mukhang binugbog..."

"Po?" gulat kong tanong.

"Gusto namin siyang dalhin sa ospital ngunit hindi siya pumayag dahil natatakot siyang baka matunton siya ng taong gumawa no'n sa kaniya. Marami raw iyon koneksyon," problemadong sambit ni Mother Helena.

"Ano pong balak niyo?"

"Claire, maaari mo ba kaming tulungan? Kahit ang mga pulis ay kasabwat daw ng taong nanakit sa kaniya. Hindi ba't abogado ang asawa mo, anak?"

Pero... ayokong humingi ng tulong kay Favro.

"Nasaan po ba siya? Baka makatulong ako sa kaniya," sambit ko.

"Nasa isang silid siya. Hindi siya gaanong nagsasalita at takot sa tao. Baka kung magtagal siya rito ay matunton siya ng mga taong nanakit sa kaniya, Claire."

Dinala ako ni Mother Helena sa babaeng nakita nila. Nang buksan ang pinto ay nakita ko siyang nakaupo sa kama. Nakatalikod siya at nakatingin sa bintana. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi niya napansin na may pumasok.

"Anak... narito ang sinasabi kong makakatulong sa'yo..." Nilapitan siya ni mother.

Dahan-dahan siyang lumingon at nagtama ang mga mata namin. Maga ang isang mata niya at putok ang labi ngunit kahit na ganoon ay mahahalatang may maipagmamalaki ang hitsura niya.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon