"Y-yeah. Why, ano bang dinig niyo?" Sakay naman niya sa palusot ko

Mabuti nalang talaga at may nakita akong brochure sa mesa na kinakainan namin at saktong may lugar doon kaya iyon ang tinuro ko. Talagang naglalagay sila ng mga ganito lalo na pag matagal-tagal maluto ang mga pagkain. Sakto namang malapit ito sa plato ko kaya ito nalang ang naisip kong idahilan.

Katunog naman diba?

Nang makita kong mukhang kumbensido naman siya, napahinga na ako nang maluwag. Wow. I should get an award for being such a good liar and a story maker.

"Pfft." Ewan ko kung sino iyon sa mga boys

"Talino oh." Segunda pa ng isa.

"Oh, okay. Maybe I heard it wrong lang. Why would you say that kind of thing naman diba? We're friends naman.. aren't we, Tiara?" I don't know but she just sounded so sarcastic, or baka ayaw ko lang talaga sa kanya?

"Hehe." Iyon na ang pinakamaayos na sagot ko roon

Ilang segundo pa kaming nagkatinginan habang nakangiti sa isat-isa.

"Oh well, let's eat. Bon appetit!" Siya rin mismo ang nag iba ng usapan

Habang kumakain ay naririnig ko pa ang mahinang pagtawa ni Ena sa tabi ko. Gumagalaw-galaw pa siya kaya pasekreto ko siyang siniko. Napailing ako sa sarili. "Paano ka naman mamamali sa narinig mo kung iyon na iyon din ang narinig nilang sinabi ko?" Naisip ko

Ramdam ko ang tingin sa gawi ko ni Kairous. Lalo akong nainis dahil baka iniisip naman niya inaaway ko ang babae niya, tsk.



"Sandali lang!" Balak ng mga kasama ko na mag libot sa island pero sabi ko ay susunod lang ako. Sa kakakilos ko kasi ay pakiramdam ko wala na sa ayos ang pagkaka-cast ng sugat ko. Hindi na naman dumodugo pero kailangan ko pa ring i-double check.



"The F!-" Napaupo na ako dahil tumama sa parang layang buko iyong paang may sugat ko. Kung siniswerte ka nga naman oh.

Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang may taong lumapit sakin at tinulungan akong tumayo. Among all people siya pa talaga ang nakakita sakin sa ganitong sitwasyon.



"I'm fine. It's okay." Agad kong pinigilan siya sa balak na pagyuko para tignan ang paa ko pero sa mga ganitong sitwasyon, parang hindi ko talaga siya kailanman mapipigilan sa mga gusto niya.

"You should be careful." Nabigla rin ako sa tono ng boses niya. May lambing akong nahihimigan doon.

"I-I will, next time." Naisagot ko

"Every time. Be careful every time." Tumayo na siya nang tuwid at sinalubong ang naguguluhan kong tingin.

Those eyes.. It's only been days but why does it feel like I've longed for it for a long time?



I sighed. "Thanks, pero kaya ko na'to. Bumalik ka na sa mga kasama mo, baka hinahanap ka na nila."

Mukhang binabasa pa niya ang ekspresyon sa mukha ko pero tanging gusto ko lang ngayon ay ang umalis na siya at iwan na ako rito. Nakita ko kasing dumugo na naman ang sugat ko room, siguro dahil sa impact ng pagkakabunggo ko ron sa balat ng buko. Ayaw kong makita niya akong iika-ika paalis dahil ayaw kong maawa siya sakin. Lalong ayaw ko na iyon nalang ang maramdaman niya sakin. Ang maawa.













***

Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanya na kami ng gagawin. Total halos may mga partner naman ang bawat isa, liban samin ni Abby syempre, kaya ayos na ring magkanya-kanya kami. Ayaw kong mag mukmok sa cabin kaya sumama nalang ako sa mga kaibigan ko.

He's In TroubleМесто, где живут истории. Откройте их для себя