Drifted

14 2 0
                                    

Napangiti ako sa sinabi ng kaibigan ko at mahinang tumawa pero ang utak ko nasa taong naglalakad papunta sa cafeteria kung nasaan kami ng mga kaibigan ko. Dumaan siya sa harap ko na para bang never kami naging magkakilala.

Isinawalang bahala ko na lang ito kahit na hanggang ngayon, may mga bagay pa rin ako na gustong malaman at klaruhin.

"Gusto mo couple kayo sa Audi pero couple kami in real?" tanong sa akin ng tambay lagi sa computer shop. Nagkatinginan muna kami ng katabi ko, na siyang tinutukoy ni Rency, bago ko ibinalik ang tingin rito.

"Couple?" Nakangiti ang mga kaibigan nito na tambay rin sa computer shop habang inaasar ito. "Bakit?"

"Siyempre, lalake character ko pati sa kaniya kaya hindi puwede pero sa iyo babae. Para makuha niyo iyong title at rewards."

Ramdam ko ang tingin ng katabi ko kaya nilingon ko ito. Naguguluhan ako sa pakiusap ni Rency na sinamahan pa ng pag-uudyok ng mga kaibigan nito kaya ibinaling ko ang tingin sa character ko na nasa lobby para mag-isip.

Hindi ko makuha ang point nila pero para sa rewards at title sa nilalaro ko, nilingon ko ulit ang katabi ko. "Gusto mo?" tanong nito.

"Boy, salo!" sigaw ng isang varsity player sa kaniya na siyang dahilan bakit ako napatigil. Ang lakas kasi ng pagkakasigaw nito.

Heto na naman. Pumapasok na naman sa isip ko ang maraming tanong nang makita ko siya. Hindi ko alam kung bakit kapag nakikita ko siya, pinuputakte ang utak ko ng mga tanong patungkol sa kaniya. Kapag wala naman siya sa paligid ko, nakakapag-focus ako sa ibang bagay. Most of the time, halos hindi siya sumasagi sa isip ko.

Tumalon siya saka hinampas ang bola papunta sa side ng kalaban. Naghiyawan ang mga kakampi niya pati na ang ilang manunuod nang nakapuntos sila dahil sa kaniya. Dahil natumba iyong dalawang humarang sa bola, lumapit siya kasabay ng mga kalaro niya para tulungan ang mga ito.

Naghawak kamay siya pati na iyong isang natumba bago nagyakap ng bahagya't tinapik ang likod ng bawat isa. Matapos bumitaw, ipinahid niya ang damit sa mukha. Basang-basa na kasi siya ng pawis. Napangiti na lang ako't tumalikod saka ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kabilang building.

"Gusto mo i-extend kita?" tanong niya nang makita sa monitor ko ang timer.

"Weh? May pera ka pa?" nakangising tanong ko. "Sakto lang pera mo, hindi ba?"

"Oo pero kukupit na lang ako sa tindahan namin."

"Siraulo. Huwag na. Baka hanapin na rin ako nina Mama at Nanay. Gabi na rin."

"Sure ka?" tanong niya na tinanguan ko.

Matapos ang ilang minuto, nilapitan na ako ng bantay para sabihing time na ako kaya nag-logout na ako sa nilalaro namin saka tumayo. Nagbayad muna ako saka ko siya binalikan at tinapik.

"Uwi na ako. Bukas na natin kuhanin iyong title sa event."

"Out na rin ako. Sabay na tayo." Isinara niya na rin ang nilalaro pati na ang mga tab ng browser bago lumapit sa bantay at nagbayad. "Tara na," pag-aaya niya kaya't lumabas na kami.

Kinalabit ako ng kaibigan ko kaya tumigil ako sa pag-inom sa hawak kong milktea. "Ang ingay ng mga epal sa table na iyon."

Hindi ko na kinailangan lumingin kasi alam ko kung anong table ang tinutukoy niya. Iyon iyong table kung saan siya nakaupo kasama ang mga kaibigan niya. "Hayaan mo na lang. Wala ka naman magagawa."

DriftedWhere stories live. Discover now