CHAPTER 5

34 8 8
                                    

I was about to go to my room but then i realized on checking up with Cinaed. Ilang oras na rin ang nakalipas sa magmula sa Dinner ay hindi ko siya Tinignan sapagkat ayoko naman isipin nila na masyado akong affected kay Cinaed.

Nakikipagtalo pa ako sa sarili ko pero in the end napagpasyahan ko pa rin na silipin siya sa kaniyang kwarto dahil hindi ko talaga maatim na hindi siya kamustahin, lalo pa kanina na nagmadali siyang kumain pagkatapos ay umalis na. Weird talaga ang isang iyon.

Napabuntong hininga nalang ako at naglakad papunta sa kwarto ni Cinaed. Kumatok muna ako ng tatlong beses pero walang kumikibo. Tulog na ba ang isang ito? Gagambalain ko pa ba siya or papasok ako?

Hindi ako makapag desisyon ng mabuti kung sisilipin ko pa ba siya or hindi na pero dahil sa makulit at matigas ang ulo ko ay nagpasya ako na pumasok na.

Hinawakan ko ang door knob at nakakapagtaka na hindi ito naka lock kaya naman ay naisipan ko na pumasok na sa loob dahil sa pag kakaalam ko ay hindi niya iniiwan ang kaniyang pintuan ng hindi naka lock.

"k-kuya? Tulog kana ba?" Medyo Utal na aking sambit habang sinisilip kung nasa loob ba siya ng kaniyang kwarto o lumabas ng hindi ko napapansin kanina.

Nagpatuloy ako at dahil sobrang dilim sa kwarto niya dagdag mo pa na napaka lamig ay muntik na akong matalisod buti nalang ay nagawa ko na ibalance ang Sarili ko. Yan kasi katangahan mo self.

Hinanap ko muna ang switch ng ilaw para makita ko kung natutulog na siya. Natagpuan ko naman kung nasaan ang switch kaya binuksan ko na ang ilaw, at lumawak naman ang sakop nito at lumiwanag na sa loob ng kwarto.

Sa pagbukas ko ng ilaw ay tumambad saakin si Cinaed. Nasa kama at tila lamig na lamig dahil balot na balot siya ng comforter. Gosh anong nangyari sa kaniya?! Agad akong lumapit at tinawag siya.

"Kuya!!" I shouted at lumapit sa kaniya. Sinalat ko ang noo at leeg niya pero nanlalaki ang matang tinignan ko siya. Napaka init niya, parang pwede ka nang magprito ng itlog sa sobrang taas ng lagnat.

"You're freaking hot!" Bulalas ko na nag mulat naman ng mata sa kaniya.

"Y-yeah I'm hot." Sagot niya pa kahit nahihirapan ng magsalita. Talaga namang nagawa niya pang magbiro sa lagay niyang iyan na sobrang taas ng kaniyang lagnat.

"Literal na mainit! Ang taas ng lagnat mo! Ano bang nangyari sayo?" Tanong ko at tumayo hininaan ang Aircon dahil nanginginig na siya sa lamig pagkatapos ay lumapit ulit sa kaniya.

"A-Allergies." He simply said and tried to open his eyes.

"Allergies? Saan mo naman nakuha ang allergies na yan? May nakain ka ba? Nainom? What? Where's your medicine? Wait me here i call Cyrenz!" Sunod sunod at may pagmamadaling sambit ko na aalis na sana when he reach my hands and speak.

"A-Allergies lang sa pagkaing mayroong liver." Lumingon naman ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay even tho he's not looking.

"L-liver? Oh Hod I'm Sorry hindi ko alam!" Nakaramdam naman ako ng konsensya naman ako dahil sa nangyari at nilagyan ko pa ng sangkap na atay ng baboy ang ulam kanina.

"D-dont worry I'm fine." Kahit nahihirapan ay nagawa niya pa ring sumagot.

"Anong 'Im Fine' ka diyan. Tignan mo nga ang sarili mo at para ka ng mamatay kung hindi pa ako pumasok dito at tinignan ka."

"So you cared for me?" He ask and it made me stop. Napaisip ako at napagtanto na hindi ko nga siya pinakikielamanan noong mga bata pa kami at ngayon pinanghihimasukan ko ang buhay niya. Pero in the other side ako rin ang may kasalanan kung bakit ang taas ng kaniyang lagnat at may allergies siya ngayon.

 Isla Peccatori: Burning Flames |R-18|Donde viven las historias. Descúbrelo ahora